backup og meta

Sanhi Ng Autism, Ano Nga Ba? Alamin Dito Ang Kasagutan

Sanhi Ng Autism, Ano Nga Ba? Alamin Dito Ang Kasagutan

Mahalaga para sa magulang na malaman ang sanhi ng autism. Dahil isa ito sa mabuting hakbang para mapangalagaan ang anak. Kilala ang autism bilang Autism Spectrum Disorder (ASD). Tumutukoy ito sa isang malawak na grupo ng disorders na nauukol sa developmental disabilities. Taglay ng autism ang lahat ng hamon sa social skills, paulit-ulit na pag-uugali, pagsasalita, at komunikasyong di-berbal.

Sa loob ng maraming taon, ginalugad ng mga researcher at eksperto ang mga posibleng sanhi ng autism.

Basahin ang artikulong ito at matuto pa tungkol sa autism.

Mga Sanhi Ng Autism: Pag-Unawa Sa Developmental Disorder Na Ito

Nauugnay ang autism disorder sa ilang sakit, tulad ng autistic disorder, Asperger’s syndrome, pervasive developmental disorder, at childhood disintegrative disorder.

Ang genetic at environmental factors ay may malaking impluwensya sa distinct set ng lakas at hamon na kinakaharap ng bawat bata ngayon. Masasabi na ang ganitong mga sanhi ng autism ay pwedeng mag-ambag. Sa kung paano kakailanganin ng isang bata ang tulong sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ngunit, mayroon pa ring mga indibidwal na nabubuhay nang nakapag-iisa. Kung saan kaunting tulong lamang ang kanilang kailangan.

Mapapansin na ang ilang mga sintomas ng autism ay karaniwang nagaganap sa pagitan ng edad na 2 at 3. Habang ang iba pang mga kapansanan sa pag-unlad ay pwedeng lumitaw nang mas maaga. Sinasabi ng mga eksperto na ang mga na-diagnose na may “autism” nang maaga ay pwedeng makatanggap ng regular interventions. Ito’y maaaring magdulot ng mas mahusay na resulta sa buhay.

Ano Ang Hitsura Ng Autism Sa Mga Bata?

Sinasabi na ang bata ay pwedeng masuri may autism. Kung sila ay nagtataglay ng mga sumusunod na palatandaan o sintomas:

Mga gawi sa komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa lipunan (social communication and interaction behaviors):

  • Paminsan-minsan o walang eye contact
  • Hindi tumugon kapag tinawag ang kanilang pangalan
  • Kulang sa ekspresyon ng mukha
  • Pagkaantala sa pagsasalita (speech at language delays)
  • Pagkabigo sa pagsisimula o pagpapatuloy ng isang pag-uusap (maaaring nagsasalita lamang dahil sa request)
  • Paglaban sa pakikipag-ugnayan at koneksyon sa ibang mga bata (o mas gusto pang mag-isa)
  • Kahirapan sa pagkilala sa mga di-berbal na pahiwatig o non-verbal cues (tulad ng ekspresyon ng mukha ng mga tao, postura ng katawan, o kahit na tono ng boses)
  • Hindi makapagpahayag ng emosyon at damdamin
  • Kawalan ng kamalayan sa mga iniisip at damdamin ng ibang tao
  • Pagkakaroon ng unusual na tono ng boses kapag nagsasalita

Higit pa rito, pwede din nilang i-approach ang iba’t ibang pakikipag-ugnayan sa lipunan nang pasibo, agresibo, o nakakagambala.

Mga pattern ng pag-uugali:

  • Echolalia (pag-uulit ng mga salita at parirala)
  • Pag-uulit ng mga galaw (pagtumba, pag-ikot, o pag-flap ng kamay)
  • Pagkainis dahil sa pinakamaliit na pagbabago sa kanyang routine
  • Mga aktibidad na hindi sinasadyang makapinsala sa sarili/self-harm activities (pagkagat, head-banging)
  • Mga problema sa koordinasyon at kakaibang mga pattern ng paggalaw (clumsiness sa paglalakad o sobrang paggalaw ng katawan)
  • Kawalan ng kakayahang magpokus sa iba’t ibang bagay
  • Partikular sa food preferences
  • Kakaibang interes sa mga detalye, numero, at katotohanan
  • Hindi interesado sa pagbabahagi ng mga detalye at bagay sa iba
  • Mataas ang sensitivity sa liwanag, ingay, damit, o temperatura

