Ang pangangalaga sa balat ay madalas na isang pangunahing alalahanin ng mga adult. Ngunit alam mo ba na mahalaga din para sa mga bata na magkaroon ng healthy skincare routine? Mga magulang, narito ang mahahalagang bagay na dapat tandaan sa tamang pangangalaga sa balat ng bata.
Ang balat ng mga bata ay unique
Maraming magulang ang nahihirapang mag-navigate sa skincare ng mga bata dahil kadalasan ay may malaking pagbabago mula sa skincare ng sanggol hanggang sa skincare ng kabataan. Binibigyang-pansin natin ang balat ng sanggol dahil sensitibo ito. At nakakakuha tayo ng mga payo tungkol sa balat ng tinedyer dahil nakakaranas sila ng mga pagbabago na nagdudulot ng malalaking isyu tulad ng acne at oily skin.
Ngunit, karaniwang hindi tayo nagkakaroon ng skincare routine para sa mga bata maliban na lang kung mayroon silang malalaking problema tulad ng eczema o rashes.
Mga magulang, makatutulong kung tatandaan mo na ang balat ng mga bata ay iba sa balat ng isang tinedyer:
Ang balat ng mga bata ay mas manipis
Mayroon silang mas mataas na surface-to-mass ratio, na nangangahulugang mas marami silang balat sa bawat pound ng body weight
Karaniwang nawawala ang kanilang moisture
Isaalang-alang ang mga pagkakaibang ito, lalo na kapag pumipili ng mga produkto ng skincare para sa mga bata.
Sa pangkalahatan, kailangan lamang ng iyong anak ng 3 banayad na skincare products para sa tamang pangangalaga sa balat ng bata.
Cleanser
– Upang linisin ang balat mula sa dumi, lalo na’t ang mga bata ay aktibo sa paglalaro at pagtuklas ng mga bagong bagay.
Moisturizer
– Ang mga bata ay may posibilidad na mawalan ng higit na moisture. Tandaan na ang dry skin ay mas madaling kapitan ng irritation. Regular na maglagay ng moisturizer sa kanilang balat, lalo na sa mga lugar na mas tuyo.
Sunscreen
– Upang maprotektahan ang balat mula sa nakakapinsalang UV rays. Inirerekomenda ng ilang dermatologist ang sunscreen kaysa sa chemical type. Ang physical sunscreen ay nagsisilbing barrier sa UV rays. Samantala, ang chemical sunscreen ay nag-aabsorb ng UV rays, nagko-convert sa kanila sa init, at pagkatapos ay inilalabas ang mga ito mula sa katawan. Madalas na kuskusin ng mga bata ang kanilang mga mata. Kaya mabuting mag-apply at reapply ng sunscreen sa maliliit na bahagi ng balat na hindi natatakpan ng damit. Makabubuti din na limitahan ang kanilang direktang pagkakalantad sa sikat ng araw. Bigyan sila ng mga lugar ng paglalaruan na may lilim, komportableng damit, at mga sumbrero para sa balat.
Tandaan ng kailangan mong pumili ng banayad na skincare products. Ito ay para sa tamang pangangalaga sa balat ng bata.
Tulad ng nabanggit, ang kanilang balat ay mas manipis ( ito ay mas absorbent) kaya mas madaling kapitan ng mga nakakapinsalang sangkap. Higit pa rito, ang kanilang mas mataas na surface-to-mass ratio ay nagsasabi na ang mga toxin ay maaaring mas makaapekto sa kanila.
Para makapili ng pinakamahusay na mga produkto para sa iyong anak, mabuting komunsulta sa isang dermatologist. Bilang general rule, iwasan ang mga produktong naglalaman ng mga sumusunod:
- Pabango
- Parabens
- Synthetic dye
- Formaldehyde
- Sodium lauryl sulfate (SLS)/Sodium Laureth sulfate (SLES)
Sundin ang tamang aplikasyon at manatili sa routine
Kapag napili mo na ang mga produkto, kailangan mong sundin ang tamang aplikasyon. Narito ang pangkalahatang guideline para sa tamang pangangalaga sa balat ng bata:
Paliguan ang iyong anak araw-araw gamit ang panglinis o sabon sa mukha at katawan. Posible rin na magrekomenda ang dermatologist ng facial cleanser at body soap.
Mag-apply ng moisturizer (cream o lotion) kaagad pagkatapos maligo. Ito ay para ma-trap nito ang tubig at mapanatili ang moisture.
Mag-apply ng sunscreen 20-30 minuto minuto bago lumabas (ito ay tumatagal ng ganoong oras bago magsimulang gumana ang ilang sunscreen). Huwag kalimutang mag-aplay muli tuwing pagkatapos ng 2 oras o pagkagaling sa tubig.
Finally, manatili sa nakagawian. Maglagay ng moisturizer kahit na ang balat ng iyong anak ay hindi mukhang tuyo. Gumamit ng sunscreen kahit maulap sa labas.
Huwag kalimutan ang hydration at ang malusog na diet
Bukod sa pagkakaroon ng skincare routine para sa mga bata, huwag kalimutang pangalagaan ang balat mula sa loob.
Ang balanseng diet ay nagbibigay sa iyong anak ng mahahalagang sustansya na nagpapanatiling malusog sa balat.
Gayundin, ang pag-inom ng maraming tubig ay nagpapanatili sa katawan na hydrated, at ang mga selula ng balat ay gumagana nang maayos.
Bumisita sa isang dermatologist
Isa pang mahalagang bahagi ng skincare routine para sa tamang pangangalaga sa balat ng bata ay dalhin sila sa isang dermatologist. Ito ay kapag sila ay nagkaroon ng hindi maipaliwanag na mga kondisyon ng balat.
Ang rashes mula sa kagat ng langgam at lamok ay madaling magamot sa bahay, ngunit kung mayroon silang mga isyu tulad ng eczema, atopic dermatitis, warts, o psoriasis, ang pinakamahusay ay ang kumunsulta sa isang dermatologist. Sila lamang ang makakapag-diagnose ng kondisyon ng iyong anak at makapagpapasya sa naaangkop na paggamot.
Higit pa rito, dapat mo ring dalhin ang iyong anak sa skin doktor kung makakita ka ng mga kakaibang nunal o birthmark sa kanilang balat.
Hindi sigurado kung kailangang magpatingin ang iyong anak sa isang dermatologist? Huwag mag-alala. Dalhin sila sa kanilang pediatrician o sa iyong family doctor at hilingin ang kanilang rekomendasyon.