Nangangailangan ang babies ng mga bakuna para maprotektahan sila mula sa mga nakakapinsalang sakit at impeksyon. Dahil gumagana ang mga bakuna sa pamamagitan ng pagpapapasok ng “weakened” o “inactive form ng virus o bakterya” sa katawan, na nagpapasigla sa immune system na kilalanin at labanan ang pathogen.
Kung saan, tinutulungan nito ang immune system na makabuo ng isang “memorya” ng pathogen upang kung ang bata ay na-expose sa aktwal na sakit sa hinaharap, ang kanilang immune system ay maaaring tumugon nang mas epektibo at mabilis upang maiwasan ang sakit.
Sa madaling sabi, mahalaga ang mga bakuna sa baby para makatulong upang mabawasan ang panganib ng malubhang komplikasyon at kamatayan mula sa preventable disease, na nag-aambag sa pangkalahatang kalusugan at kagalingan ng bata.
Bukod pa rito, ang malawakang pagbabakuna rin ay nakakatulong sa herd immunity, na tumutulong na protektahan ang mga hindi mabakunahan, gaya ng mga indibidwal na may compromised immune system o ilang partikular na medical conditions.
Para maging pamilyar ka sa mga bakuna para sa baby na dapat maibigay sa iyong anak, patuloy na basahin ang article na ito.
10 Bakuna Para Sa Baby
Ang mga partikular na bakuna at iskedyul ay maaaring mag-iba depende sa bansang tinitirhan ng bata at magulang, dahil ang mga patakaran at rekomendasyon sa pagbabakuna ay dine-determine ng local health authorities. Gayunpaman, narito ang listahan ng ilang mga bakuna na karaniwang binibigay sa mga baby.
Narito ang mga sumusunod:
1. Hepatitis B (HepB)
Ang bakunang ito ay tumutulong na proptektahan ang isang tao laban sa hepatitis B virus, na maaaring magdulot ng sakit sa atay at kanser sa atay.
2. Diphtheria, Tetanus, and Pertussis (DTaP)
Kilala ang bakunang ito bilang mabisang proteksyon laban sa diphtheria, tetanus, at pertussis (whooping cough), na mga seryosong impeksyon sa bacteria.
3. Haemophilus influenzae type b (Hib)
Ang bakunang ito ay nagpoprotekta laban sa isang uri ng bacteria na maaaring magdulot ng meningitis, pulmonya, at iba pang malubhang impeksyon.
4. Polio (IPV)
Nakakatulong ang bakunang ito na protektahan ang isang tao laban sa poliovirus, na maaaring magdulot ng paralisis, pagkalumpo, at iba pang malubhang komplikasyon.
5. Pneumococcal conjugate (PCV13)
Ang bakunang ito ay nagpoprotekta laban sa 13 uri ng pneumococcal bacteria, na maaaring magdulot ng pulmonya, meningitis, at iba pang malubhang impeksyon.
6. Rotavirus (RV)
Nakakatulong ang bakunang ito bilang proteksyon ng isang tao laban sa rotavirus, na isang pangunahing sanhi ng matinding pagtatae sa mga baby at maliliit na bata.
7. Measles, Mumps, Rubella (MMR)
Pinoprotektahan ng bakunang ang mga tao laban sa tigdas, beke, at rubella, na mga impeksyon sa viral na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon.
8. Varicella (chickenpox)
Kilala rin ang bakunang ito bilang proteksyon laban sa bulutong-tubig, isang nakakahawang viral infection na maaaring magdulot ng pantal sa balat, lagnat, at iba pang komplikasyon.
9. Hepatitis A (HepA)
Ang bakunang ito ay nagpoprotekta laban sa hepatitis A, isang impeksyon sa viral na maaaring magdulot ng sakit sa atay.
10. Influenza (trangkaso)
Isa itong mabisang bakuna na nagbibigay ng proteksyon laban sa trangkaso, na pwedeng magdulot ng malubhang komplikasyon sa paghinga, lalo na sa maliliit na bata at sa mga may malalang kondisyon sa kalusugan.
Sa kabuuan ang mga bakuna para sa baby na nabanggit ay mahalaga dahil nakakatulong ang mga ito na protektahan sila mula sa malubha at potensyal na nakamamatay na mga sakit. Gumagana ang mga bakuna sa pamamagitan ng pagpapasigla sa immune system na kilalanin at labanan ang mga partikular na pathogen, na tumutulong na panatilihing malusog ang mga indibidwal at komunidad. Sa maraming mga kaso, ang mga bakuna ay naging matagumpay sa makabuluhang pagbawas o kahit na pag-aalis ng paglitaw ng ilang mga sakit.
Kaya huwag mag-atubili na pabakunahan ang anak, subalit tiyakin muna na may patnubay ka ng isang healthcare provider, para masigurado ang kaligtasan ng iyong anak.
[embed-health-tool-vaccination-tool]