Mahalaga para sa mga magulang na malaman ang normal na vital signs ng bata upang malaman ang kondisyong pangkalusugan ng kanilang anak. Kung hindi normal ang vital signs, ito ay maaaring senyales ng sakit o problema sa pagdebelop. Maraming malaking pagkakaiba ang vital signs ng mga sanggol, mga batang wala pang 5 taong gulang, at mga nagdadalaga o nagbibinata. Ano ang normal na vital signs ng bata mula sa mga sanggol hanggang sa mga batang nag-aaral na? Paano ito malalaman? Alamin sa artikulong ito.
Ano Ang Vital Signs?
Ayon sa John Hopkins Medicine, ang vital signs ay ang mga sukat kung paano gumagana ang mahahalagang organs ng katawan.
May apat na senyales na laging binabantayan ng healthcare professionals:
- Temperatura ng katawan
- Presyon ng dugo
- Tibok ng puso
- Respiratory rate
Ang presyon ng dugo ay hindi kadalasang itinuturing ng medics bilang mahalagang senyales, subalit minsan inaalam ito kasabay ng iba pang mga mahahalagang senyales.
Mahalaga ang pag-alam at pagbabantay sa normal na vital signs upang matukoy ang problema sa kalusugan. Upang malaman ang normal na vital signs ng bata, maaaring gumamit ang mga magulang ng simpleng medical tools, tulad ng thermometer.
Normal Na Vital Signs Ng Bata
May mga pagkakaiba sa vital signs ang mga sanggol, toddlers, at mga bata dahil ang organs ng katawan ay may iba’t ibang paraan ng paggana sa bawat edad.
Ang mga sumusunod ay ang normal na vital signs ng bata na kinakailangang malaman ng mga magulang.
Normal Na Vital Signs Ng Mga Sanggol (0-12 Buwan)
Ang mga sumusunod ay ang normal na vital signs ng mga sanggol na edad 0-12 buwan.
Tibok Ng Puso
- Mga sanggol na wala pang 28 araw: 100-205 na tibok kada minuto kung gising, 90-160 na tibok habang natutulog
- Mga sanggol na edad 1-12 buwan: 100-190 na tibok kada minuto kung gising, 90-160 na tibok habang natutulog
Presyon Ng Dugo
- Mga sanggol na may timbang na mas mababa sa 1000 grams: systolic pressure na 39-59, diastolic pressure na 16-36
- Mga sanggol na may timbang na mas mataas sa 1000 grams: systolic pressure na 60-76, diastolic pressure na 31-45
- Edad 0-1 buwan: systolic pressure na 67-84, diastolic pressure na 35-53
- Edad 1-12 buwan: systolic pressure na 72-104, diastolic pressure na 37-56
Respiratory Rate
- Mga sanggol na edad 1-12 buwan: 30-60 na paghinga kada minuto
Temperatura Ng Katawan
Ang mga bagong silang na sanggol ay may mas mataas na tibok na puso at respiratory rate kaysa sa mga nakatatanda. Ito ay dahil ang puso ng sanggol ay hindi pa ganap na debelop. Habang tumatanda ang sanggol, mas nababanat o mas lumalaki ang muscle ng puso upang ang hindi tumaas ang tibok ng puso.
Normal Na Vital Signs Ng Toddlers (1-2 Taon)
Kapag naging toddlers na ang mga bata, malaki ang naging pag-unlad ng kanilang pisikal na pagdebelop. Ang kanilang tibok ng puso ay hindi na kasingbilis noong sila ay sanggol pa lamang, at ang kanilang presyon ng dugo ay mas mataas.
Ang mga sumusunod ay ang normal na vital signs ng mga sanggol na edad 1-2 taon.
Tibok Ng Puso
- Mga batang edad 1-2 taon: 98-140 na tibok kada minuto kung gising, 80-120 tibok habang natutulog
Presyon Ng Dugo
- Mga batang edad 1-2 taon: systolic pressure na 86-106, diastolic pressure na 42-63
Respiratory Rate
- Mga batang edad 1-2 taon: 24-50 na paghinga kada minuto
Temperatura Ng Katawan
Normal Na Vital Signs Ng Mga Batang Preschool (3-5 Taon)
Habang tumatanda, nagkakaroon ng pagbabago sa vital signs ng mga bata. Ang mga sumusunod ay ang normal na vital signs ng mga batang edad 3-5 taon.
Tibok Ng Puso
- Mga batang edad 3-5 taon: 80-120 na tibok kada minuto kung gising, 65-100 na tibok habang natutulog
Presyon Ng Dugo
- Mga batang edad 3-5 taon: systolic pressure na 89-112, diastolic pressure na 46-72
Respiratory Rate
- Mga batang edad 3-5 taon: 22-40 na paghinga kada minuto
Temperatura Ng Katawan
Ang mga bata ay may lagnat kung ang temperatura ng kanilang katawan ay mahigit sa 37.5°C. Kung may lagnat ang iyong anak, patuloy na subaybayan ang kanyang vital signs upang malaman kung bumubuti o lumulubha ang kanyang kondisyon.
Normal Na Vital Signs Ng Mga Bata (6-9 Taon)
Mahalaga pa ring batayan ng mga magulang ang vital signs ng kanilang mga anak kapag ang mga ito ay nag-aaral na. Ito ay dahil ang mga bata ay patuloy na lumalaki at nadedebelop.
Ang mga sumusunod ay ang normal na vital signs ng mga batang edad 6-9 taon.
Tibok Ng Puso
- Mga batang edad 6-11 taon: 75-118 na tibok kada minuto kung gising, 58-90 na tibok habang natutulog
Presyon Ng Dugo
- Mga batang edad 6-9 taon: systolic pressure na 97-115, diastolic pressure na 57-76
Respiratory Rate
- Mga batang edad 6-12 taon: 18-30 na paghinga kada minuto
Temperatura Ng Katawan
Paano Alamin Ang Vital Signs Ng Bata?
Ang mga doktor ay may maraming mga kagamitan upang malaman ang vital signs. Halimbawa, ang stethoscope ay nakatutulong sa kanila na malaman ang tibok ng puso. Habang ang sphygmomanometer ay ginagamit naman upang malaman ang presyon ng dugo.
Narito ang ilan sa mga simpleng paraan na maaaring gawin sa bahay ng mga magulang upang malaman kung ang kanilang anak ay may normal na vital signs.
Pulso/Tibok Ng Puso
Maaaring mahanap ang puso sa gilid na bahagi ng leeg, sa loob ng siko, o sa may pulsuhan. Pinakamadaling mahanap ang pulso sa may pulsuhan.
Narito ang mga paraan kung paano alamin nang tama ang pulso sa may pulsuhan:
- Gamitin ang dulong bahagi ng gitnang daliri at hintuturo.
- Diinan ang artery sa may pulsuhan ng bata hanggang sa maramdaman ang pulso.
- Simulang bilangin ang pulso kung ang kamay ng orasan para sa segundo ay nakatapat sa 12.
- Bilangin ang pulso sa loob ng 60 segundo.
- Magtuon sa pulso at iwasan ang tuloy-tuloy na pagtingin sa orasan.
Respiratory Rate
Maaaring malaman ng mga magulang ang respiratory rate ng kanilang anak sa pamamagitan ng pagbilang sa paghinga sa loob ng bawat minuto.
Isinasagawa ang pagbibilang nito habang nagpapahinga ang bata. Ang bawat bilang ay ang bilang ng pagtaas ng dibdib ng bata habang humihinga.
Ang mataas na respiratory rate ay maaaring senyales ng problema sa kalusugan, tulad ng lagnat.
Presyon Ng Dugo
Hindi tulad ng pulso at paghinga, na maaaring malaman nang walang instrumento, ang pag-alam sa presyon ng dugo ay nangangailangan ng sphygmomanometer. Maaaring mabili ang tool na ito sa pharmacies o tindahan ng medical supplies.
Tandaan: May iba’t ibang laki ang BP cuffs sa bawat grupo ng edad. Kung mali ang magagamit na laki ng BP cuffs, maaaring hindi wasto ang lumabas na presyon ng dugo.
Temperatura Ng Katawan
Ang thermometer ay isang napakahalagang kagamitang dapat mayroon ang mga magulang. Ito ay dahil ang mga bata ay madalas magkaroon ng lagnat. Halimbawa ay matapos magpabakuna ng bata.
May iba’t ibang uri ng thermometers na may iba’t ibang measurement locations. Depende sa uri ng thermometer, maaaring malaman ang temperatura ng katawan ng iyong anak sa pamamagitan ng noo, kilikili, bibig, o puwitan.
Kailan Kinakailangang Kumonsulta Sa Doktor?
Normal lamang ang pagbabago sa vital signs ng bata. Ang kanilang presyon ng dugo, respiratory rate, at temperatura ng katawan ay maaaring minsan ay tumaas kung sila ay aktibo o nababahala. Kadalasang bumabalik sa normal ang vital signs kung ang bata ay relaks o matutulog na.
May maraming mga senyales na kinakailangang bantayan ng mga magulang:
- Lagnat na may temperatura ng katawan na mahigit sa 38°C
- Ang rate at dalas ng paghinga ay mahina at hindi regular (tulad ng paghingal habang tumatakbo)
- Pagtaas ng tibok ng puso kasabay ng mababang presyon ng dugo na tumigil sa loob ng mahigit 20 segundo
- Maputlang balat o mala-asul na kulay ng labi
Kinakailangang tumawag agad ng doktor ang mga magulang kung ang kanilang anak ay nagtataglay ng alinman sa mga senyales na ito.
Matuto pa tungkol sa Kalusugan Ng Bata dito.
[embed-health-tool-vaccination-tool]