backup og meta

Rashes Sa Bata: Heto Ang Dapat Tandaan Ng Mga Magulang

Rashes Sa Bata: Heto Ang Dapat Tandaan Ng Mga Magulang

Ang mga skin rashes ay karaniwan na sa mga bata. Kadalasan, hindi naman dapat ipag-alala. Gayunpaman, makatutulong sa magulang kung alam nila ang mga uri ng rashes sa bata. Kasama din kung kailangan ng medikal na paggamot at paano pangalagaan sa bahay.

Kagat ng mga Insekto

Laganap ang kagat ng insekto, lalo na sa mga lumalaking bata na gusto palagi sa labas ng bahay. 

Karamihan sa mga pantal mula sa kagat ng mga langgam, lamok, wasps, at maging ang mga gagamba ay hindi mapanganib. Ito ay maliban kung ang insekto ay nakakalason o ang iyong anak ay may allergic reaction sa kanila. Kapag ganon, magkakaroon sila ng iba pang mga sintomas kaysa sa orihinal na rashes sa bata.

Kapansin-pansin na madalas na nag-iingat ang mga magulang sa kagat ng lamok dito sa Pilipinas dahil sa dengue at malaria.

Ang magandang balita ay maraming repellents ang mabibili sa market para itaboy ang mga lamok at iba pang insekto.

[embed-health-tool-child-growth-chart]

Bulutong Tubig

Ang chickenpox o bulutong ay karaniwan din sa mga bata. Ito ay sanhi ng varicella virus. Nagreresulta sa makati na mga butlig na kalaunan ay nagiging paltos at pagkatapos ay magiging crust ito. Ang ilang mga bata ay maaaring magkaroon lamang ng ilang mga spot, ngunit ang iba ay magkakaroon ng marami nito.

Walang partikular na paggamot para sa bulutong tubig. Pero ang ilang mga gamot ay nakakatulong na mapagaan ang mga sintomas. Halimbawa, ang paracetamol ay nagpapababa ng lagnat at ang calamine lotion ay nakakatulong sa pangangati. Mahalagang malaman na ang bulutong ay isang kondisyong maiiwasan sa bakuna.

Bungang-araw

Kasama rin sa mga karaniwang rashes sa bata ay ang prickly heat rash o bungang araw.

Ang prickly heat ay nangyayari kapag ang pawis ay nakulong sa balat, na nagreresulta sa maliliit at mapupulang butlig. 

Ang pinakamahusay para maiwasan at gamutin ang bungang araw ay ang pag-iwas sa pagpapawis. Ito ang dahilan kung bakit ang mga bata na may heat rash ay kailangang nasa isang maaliwalas, malamig na mga lugar at magsuot ng maluwag at komportableng damit.

Eczema 

Siyempre, ang eksema ay isa rin sa mga karaniwang rashes sa bata. Ang eksema ay ang terminong ibinibigay sa mga kondisyon na nagpapapula, nangangati, namamaga, at kung minsan ay nangangaliskis ang balat. Mayroong ilang mga uri ng eksema, na ang pinakakaraniwan ay atopic dermatitis.

Ang eksaktong dahilan ng eczema ay hindi pa rin alam. Pero ang mga magulang ay maaaring matukoy ang mga nag-trigger sa paglala ng mga sintomas (mga flare-up). Ang isang karaniwang pag-trigger ay malamig, tuyong hangin. Ito ay dahil ginagawa nitong tuyo ang balat at madaling maapektuhan ng mga irritant at impeksyon. Ang isa pang karaniwang pag-trigger ay ang mga matapang na kemikal na nasa mga sabon at shampoo.

Ang paggamot para sa eksema ay pagpigil sa pagkatuyo, pagpapagaling ng mga pantal, at pag-iwas sa pangangati at karagdagang pamamaga.

Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD)

Ito ay isang mild viral infection na nagiging mga sugat sa bibig at mga pantal sa mga kamay at paa. Ang HFMD ay nakakahawa. Kaya naman dapat ihiwalay ang bata at ugaliin ang regular na paghuhugas ng kamay, pagdidisimpekta, at mabuting kalinisan.

Dahil ito ay isang impeksyon, ang iyong anak ay maaari ring magkaroon ng lagnat at iba pang mga sintomas. Ito ay tulad ng pagkawala ng gana sa pagkain at masamang pakiramdam.

Wala pa ring treatment para sa HFMD, at kadalasang nagreresolba ang mga sintomas sa loob ng 10 araw. Gayunpaman, maaaring bigyan ng doktor ang iyong anak ng mga gamot para gamutin ang mga sugat at mabawasan ang discomfort.

Buni

Isa pang karaniwang uri ng rashes sa bata ay ringworm o buni. Ito ay fungal infection na nagdudulot ng mala-singsing na pula o nangangaliskis na balat. Ang mahirap sa buni ay kadalasang nangangati at namamaga ang mga pantal.

Ang mga bata ay maaaring magkaroon ng mga pantal saanman sa kanilang katawan. Pero ang mga ito ay madalas sa mga braso at binti. Kung ang ringworm ay nangyayari sa anit, ang bata ay maaaring magkaroon ng bald patches.

Sa kabutihang palad, karamihan sa mga kaso ay gumagaling sa mga over-the-counter na antifungal na gamot. Ang mga pantal sa anit kung minsan ay nangangailangan ng mga anti-fungal na tablet at shampoo.

Ang isa pang mahalagang dapat tandaan sa buni ay kailangan mong pigilan ang pagkalat nito. Iwasang maghiraman o magshare ng mga personal na gamit sa pamilya. Huwag kalimutang i-disinfect ang mga bagay na madalas hawakan.

Hives

Pagdating sa mga karaniwang rashes sa bata, ang hives, na kilala rin bilang urticaria, ay nangunguna.

Ang hives o mga pantal ay matambok at makati na maaaring kumalat. Iba-iba ang sanhi sa mga bata. Maaaring dahil ito sa mga allergens, irritant, gamot, o mga pisikal na aktibidad at init. 

Sinasabi ng mga eksperto na ang mga pantal ay kadalasang panandalian, at karamihan sa mga kaso ay mahusay na tumutugon sa mga antihistamine.

Kailan Tatawag ng Doktor 

Tulad ng nabanggit kanina, karamihan sa mga rashes sa bata ay hindi nakakapinsala. Gayunpaman, dalhin ang iyong anak sa doktor kung mayroon silang:

  • Matingkad, mapupulang balat na natutuklap ng malalaki.
  • Malalaking paltos
  • Mukhang may sakit 
  • Nilalagnat
  • Umiinom ng mga inireresetang gamot sa nakalipas na 3 araw
  • Regla at gumagamit ng tampons.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Prickly Heat
https://www.cedars-sinai.org/health-library/diseases-and-conditions/p/prickly-heat.html
Accessed February 25, 2021

Hand-foot-and-mouth disease
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hand-foot-and-mouth-disease/diagnosis-treatment/drc-20353041
Accessed February 25, 2021

Skin rashes in children
https://www.nhsinform.scot/illnesses-and-conditions/injuries/skin-injuries/skin-rashes-in-children#Urticaria
Accessed February 25, 2021

Rashes
https://kidshealth.org/en/kids/rashes.html
Accessed February 25, 2021

Rash or Redness – Widespread
https://www.seattlechildrens.org/conditions/a-z/rash-or-redness-widespread/
Accessed February 25, 2021

Kasalukuyang Version

07/19/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Tamang Pangangalaga sa Balat ng Bata: Mga Dapat Tandaan

Kagat Ng Lamok Sa Bata: Ano Ang Mainam Na Solusyon Dito?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement