backup og meta

Sintomas Ng Hand, Foot, And Mouth Disease: Ito Ang Dapat Malaman Ng Mga Magulang

Sintomas Ng Hand, Foot, And Mouth Disease: Ito Ang Dapat Malaman Ng Mga Magulang

Ang hand, foot and mouth disease (HFMD) ay isang karaniwang impeksyon sa mga sanggol at batang wala pang 5 taong gulang. Sanhi ito ng grupo ng mga virus na tinatawag na non-polio enteroviruses. Kadalasan itong nagsisimula sa lagnat at hindi magandang pakiramdam (malaise). Ano ang sintomas ng hand, foot and mouth disease? At ano ang dapat malaman ng mga magulang tungkol dito?

Madalas na naipagkakamali ang HFMD sa Foot and Mouth Disease na nakaaapekto sa mga hayop gaya ng baka, tupa, at baboy, ngunit hindi sa mga tao.

Susundan na ito ng paglitaw ng flat at mapupulang spots paglipas ng isa o dalawang araw. Maaaring kabilang din sa mga senyales at sintomas ng hand, foot and mouth disease ang flat na mga sugat, o maculopapular (flat at nakaumbok na sugat) o paltos.

Karamihan sa mga batang nahawahan ay may mild symptoms na tumatagal nang 7 hanggang 10 araw.

Mga Senyales At Sintomas Ng Hand, Foot And Mouth Disease

Ang klinikal na sakit na may HFMD ay kadalasang tumatagal nang isang linggo. Maikli ang incubation period na tumatagal ng 1 hanggang 3 araw.

Kadalasang nasa 3 hanggang 5 araw ang incubation period para sa HFMD. Gayunpaman, May ilang mga taong nag-uulat ng mga sintomas nang maaga ng dalawang araw o may nagsasabi namang isang linggo. Ang mga palatandaan at sintomas ng hand, foot and mouth disease ay hindi specific. Kabilang dito ang:

Matapos ang isa o dalawang araw, ang masasakit na sugat na katangian ng sakit na ito ay lumilitaw na sa bibig. Ang huling yugto ng sakit na ito ay paglabas ng mga spot at paltos sa bibig, palad, at talampakan.

Madalang na lumitaw ang mga sugat na ito sa puwet at ari, gayundin sa mga braso at binti.

May mga dagdag na palatandaan ng masakit na paglunok gaya ng hindi normal na paglalaway at pagpili lamang ng malalamig na inumin.

Maaaring maging paltos ang mga pantal. Kapag gumaling na ang mga paltos, ang mga organismong sanhi nito ay maaaring magpatuloy sa mga susunod na scabs. Iwasang mahawakan ang scabs at panatilihin itong malinis.

HFMD Statistics

Sa mga temperate na bansa, karaniwang naiuugnay ang HFMD sa maiinit na buwan. Gayunpaman, sa tropikal na mga bansa gaya ng Pilipinas, ang mga impeksyon ay pwedeng mangyari sa buong taon.

Karamihan sa mga kaso ng HFMD ay nangyayari sa mga sanggol at batang wala pang 5 taong gulang. Sa unang bahagi ng 2018 surveillance report, natuklasan ng DOH na sa 156 na naitalang kaso, 70% ay nasa grupong ito. Ang grupong kasunod sa may pinakamataas na pagkalat ay sa mga batang nasa pagitan ng edad 5 at 9. Nasa ikatlong pinakamalaking populasyon naman ang mga nasa edad 20 pataas ngunit kaunti pa rin ito.

Madalas itong mangyari bilang maliit na outbreak sa mga daycare at nursery schools. Simula pa noong 1997, ang malalaking outbreak ay nangyayari sa Asya. Naiulat din ang outbreaks nito sa Japan, China, Malaysia, Vietnam, at iba pa.

Paano Kumakalat Ang HFMD?

May ilang mga paraan kung paano kumakalat ang HFMD, kabilang dito ang:

  • Contact sa body fluid ng nahawahan. Pinakamadalas itong mangyari kapag bumahing o umubo ang isang tao.
  • Sa pamamagitan ng likidong nasa loob ng mga paltos, na isa sa mga palatandaan at sintomas ng hand, foot and mouth disease.
  • Pwedeng makuha mula sa contact sa dumi ng taong may sakit nito.
  • Pwedeng mabuhay ang virus sa mga gamit gaya ng gripo, at cellphone. Nangyayari ang transmission kapag nagkaroon ang mga ito ng contact sa iyong ilong, mga mata at bibig.
  • Pwedeng maikalat ang kondisyong ito sa pamamagitan ng kontaminadong mga kamay.
  • Pwede ring kumalat ang HFMD sa kontaminadong tubig.
  • Pwede ring mahawahan ng nanay ang sanggol pagkapanganak kung nakakuha ang nanay ng sakit sa panahong ito.

Sa ganitong mga sitwasyon, kadalasang may mild na mga senyales at sintomas ng hand, foot and mouth disease ang mga bagong silang na sanggol, ngunit kailangan itong mabantayan nang mabuti. Mataas ang panganib sa mga bagong silang na sanggol ang pagkakaroon ng mga seryosong komplikasyon dulot ng sakit na ito.

