Maaari rin naman kaya nila ginagawa ito dahil nagiging masaya sila, o nagbibigay ito ng sense ng pagiging “powerful” or makakuha sila ng reaksyon sa kanilang magulang. May ibang bata na may mas mataas na sense of humor kaysa sa sense na may consequence ang mga ginagawa nila.
Sa ilang sitwasyon naman maaaring natutuwa lamang talaga sila dahil form ng bonding o paraan nila ito ng paglalambing o pagiging close sa magulang.
May pagkakataon naman na maaaring nakuha sa magulang o nagaya ang magulang. Malaki ang impact ng pagpapalaki ng magulang sa anak at sa kung ano ang nakikita ng anak sa kanilang magulang, dahil nagiging batayan o example ng mga bata ang kanilang mga magulang habang sila ay lumalaki. Sa panahong ang bata ay isang taon hanggang isang taon at kalahating taong gulang, ang mga bata ay nagsisimula gayahin ang jokes ng kanilang magulang, kung kaya’t nagiging foundation ng sarili nilang jokes ang nakokopya nila sa magulang nila. At gumagawa rin ng mga jokes ang mga bata base sa kung ano ang natutunan nila sa punto ng buhay nila na yun.
Hello Doctor: Anu-ano ang mga epekto sa relasyon ng mga prank na ginagawa ng anak sa kanilang magulang?

Dr. Jaeim Maranan: Maaari itong magdulot ng “parenting stress.” Ang parenting stress ay related sa mababang emotional na well-being ng mga magulang. Sunod pa dito na may mga ebidensya na ang mga stress galing sa araw-araw na problema ay mas may impact kaysa sa mga major life events, at nabibilang sa araw-araw na problema ang pranks ng anak. Ngayon, kung hindi maganda ang mental health ng isang magulang, makakaapekto rin ito sa bata, lalo pa at nagiging malinaw na ang pinanggagalingan ng mga mental health problems ay kung ano ang naramdaman ng bata nung sila ay bata pa.
Bukod dito, nagko-contribute rin ito sa pakiramdam ng magulang na baka hindi maayos ang pagpapalaki niya sa anak, kung kaya’t nagkakaroon na feeling ang magulang na less competent siya at nababawasan rin ang confidence bilang isang mabuting magulang sa anak.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap