Ang mga kabataan ay hindi lamang dumadaan sa mga pagbabago sa pag-uugali; nakararanas din sila ng mga pisikal na isyu tulad ng mga skin breakouts. Narito ang ilang mga tip na aprubado ng mga dalubhasa sa kung paano iwasan at gamutin ang tigyawat ng teenager.
Una, ano ang tigyawat?
Bago natin ilista ang mga epektibong teenage acne treatment, hayaan muna natin na tukuyin kung ano ang tigyawat o acne.
Ang acne o tigyawat ay isang kondisyon ng balat na nangyayari kapag ang mga follicle ng buhok ay nabarahan ng pawis at dead skin cells. Nagreresulta ito sa iba’t ibang mga skin breakouts, tulad ng mga tigyawat (tinatawag ding pustules dahil mayroon silang maputi o madilaw na pus sa gitna), blackheads, at whiteheads.
Ang pagbibinata o pagdadalaga ay madalas na nagpapalitaw ng mga acne breakouts dahil ito kadalasan ang oras na nadadagdagan ang hormone ng lalaki na tinatawag na androgen. Ang androgen ang nag-uudyok sa higit pang sebum o produksyon ng pawis sa katawan. Kapag ang kombinasyon ng pawis, buhok, at dead skin cells ay nabuo, ang mga follicle ng buhok ay nagiging barado at biglang nagbubukas, na nagiging sanhi ng skin breakouts
Mga Tip kung Paano Gamutin ang Tigyawat
Kung napansin mo ang paglabas ng mga tigyawat sa iyong teenager, o kung lapitan ka nila tungkol sa mga tips sa pag-aalaga ng balat para sa isang malinaw na kutis, panatilihin sa isipan ang mga sumusunod na nakagawian:
Banayad na Paghihilamos
Paalalahanan ang iyong teenager na hilamusan ang kanilang mukha dalawang beses sa isang araw gamit ang gentle cleanser. Maaari ka ring maghanap ng mga produkto na naglalaman ng topical benzoyl peroxide; gamitin ang iyong mga daliri kapag nag-aaplay ng cleanser at pagkatapos ay banlawan ng maligamgam na tubig. Iwasan ang agresibong paghawak sa mukha na nakasasakit ng hugasan. Ang sobrang paghuhugas ng mukha ay maaaring magresulta sa iyong balat na magprodyus ng mas maraming oil/langis.
Maglagay ng gamot at pangalagaan nang maayos ang mga breakout
Pagkatapos ng maghilamos, maaari mo nang ilagay ang mga topical treatment na may mga aktibong sangkap na ginawa upang mag-alis ng mga breakout. Habang ang karamihan sa mga topical treatment na ito ay maaaring mabili kahit na walang reseta ng doktor, ngunit lubos pa rin na hinihikayat na makakuha ng kanilang pagsang-ayon. Kasama sa mga halimbawa ng mga topical treatment ang sumusunod:
- Salicylic acid, angkop para sa pag-alis ng acne at labanan ang pamamaga
- Benzoyl peroxide, upang puksain ang bacteria, bawasan ang produksyon ng sebum, at maiiwas ang mukha sa pagbabalat
- Retinoid, kapaki-pakinabang para sa pag-aliwalas ng balat at pagpigil sa mga bagong breakouts
Huwag kalimutang mahigpit na sundin ang mga tagubilin sa lalagyan o mga paalala ng doktor tungkol sa mga produktong ito. Gayundin, mangyaring huwag tangkaing sabay-sabay na gamitin ang iba’t ibang mga produkto ng walang payo mula sa isang dermatologist.
Alagaan ang iyong breakouts tulad ng pangangalaga sa iyong sugat, maliban kung hindi mo ito kailangang takpan. Huwag kailanman tusukin o pisilin ang isang tigyawat at iwasan ang paghawak rito upang mabawasan ang panganib ng impeksyon.
At huli, pumili ng naaangkop na mga produkto batay sa uri ng iyong balat. Halimbawa, kung mayroon kang madulas na balat, maaaring pinakamainam na piliin ay ang mga produktong batay gawa sa gel; Para sa dry skin, ang mga cream ay maaaring maging mas mahusay.
Makipag-usap sa isang dermatologist
Kung ikaw at ang iyong anak ay sinubukan na ang mga tips sa itaas upang pangalagaan ang teenage acne at hindi makakakita ng anomang pag-unlad o pagbabago makalipas ang 6 hanggang 8 linggo, makipag-usap na sa isang dermatologist. Maaari nilang masuri ang iyong kalagayan at makapagbigay ng naaangkop na lunas.
Halimbawa, ang ilang mga breakouts ay hindi kadalasang tumutugon sa gamutan dahil ito ay naimpeksyon, at ang iyong anak ay maaaring mangailangan ng oral o topical antibiotics. Gayundin, ang ilang mga pamamaraan upang magamot ang acne breakouts ay isinasagawa sa klinika. Ang isang halimbawa ng pamamaraan ay whitehead o blackhead extraction.
Mga pamamaraan sa bahay upang malunasan at mapigilan ang teenage acne
Mas mahusay na lunas sa mga tigyawat kung kung susundin mo ang mga tips sa pangangalaga sa balat. Tandaan ang mga tips na ito ay mahalaga kung mayroon kang mga breakouts, ngunit maaari din nilang maiwasan ang pagkakaroon ng tigyawat.
- Hilamusan ang iyong mukha sa gamit ang isang gentle cleanser. Iwasan ang mga produkto na may alkohol, tulad ng mga astringent. Tandaan na huwag kuskusin ang balat.
- Maligo pagkatapos ng mga gawaing ginagawa na nagiging sanhi ng sobrang pagpapawis at produksyon ng sebum.
- Iwasan ang labis na paggamit ng mga pampaganda.
- Protektahan ang balat mula sa araw. Paalalahanan sila na gumamit ng sunscreen na hindi magbabara sa kanilang pores.
- Tulungan ang iyong teenager na stress na maaaring maranasan dahil nagiging sanhi ito ng pagsiklab ng breakouts.
Key Takeaways
Habang ginagawa ang mga mungkahing ito kung paano gamutin ang tigyawat, huwag kalimutang alagaan ang mental health ng iyong anak. Tandaan na ang mga acne breakouts ay maaaring makaapekto sa kanilang pagpapahalaga sa sarili (self-esteem), kaya ang pagsasabi ng mga bagay gaya ng “Huwag kang mag-alala, ang iyong mga tigyawat ay mawawala rin,” o “normal lang, huwag mong intindihin,” ay maaaring hindi magandang ideya. Sa halip, tiyakin na matutulungan mo silang magamot ang kanilang kalagayan. At huli, isang pag-aaral ang nagmungkahi na hindi magandang ideya ang madalas na pagpapaalala sa iyong mga anak na mag-apply ng gamot sa acne dahil maaari nilang ituring ito bilang “pagpupumilit o pangungulit.” Sa halip, ipaalala lamang sa kanila paminsan-minsan. Matuto nang higit pa tungkol sa kalusugan ng pagdadalaga at pagbibinata dito.