Ang ilang mga bata na may autism spectrum ay mas engaged sa iba — at may mas kaunting mga problema sa pag-uugali habang sila ay tumatanda. Kadalasan, ang ilang mga tao na may “least severe challenges” ay pwedeng magkaroon ng regular o halos normal na buhay. Para sa kanilang hinaharap. Sa kabilang banda, ang iba ay maaaring patuloy na mag-struggle sa language at social abilities. Kung saan, pwedeng lumala ang behavioral at emotional issues sa kanilang teen years.

Paano Magagamot Ang Autism?

Sa kasamaang palad, wala pa ring kilalang treatment o gamot para pagalingin ang autism. Gayunpaman, may ilang mga paraan kung saan pwedeng makatulong ang iba’t ibang interbensyon sa isang bata — na mabawi at mapabuti ang social interaction at development.

Mga gamot

Maaaring gamutin ng doktor ang ilan sa mga sintomas na nauugnay sa autism spectrum disorder. Gamit ang mga iniresetang gamot o prescribed medicines. Ang mga naturang gamot ay pwedeng makatulong na bawasan ang mga problema sa:

  • Paulit-ulit na pag-uugali
  • Mga problema sa atensyon
  • Pagkairita
  • Aggression
  • Hyperactivity
  • Pagkabalisa at depresyon

Behavioral, psychological, at educational therapy

Maaaring i-refer ang mga batang may autism spectrum disorder sa mga doktor na dalubhasa sa behavioral, psychological, educational, o skill-building therapies. Ang mga magulang, kapatid, at iba pang miyembro ng pamilya ay pwedeng makilahok sa mga programang ito.

  • Pagsasanay sa mga kasanayang panlipunan o social skills training
  • Speech at language theraphy
  • Occupational therapy
  • Parent management training
  • Mga serbisyo sa espesyal na edukasyon o special education services

Maraming magulang ang sinusubukan na makipagtulungan sa mga doktor na i-manage ang child’s condition — at isama ang mga pantulong at alternatibong interbensyon na may special diets at supplements.

Key Takeaways

Ang autism ay nagiging sanhi ng pagiging iba ng pagkilos ng bata, kumpara sa iba. Ngunit, hindi ito dahilan para gawing mas mababa ang kanyang pagkatao.
Bilang isang magulang, mahalagang matutunan at maunawaan ang higit pa tungkol sa autism spectrum disorder. Para masuportahan nang maayos ang iyong anak.
Makakatulong sa kanya ang pagbibigay ng isang gawain o istraktura na dapat sundin araw-araw. Nang sagayon ay makabuo ng koneksyon mula sa kanila. Maaari ka ring humingi ng tulong sa medical professional’s kung may mga alalahanin ka na nais mong matugunan.

Matuto pa tungkol sa Child Health dito.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Autism Spectrum Disorder (ASD), https://www.cdc.gov/ncbddd/autism/facts.html, Accessed October 13, 2021

Autism Spectrum Disorder, https://www.psychiatry.org/patients-families/autism/what-is-autism-spectrum-disorder, Accessed October 13, 2021

Autism Spectrum Disorder, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/autism-spectrum-disorder/symptoms-causes/syc-20352928, Accessed October 13, 2021

Autism Spectrum Disorder, https://www.nimh.nih.gov/health/topics/autism-spectrum-disorders-asd, Accessed October 13, 2021

What is Autism? https://www.autismspeaks.org/what-autism#:~:text=Autism%2C%20or%20autism%20spectrum%20disorder,in%20the%20United%20States%20today, Accessed October 13, 2021

Kasalukuyang Version

04/11/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Rubilyn Saldana-Santiago, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Parents, Narito Ang Ilang Tips Ngayong Summer Na!

RSV o Respiratory Synctial Virus: Alamin Kung Ano Ang Sakit na Ito


Narebyung medikal ni

Rubilyn Saldana-Santiago, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement