Normal para sa’yo bilang magulang na gustuhin na maging “brainy” ang iyong anak, kaya patuloy ka sa paghahanap ng vitamins na pampatalino na pwedeng ibigay sa kanila. Ngunit sa dami ng mga gamot at vitamins sa botika at merkado marahil ay nalilito ka kung anong bitamina ang pwedeng inumin ng iyong anak. Kung minsan hindi mo maiwasan na magdalawang isip sa pagbili ng vitamins dahil sa pagtatanong sa sarili kung mahusay bang eepekto ito sa kanila.
Sa panahon natin ngayon, marami pa rin sa’tin ang hindi updated at informed tungkol sa mga pagkain na pwedeng pagmulan ng bitamina na makakatulong para tumalino ang anak. Kaya naman gumawa kami ng listahan upang maging gabay mo sa pagpili ng vitamins na pampatalino na pwedeng magamit sa’yong anak.
Basahin at alamin sa artikulong ito.
Ano Ang Vitamins?
Kinakailangan ng katawan ng ating mga anak ang vitamins para gumana at mag-functions sila nang maayos para sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Kung sakaling kukulangin ang iyong anak ng bitamina maaari silang magkaroon ng iba’t ibang problemang pangkalusugan.
Bukod pa rito, dapat mong tandaan na ang vitamins ay organic substances na pwede mong makuha sa halaman at mga hayop.
Narito rin ang 2 kategorya ng vitamins na dapat mong malaman:
- Fat-soluble vitamins. Ang bitamina A, D, E, at K ay madaling naaabsorb ng ating katawan at naiimbak o stored ito sa atay, fatty tissue at kalamnan.
- Water-soluble vitamins. Ito ang mga bitamina na hindi naiimbak o stored sa katawan natin kung saan iniaalis ng katawan ang sobrang vitamins sa pamamagitan ng ihi. Ilan sa mga halimbawa ng bitamina na ito ang vitamin C at B.
Maaaring mapalakas ng vitamins ang immune system ng ating mga anak at makatulong sa development nila at pag-unlad ng kanilang pag-iisip.
Narito ang mga vitamins na pampatalino na pwedeng subukan para sa’yong mga anak na makikita sa anyo ng pagkain o gamot:
Vitamin B-1 (Thiamin)
Ang bitamina na ito ay nakakatulong sa nerves ng mga bata at sa kakayahan ng pakikipagkomunikasyon gamit ang utak. Pwede mong matagpuan ang bitamina na ito sa sunflower seeds, baboy, beans at whole grains.
Vitamin B-2 (Riboflavin)
Nakakatulong ang vitamins na ito sa pag-iwas sa pag-build-up ng plaque sa puso at pagpapaginhawa sa ilang partikular na sakit ng ulo. Madalas ang bitamina na ito ay makikita sa lean meat, itlog, almonds at madadahong gulay, kung saan tumutulong ito sa energy production ng tao at mas magkaroon ng lakas upang makapag-isip.
Vitamin B-9 (Folic Acid)
Kapag mas klarong nakakapag-isip ang bata mas madali niyang matutunan ang mga bagay sa kanyang paligid. Ito ang dahilan kung bakit maganda para sa kanila ang vitamin B-9 dahil pinapalakas nito ang mood sanhi para mas makapag-isip nang maayos ang ating mga anak. Pwedeng matagpuan ang mga bitamina na ito sa karne, isda at dairy kung saan tumutulong din ito sa pagbawas ng panganib sa heart disease.
Omega-3 Fatty Acids
Nagpropromote ang Omega-3 ng pagpapaunlad sa brain health ng isang tao kung saan tumutulong ito sa paglaban sa pamamaga at pagpapabuti ng blood pressure at cholesterol. Kung maghahanap ka ng omega-3 fatty acids para sa’yong anak makikita ito sa isda at flaxseed.
Iba Pang Vitamins Na Pampatalino
Ang vitamins A, C, at D ay mahalaga para sa kabuuang pangkalusugan ng sarili mong anak. Napatunayan ng mga pag-aaral na nakakatulong ito para mapalakas ang memorya, cognition at brain health ng mga tao.
Dapat Ba Akong Magpakonsulta Sa Doktor Para Sa Vitamins Na Pampatalino Ng Aking Anak?
Maganda kung magpapakonsukta ka sa doktor para sa mga vitamins na babagay sa pangangailangan ng iyong anak. Makakatulong din ito para matukoy mo ang mga gamot at pagkain na pwedeng pagmulan ng mga sustansya at bitamina na kinakailangan ng iyong anak para maging aktibo ang kanyang pag-iisip.
Key Takeaways
Ang pagbibigay mo ng wastong vitamins para sa iyong anak ay makakatulong para sa kanyang brain development at paglaki. Maaari mong matagpuan ang mga bitamina na ito sa mga hayop at halaman. Kinakailangan mo lang na magkaroon ng proper guidance sa pagpili ng mga ito kaya ipinapayo na magpakonsulta sa isang doktor o espesyalista para sa medikal na payo at diagnosis.
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Bata dito.
[embed-health-tool-vaccination-tool]