Madalas nating iniuugnay ang bungang araw o prickly heat rash sa mga sanggol, ngunit maging ang mga bata ay maaari din itong maranasan, lalo na kung tag-init. Narito ang ilan sa mga practical tips kung paano makaiwas sa bungang araw.
Bakit madaling magkaroon ng bungang araw ang iyong anak?
Bago tayo magtuloy sa pag-iwas sa bungang araw, bigyang-diin muna natin kung ano ito na kadalasang nangyayari sa mga bata lalo na kung tag-init. Maaari ring magkabungang araw kung walang pasok, at mas matagal maglaro sa labas sa ilalim ng init ng araw. Ang rason bakit karaniwang may break out ng bungang araw tuwing tag-init ay dahil sa labis na pagpapawis.
Ang pagpapawis nang sobra ay maaaring humarang sa pores o ang mga maliliit na sweat ducts. Kung ito ay nangyari, ang pawis ay maiiwan sa loob, na nagiging sanhi ng makati at mapulang rashes na tulad ng maliliit na tigyawat na lalabas.
Ang mga bungang araw ay kadalasang makikita sa mga bahagi na exposed sa matinding init, tulad ng leeg, mga balikat, at dibdib. Maaari din itong makita sa ibang parte ng katawan na maaaring mag “overheat,” tulad ng singit at kilikili.
Bagaman kadalasang makati at nagdudulot ng pagiging iritable ng bata, ang bungang araw ay hindi nakapipinsala sa kabuuan. Madalas ay nawawala rin ito matapos ang ilang araw.
Paano maiiwasan ang bungang araw sa mga bata?
Kung ang iyong anak ay madalas maranasan ang bungang araw, alam mo na ang mga rashes ay hindi nagdudulot ng sakit.
Ang mga bungang araw ay malamang na hindi magpapatigil sa kanila mula sa paglalaro sa labas, ngunit siguradong magrereklamo sila sa iritasyon at kakatihan.
Upang maiwasan ang pagkakaroon ng bungang araw, maaari mong gawin ang mga sumusunod:
1. Hikayatin ang mga bata na manatili sa loob ng bahay
Ang unang tip ay hikayatin ang mga bata na manatili sa loob ng bahay, malayo sa nakakapasong init ng araw.
Maaaring mapanghamon na isagawa ang tip na ito habang bakasyon kung kailan sabik silang maglaro sa labas. Kaya’t ang pinaka mainam mong gawin ay i-adjust ang oras nila sa labas. Halimbawa, sa halip na maglaro sa tanghali, paglaruin mo sila sa umaga kung kailan hindi pa mainit. Magandang ideya rin ang paglalaro sa hapon.
Isa pang paraan ay magbigay ng mga masayang gawain sa loob ng bahay. Kabilang sa mga halimbawa ay:
- Board games
- Baking
- Jigsaw puzzle
- Science experiments
- Reading books
Sa loob ng bahay, makasisiguro na well-ventilated ito. I-adjust ang bilis ng bentilador at buksan ang air-conditioner kung mayroon man.
2. Maayos na piliin ang kanilang mga suot
Kung lumabas ang mga bata, gusto nating protektahan sila sa kagat ng lamok, sugat at mga galos; kaya’t may pagkakataon na tayo ay nag o-“overdress” ng long sleeve shirts. Gayunpaman, ang pagsusuot sa kanila ng mga makapal na damit o gawa sa fabrics na hindi hinahayaan ang balat na makahinga ay nagreresulta sa sobrang pagpapawis.
Paano makaiwas sa bungang araw? Siguraduhing ang damit ng iyong anak ay presko sa katawan.
3. I-check ang lugar na kanilang tinutulugan
Ang iyong anak ba ay madalas na nakararanas ng bungang araw? Kung oo, i-check ang bahagi ng lugar na tinutulugan nila. Paano makaiwas sa bungang araw? Makatutulong kung ang lugar na tinutulugan nila ay well-ventilated; maaari mong buksan ang AC o ilagay sa mas mabilis na pag-ikot ang bentilador upang umikot nang maayos ang hangin.
Karagdagan, i-check ang kanilang higaan at kumot. Ang ilang mga foam ay nagpapanatili ng init ng katawan kaysa sa iba, na nagdudulot ng pagiging hindi komportable. Tanggalin din ang makakapal na kumot, lalo na kung hindi sila nilalamig.
4. Suriin ang kanilang skincare products
At panghuli, kung paano makaiwas sa bungang araw, suriin ang skincare products ng iyong anak, partikular na sa kanilang moisturizer.
Ang ilang mga oils at makapal na lotions o creams ay nakapagbabara ng pores at nagta-trap ng pawis. Kung hindi ka sigurado sa skincare routine ng iyong anak, maaari mong konsultahin ang iyong doktor upang maiwasan ang pagkakamali sa pagpili ng produkto.
Ano ang gagawin kung may bungang araw ang iyong anak?
Ang bungang araw ay kadalasang hindi dapat maging sanhi ng pag-aalala. Maaari mo itong malunasan sa bahay sa pamamagitan ng pagpapanatili na presko ang iyong anak at iwasan ang pagpapawis. Matuto pa tungkol sa lunas sa bahay para sa bungang araw rito.
Key Takeaways
Karaniwan sa mga bata na makaranas ng bungang araw lalo na tuwing tag-init sa bakasyon. Ang praktikal na mga paraan kung paano makaiwas sa bungang araw ay ang paghikayat sa kanila na manatili sa well-ventilated na lugar at siguraduhin na sila ay may suot na light at breathable na mga damit.
Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.