Ang Pilipinas ay isang konserbatibong bansa, at ang pakikipag-usap sa mga bata tungkol sa sex ay isa pa ring taboo. Gayunpaman, mahalaga ang pakikipag-usap sa bata tungkol sa sex at consent. Ito ay dahil naatutulong ito upang sila ay maging responsable at magalang na mga adult. Sila rin ay maaaring maging safe kung alam na nila kung paano igigiit ang kanilang karapatang magbigay ng consent.
Ngunit ang tamang diskarte ay nag-iiba depende sa edad at development stage ng iyong anak.
Kailan ang tamang oras para pag-usapan ang sex?
Walang anumang edad na kinakailangan kung paano kausapin ang bata tungkol sa sex.
Gayunpaman, mas mabuti na magsimula sa mas batang edad, dahil ang mga bata ngayon ay may access sa social media kung saan madalas silang makakita ng sekswal na nilalaman.
Ang pagsisimula ng maaga ay makatutulong sa iyong mga anak na maging mas may alam sa kanilang mga katawan at pag-aaral tungkol sa kung ano ang nararapat at kung ano ang hindi. Masasanay din sila na gumawa ng pinakamatalinong desisyon kapag naharap sila sa mga pagkakataong hindi sila handa.
Pakikipag-usap sa iyong anak tungkol sa sex habang sila ay lumalaki
Habang lumalaki ang iyong anak, may ilang mga pagbabago sa kanilang buhay na maaaring kailanganin na ipaliwanag. Ang ilan sa mga pagbabagong ito ay ang kanilang pangangatawan, kanilang kapaligiran, at kanilang mga desisyon. Narito kung paano kausapin ang bata tungkol sa sex habang sila ay lumalaki.
Toddlerhood
Kapag ang iyong anak ay toddler na, lalo siyang nagiging mausisa tungkol sa kaniyang katawan at maaaring madalas ang paghawak sa kaniyang ari. Kapag nakita mong ginagawa niya ito, ituro ang tamang anatomical na mga pangalan ng mga ari. Ito rin ang perpektong oras para maingat na turuan sila na ang paghawak sa ari ay dapat gawin nang pribado.
Preschool age
Ang edad na ito ay ang perpektong oras para simulan ang pagtalakay sa salitang “pahintulot” sa iyong anak.
Bilang magulang, mahalagang turuan ang iyong mga anak tungkol sa mga hangganan, lalo na pagdating sa physical contact.
Ito ang magandang panahon para turuan silang humingi ng pahintulot bago humipo sa ibang tao. Sa parehong paraan, kailangan din ng iba na humingi ng kanilang pahintulot bago sila hawakan.
Ang pinakamahalagang bahagi sa edad na ito ay pagtuturo sa isang bata na hindi tama para sa isang tao na humingi o subukang hawakan ang kanilang mga ari. Ang araling ito ay makatutulong sa iyong mga anak na mas proteksiyonan ang kanilang sarili.
Gayundin, sa edad na ito, ang mga preschooler ay mausisa kung paano ginagawa ang mga sanggol.
Dahil hindi pa naiintindihan ng mga bata ang ideya ng agham, mabuting ipaliwanag mo kung ano ang nangyayari kapag ang mga tao ay nagpaparami sa pinakasimpleng paraan.
Tandaang gamitin ang mga tamang termino para hindi malito ang iyong mga anak kapag mas matanda na sila. Huwag mag-atubiling laktawan ang ilang partikular na detalye na tila hindi naaangkop.
Ang pagiging bukas kung paano kausapin ang bata tungkol sa sex at pag-usapan ang tungkol sa mga bahagi ng kanilang katawan sa mga tamang termino ay makatutulong sa kanila. Sila ay nagiging mas bukas sa hinaharap pagdating sa pakikipag-usap tungkol sa kanilang sarili (may kaugnayan man sa kalusugan o wala). Ang mga magulang na hindi komportable na sabihin ang mga tamang termino, o pinagtatawanan ang pagsasabi ng “penis” o “vagina” sa harap ng mga bata ay nagbibigay sa kanila ng ideya na ito ay nakakatawa, katawa-tawa o maging nakakahiya.
Elementary school age
Nabubuhay tayo sa isang modernong lipunan kung saan umuunlad ang teknolohiya at Internet. Kaya isa ring karagdagang responsibilidad ng mga magulang ay turuan ang mga anak tungkol sa explicit content sa web.
Sa panahong ito, ang mga batang nasa edad na ito ay dapat na may sapat na kaalaman tungkol sa pakikipag-usap at pagbabahagi ng mga pribadong larawan sa mga estranghero online. Ito rin ay isang maselang oras kung saan maaari silang makakita ng mga website ng pornograpiya.
Bukod sa pag-install ng proteksyon na software sa iyong mga computer sa bahay o laptop, ang pagbibigay sa mga bata ng tamang mga alituntunin ay mahalaga din.
Ang edad na ito rin ang perpektong panahon para higit pang ipaliwanag kung ano ang tungkol sa sex.
Maaaring simulan ang pag-uusap tungkol sa masturbation, at magpatuloy sa aktwal na proseso ng pagpaparami.
Ayos lang kung hindi ito komportable sa iyong anak, kaya ihinto lang muna ang pag-uusap at hintaying maging handa siya. At kapag sila na ang magulang dapat ding maging handa na ipaliwanag kung ano ang inaasahan na marinig ng mga bata. Muli, kung nahihiyang makipag-usap tungkol sa pakikipagtalik sa kanilang mga anak, mararamdaman din ng mga bata ang pagkahiya o kahihiyan.
Pre-teen years
Ang mga pre-teen years ay ang panahon ng puberty. Kasama na rito ang mga pisikal na pagbabago tulad ng pagtubo ng pubic hair, at paglaki ng mga suso sa mga batang babae.
Gayundin, maaari mong bigyan ng babala ang iyong mga anak na babae tungkol sa pagdating ng regla.
Bukod sa pagpapakilala ng puberty, ang pre-teen din ang pinakamahusay na mga taon para sa mga magulang upang talakayin ang sekswal na pang-aabuso.
Oo, ang ideya ng sekswal na pang-aabuso ay maaaring nakakatakot, ngunit ito ay makakatulong sa iyong mga anak na malaman kung paano protektahan hindi lamang ang kanilang sarili kundi pati na rin ang ibang mga tao.
Teens
Ang mga teenager ay mas bukas sa mas komplikado na mga paksa. Kaya makabubuting balikan ang lahat ng iyong nakaraang pag-uusap tungkol sa sex.
Ito ang perpektong oras para turuan sila tungkol sa ligtas na pakikipagtalik at paggamit ng mga contraceptive.
Sa kanilang teenage years, mahalagang patuloy na patuloy na ipaalala ng mga magulang sa mga anak ang pagbibigay ng consent. Isa pa ay ang pagbabahagi ng sensitibong larawan sa internet.
Ang pakikipag-usap mo sa isang bata tungkol sa sex mula noong bata pa siya ay makakatulong na mag-navigate sa kanilang teenage years.
Hasain din sila ng mga ito upang maging responsableng adults sa hinaharap.
Key Takeaways
Ginagampanan ng mga magulang ang pagiging unang guro ng kanilang mga anak. Hindi lamang sa academics, kundi pati na rin sa buhay. Kaya naman napakahalaga ng pag-aaral kung paano kausapin ang bata tungkol sa sex at consent.
Ang pagtuturo sa mga bata tungkol sa sex ay hindi nangangahulugang gagawin ito agad ng mga bata. Ito ay pagtuturo lamang sa kanila ng pagiging responsable sa kanilang sarili, at paggalang sa mga taong nakapaligid sa kanila.