Mas nakahahawa ang mga taong may HFMD sa unang linggong nagkaroon sila ng sakit. Ang causative viruses ay nagagawang magpatuloy sa bituka o respiratory tract ng tao sa loob ng ilang buwan matapos ng sakit. Ang nahawahang tao ay pwedeng maging asymptomatic ngunit maaari pa ring makapanghawa ang mga batang mabilis kapitan ng sakit.

Paano Ginagamot Ang HFMD?

Kadalasang mild lang ang mga senyales at sintomas ng hand, foot and mouth disease at pwedeng magpagaling sa bahay kahit walang gamutan. Gaya ng karamihan sa viral illnesses, kusang nawawala ang sakit na ito. Sa ngayon, wala pang tiyak na gamot para dito at ang pinagtutuonan ng pansin ay ang pagtugon sa mga senyales at sintomas ng HFMD. Dahil masakit ang sugat, pwedeng gumamit ng analgesics. Ang impeksyon sa mas matatandang grupo ay pwedeng tumagal nang higit isang linggo. Pwede ring matugunan ang lagnat gamit ang maligamgam na sponge baths at mga gamot na nabibili nang walang reseta gaya ng paracetamol.

May ilang mga taong nagkakaroon ng mga komplikasyon at nangangailangang dalhin sa ospital. Mahalaga ang sapat na pag-inom ng fluid upang maiwasan ang hydration.

Sa kasalukuyan, sumasailalim pa sa pag-aaral ang mga antiviral agents upang ipanggamot sa sakit na ito. At sa ngayon, maganda ang nagiging resulta ng pag-aaral.

Mga Komplikasyon

Bihira ito, ngunit kung mangyari man, kailangan ang agarang medikal na atensyon.

Ang Enterovirus 71 ay nagdudulot ng mas malalang neurologic o cardiac complications, gaya ng myocarditis (pamamaga ng muscle sa puso)

Isa naman sa pinakakaraniwang mga komplikasyon ang viral meningitis na dulot ng pamamaga ng tissue na bumabalot sa utak.

Mailalarawan ang viral meningitis sa:

  • Lagnat
  • Sakit ng ulo
  • Neck stiffness
  • Photophobia o sensitivity sa liwanag

Kasama sa mas malalang komplikasyon ang encephalitis kung saan ang tissue ng utak ay namamaga o flaccid paralysis.

Sa pagitan ng 4-8 linggo matapos ng impeksyon mula sa mga sakit, may mga naging ulat ng pagkawala ng kuko sa paa o daliri. Hindi pa rin malinaw kung bakit ito nangyayari ngunit hindi naman ito malala at pansamantala lang naman ang pagkawala ng kuko.

Pag-Iwas

Kabilang sa mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na ito ang:

  • Pag-iwas sa direktang contact sa mga taong nakikitaan ng mga palatandaan at sintomas ng HFMD
  • Paglilinis ng mga gamit o bagay na ginamit ng taong may HFMD
  • Kalinisan ng katawan
  • Ang eksklusibong pagpapasuso ng ina sa sanggol sa loob ng 6 na buwan ay nakitang nakababawas sa kalubhaan ng mga kaso.
  • Ang EV71 vaccine ay available na sa China noon pang 2015 ngunit wala pa rin nito hanggang ngayon sa Pilipinas.

Key Takeaways

Isang karaniwang sakit sa Pilipinas ang HFMD at nakahahawa sa maraming bata na wala pang 5 taong gulang. Hindi naman matindi ang mga senyales at sintomas ng HFMD at kadalasang hindi nangangailangan ng medikal na tulong.
Bihira lang itong magkaroon ng mga komplikasyong nangangailangang dalhin sa ospital. Sa ngayon, walang espesipikong gamot para sa sakit na ito ngunit ang symptomatic treatment ay kadalasang sapat na. Gaya ng karamihan sa mga kumakalat na sakit, kusang nawawala ang HFMD.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Bata dito.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Philippines Reports Increase of Hand, Foot, and Mouth Disease, http://outbreaknewstoday.com/philippines-reports-increase-of-hand-foot-and-mouth-disease-46892/, Accessed March 8, 2020

Enterovirus 71 infection and vaccines, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5292356/, Accessed March 8, 2020

Protective effect of exclusive breastfeeding against hand, foot and mouth disease, https://www.researchgate.net/publication/269189314_Protective_effect_of_exclusive_breastfeeding_against_hand_foot_and_mouth_disease, Accessed March 8, 2020

Clinical and epidemiological characteristics of adult hand, foot, and mouth disease in northern Zhejiang, China, May 2008 – November 2013, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4026826/, Accessed March 8, 2020

Onychomadesis Following Hand-foot-and-mouth Disease, https://www.mdedge.com/clinicianreviews/article/108681/hair-nails/onychomadesis-following-hand-foot-and-mouth-disease, Accessed March 8, 2020

Pourianfar HR, Grollo L (February 2014). “Development of antiviral agents toward enterovirus 71 infection”. J Microbiol Immunol 2018 HFMD Surveillance Report MW1-5.pdf – DoH

 

Kasalukuyang Version

08/03/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Impeksyon Sa Balat: Protektahan Ang Sarili Laban Sa Virus, Bacteria At Fungi

Sakit Ng Ulo Ng Bata, Ano Ba Ang Maaaring Dahilan?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement