backup og meta

Mahilig Ba Sa Prank Ang Anak Mo? Ano Ang Dapat Gawin Kapag Sobra Na?

Mahilig Ba Sa Prank Ang Anak Mo? Ano Ang Dapat Gawin Kapag Sobra Na?

Ang pagbibiro ay likas na mga sa Pilipino at isa ito sa mga paraan na ginagamit ng tao para makapagpasaya ng kapwa. Gayunpaman, may mga pagkakataon na ang pagbibiro nang sobra ng isang indibidwal ay nakaka-offend na para sa iba, at nauuwi ang biruan sa pag-aaway. Kaya naman isang malaking pagsubok sa mga magulang ay kung paano tuturuan ang anak na hindi maging sobra ang pagbibiro nito sa ibang tao upang hindi makasakit.

Sa ating modern era ngayon, ang pagbibiro ng isang tao ay maaaring makita sa tinatawag na “prank.” Ito ang klase ng pagbibiro na ilalagay ka ng isang indibidwal sa maling pag-aakala sa isang sitwasyon na may iba’t ibang layunin depende sa kung ano ang nais nitong makuha sa’yo o maramdaman mo. 

Halimbawa, nilagyan ng bato ng iyong kaibigan ang bag na ginagamit mo sa paaralan. Pagkatapos ay nagsisigaw ang iyong kaibigan at sinabing may nakita siyang daga sa loob ng bag na gamit mo. Madali kang naniwala sa kanya dahil may pagbabago sa bigat ng iyong bag na naging sanhi ng iyong takot at panic attack. Noong nakita ng iyong kaibigan ang resulta ng kanyang prank ay agad niyang sinabi na bato lang ang nasa loob ng iyong bag na gamit.

Mahilig Ba Sa Prank Ang Anak Mo?

Bukod sa halimbawa ng prank na nabanggit, hindi makakaila na napakarami video ng prank ang makikita sa social media, at isa sa mga uri ng prank videos na kumakalat sa iba’t ibang social media platform ay ang prank na ginagawa ng anak sa kanilang magulang. Kaya naman ang karaniwang tanong ngayon ay “Mahilig ba sa prank ang anak mo?” at kung “oo” ang sagot, ano ang dapat gawin kapag sumosobra na ang paraan ng pagbibiro ng anak?

Para mabigyan kayo nang wastong kasagutan, nagsagawa ang Hello Doctor ng interbyu kay Dr. Jaeim Maranan upang malaman ninyo ang mga dapat gawin sa sobrang pagbibiro ng anak, dahilan sa likod ng paggawa ng prank, mga epekto nito, at kung mahilig ba sa prank ang anak mo?

Hello Doctor: Bakit nagagawa ng anak na i-prank ang kanilang mga magulang?

Dr. Jaiem Maranan: Pwede kasing ginagawa ito ng mga bata para sa online content, dahil patok ito sa panahon natin ngayon na maaaring maging bagong content na kukuha ng atensyon ng tao dahilan para mag-viral ito. 

Maaari rin naman kaya nila ginagawa ito dahil nagiging masaya sila, o nagbibigay ito ng sense ng pagiging “powerful” or makakuha sila ng reaksyon sa kanilang magulang. May ibang bata na may mas mataas na sense of humor kaysa sa sense na may consequence ang mga ginagawa nila. 

Sa ilang sitwasyon naman maaaring natutuwa lamang talaga sila dahil form ng bonding o paraan nila ito ng paglalambing o pagiging close sa magulang.

May pagkakataon naman na maaaring nakuha sa magulang o nagaya ang magulang. Malaki ang impact ng pagpapalaki ng magulang sa anak at sa kung ano ang nakikita ng anak sa kanilang magulang, dahil  nagiging batayan o example ng mga bata ang kanilang mga magulang habang sila ay lumalaki. Sa panahong ang bata ay isang taon hanggang isang taon at kalahating taong gulang, ang mga bata ay nagsisimula gayahin ang jokes ng kanilang magulang, kung kaya’t nagiging foundation ng sarili nilang jokes ang nakokopya nila sa magulang nila. At gumagawa rin ng mga jokes ang mga bata base sa kung ano ang natutunan nila sa punto ng buhay nila na yun.

Hello Doctor: Anu-ano ang mga epekto sa relasyon ng mga prank na ginagawa ng anak sa kanilang magulang?

stress and diabetes

Dr. Jaeim Maranan: Maaari itong magdulot ng “parenting stress.” Ang parenting stress ay related sa mababang emotional na well-being ng mga magulang. Sunod pa dito na may mga ebidensya na ang mga stress galing sa araw-araw na problema ay mas may impact kaysa sa mga major life events, at nabibilang sa araw-araw na problema ang pranks ng anak. Ngayon, kung hindi maganda ang mental health ng isang magulang, makakaapekto rin ito sa bata, lalo pa at nagiging malinaw na ang pinanggagalingan ng mga mental health problems ay kung ano ang naramdaman ng bata nung sila ay bata pa. 

Bukod dito, nagko-contribute rin ito sa pakiramdam ng magulang na baka hindi maayos ang pagpapalaki niya sa anak, kung kaya’t nagkakaroon na feeling ang magulang na less competent siya at nababawasan rin ang confidence bilang isang mabuting magulang sa anak. 

Hello Doctor: Ano ang mga dapat gawin ng mga magulang kapag nakita na nila na sumosobra na ang ginagawang prank ng kanilang mga anak?

Dr. Maranan: Mag-set ng rules. Siguraduhin na ito ay hindi sobrang strikto at fair pa rin para sa anak. Ito ay makakatulong sa anak niyo na makapag-build ng trust na magiging consistent kayo sa pagtrato sa kanila. 

Ipakita o iparamdam sa anak na hindi maganda ang kanilang ginawa. Ipakita ito sa pamamagitan ng pagsabi sa kanila sa maayos na pamamaraan. Siguraduhin rin na kahit na kahit na hindi ka natutuwa sa ginawa niya ay naniniwala ka pa rin na siya ay nararapat mapagkatiwalaan.

Maging mabuting example. Kapag ikaw ay nagkamali, maganda na ituro sa bata kung ano ang mga mali o joke na maaaring makasira ng trust o makasakit ng ibang tao. Bukod pa dito ay ipakita kung paano i-handle ang mga ganung sitwasyon at papaano magbabago. 

Sabihin na normal lang magkamali at ito ay importante para sa growth at sa mga learnings. Maaaring tanungin ang bata kung ano ang natutunan matapos gawin ang kasalanan, dahil ito ay makakatulong para maintindihan niya ang kanyang sariling aksyon at makakuha ng learnings. 

Kailangan rin maging mapag-unawa na ang bata ay lumalaki pa at marami pang matututunan. Ang kanilang identity ay nasa proseso palang ng pagbubuo. 

Dapat ay may magandang komunikasyon sa pagitan mo at ng iyong anak. Maganda na maramdaman ng anak na kahit anong oras ay pwede kang kausapin, mapa-sila ay may nagawang kasalanan o wala. 

Hello Doctor: Masasabi mo ba na nagiging bahagi na ng kultura ng mga bata ang paggawa ng prank sa magulang?

Dr. Maranan: Sa tingin ko ay hindi naman siya masasabing parte ng kultura at nakadepende sa kung paano napalaki ng magulang at kung papaano ang relasyon ng magulang at ng anak. Maaari ring dahil sa advent ng social media kaya ito ay lumalaganap. 

Key Takeaways

Mahilig ba sa prank ang anak mo? Kung “oo” marahil ay bunga ito ng makabagong panahon, karanasan, social media, impluwensya ng mga taong nakapaligid sa kanya, at paraan ng iyong pagpapalaki. Kaya naman bilang magulang responsibilidad natin na gabayan sila sa tamang landas. Sikapin natin na maging mabuting halimbawa tayo sa kanila upang maiwasan nila ang mga birong hindi na maganda at nakakasakit ng kapwa.

Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Infant clowns: The interpersonal creation of humour in infancy, https://www.cairn.info/revue-enfance-2001-3-page-247.htm, Accessed September 19, 2022

Early humour production, https://bpspsychub.onlinelibrary.wiley.com/doi/abs/10.1111/j.2044-835X.2011.02075.x, Accessed September 19, 2022

Mental health of children and parents  — a strong connection, https://www.cdc.gov/childrensmentalhealth/features/mental-health-children-and-parents.html, Accessed September 19, 2022

Parental Stress, https://www.sciencedirect.com/topics/medicine-and-dentistry/parental-stress, Accessed September 19, 2022

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5694794/, Accessed September 19, 2022

Positive relationships for parents and children: How to build them, https://raisingchildren.net.au/newborns/connecting-communicating/bonding/parent-child-relationships, Accessed September 19, 2022

Rebuilding Trust: How To Handle Your Child’s Worst Mistakes, https://www.psy-ed.com/wpblog/how-to-handle-childs-mistakes/, Accessed September 19, 2022

Kasalukuyang Version

09/30/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Tinatawag na Holistic Development, at Paano ito Magagawa ng mga Magulang?

Papel ng Pamilya sa Pagpapalaki ng Bata, Ano nga ba?


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement