backup og meta

Kabag Ng Baby, Epekto Ba Ito Ng Bottlefeeding? Alamin Dito Ang Kasagutan

Kabag Ng Baby, Epekto Ba Ito Ng Bottlefeeding? Alamin Dito Ang Kasagutan

Ang kabag o hangin sa tiyan ay kadalasang nangyayari sa mga sanggol. Sa karamihan ng mga kaso ng kabag ng baby, hindi ito nangangahulugan na may mali sa iyong sanggol. Gayunpaman, hindi sila komportable hanggang sa puntong iiyak sila nang matindi, na nagiging sanhi ng colic. Nagdudulot ba ng gas ang pagpapakain ng bote? Ano ang maaaring gawin ng mga magulang tungkol dito? Alamin dito.

[embed-health-tool-child-growth-chart]

Mga Palatandaan Ng Kabag Ng Baby

Dahil hindi pa sila makapagsalita, kailangang obserbahan ng mga magulang kung paano kumilos ang kanilang sanggol. Kung mayroon silang kabag, maaari mong maobserbahan na sila ay:

  • “Squirmy,” parang hindi sila makahanap ng komportableng posisyon
  • Nagkakaproblema sa pagtulog
  • Sinisipa ang kanilang mga binti o itinutupi ang mga ito sa kanilang dibdib.
  • Mas magulo kaysa karaniwan
  • Pagpapalabas ng gas sa pamamagitan ng pagdighay o pag-utot

Bilang pangwakas, ang kabag ng baby ay maaaring humantong sa paglaki ng tiyan at matinding pag-iyak (colic), na maaaring magdulot ng gulat sa mga magulang.

Ano Ang Nagiging Sanhi Ng Kabag Ng Baby?

Bago natin ipaliwanag ang mga posibleng sanhi ng kabag sa mga baby, linawin muna natin na normal ang pagkakaroon ng gas sa gastrointestinal tract. Ang mga bacteria sa bituka ay gumagawa ng gas; ang paglunok ng hangin (aerophagia) ay maaari ding humantong sa kabag.

Lahat tayo, anuman ang edad, ay may gas sa atin paminsan-minsan; ngunit mas madalas itong maranasan ng mga sanggol dahil hindi pa ganap na nabuo ang kanilang digestive system.

Ngunit, ano ang humahantong sa kabag? Nagdudulot ba ng gas ang pagpapadede ng bote?

Sa madaling salita, ang pagpapadede sa bote ay hindi nagiging sanhi ng gas. Maaaring magresulta ng kabag ay ang hindi maayos na posisyon ng bote, kaya nagkakaroon ng gas ang mga baby. Gayunpaman, tandaan na ang mga baby ay maaari ring makakuha ng hangin sa panahon ng mga sesyon ng pagpapasuso, depende sa kanilang posisyon.

Ang isa pang posibleng sanhi ng kabag ng baby ay ang hindi hiyang na pormula ng gatas. Kung ito ang kaso, ang iyong baby ay maaaring magkaroon ng iba pang mga sintomas tulad ng pagtatae.

[embed-health-tool-baby-poop-tool]

Maaari Bang Humantong Sa Kabag Ang Diet Ng Mga Nanay Na Nagpapasuso?

Ngayong naipaliwanag na natin na ang pagpapadede sa bote ay hindi nagiging sanhi ng gas, harapin natin ang isa pang karaniwang alalahanin sa mga nagpapasusong ina: ang kanilang diet.

Maraming mga ina ang nagsasabi na ang pagkain nila ay nagiging sanhi ng kabag sa kanilang mga sanggol, kabilang ang:

  • Mga maanghang na pagkain
  • Bawang
  • Sibuyas
  • Kangkong
  • Kale
  • Beans

Gayunpaman, tandaan na kailangan namin ng higit pang mga pag-aaral upang kumpirmahin ang koneksyon sa pagitan ng kabag ng baby at ang diet ng mga ina habang sila ay nagpapasuso. Pagkatapos ng lahat ng ito, maraming mga sanggol ang nagiging hiyang na sa mga pagkain.

Paano Tulungan Ang Isang Batang May Kabag

Naghahanap ka ba ng simpleng lunas sa kabag para sa iyong sanggol? Maaari mong isaalang-alang ang mga sumusunod na tip:

1. Suriin ang kanilang posisyon sa pagpapakain

Ang unang praktikal na tip ay suriin ang posisyon ng pagpapadede ng iyong sanggol.

Ang pagpapadede sa bote ay hindi nagiging sanhi ng gas, ngunit ang maling posisyon ng bote ay maaaring maging dahilan ng paglunok ng labis na hangin ng sanggol.

Para maiwasan ang kabag, itaas ang bote nang mas mataas para mapuno ng gatas ang mga nipple. Bukod pa rito, suriin kung may baradong mga nipple ng bote. Kung ang gatas ay hindi dumadaloy, ang iyong sanggol ay sumisipsip lamang ng hangin. Panghuli, isaalang-alang ang mga anti-colic feeding bottle; ang mga bote na ito ay idinisenyo upang bawasan ang hangin sa dulo.

Kailangan ding suriin ng mga nagpapasusong mommies ang attachment at posisyon ng kanilang baby. Panatilihing mas mataas ang ulo ng sanggol kaysa sa kanilang tiyan. Ito ay upang ang hangin ay nananatili sa ibabaw ng tiyan habang ang gatas ay naiinom, na ginagawang mas madali para sa kanila na dumighay.

2. Huwag kalimutan ang pagpapadighay

Ang isa pang lunas sa kabag ng baby ay ang pagdighay. Upang dumighay ang sanggol, maaari mong:

  • Dalhin ang iyong sanggol sa iyong dibdib, habang ang kanilang baba ay nasa iyong balikat. Gamitin ang isang kamay upang suportahan sila at ang isa ay marahang hagurin ang kanilang likod
  • Ilagay ang mga ito sa kanilang tiyan sa iyong kandungan. Siguraduhing suportahan ang kanilang ulo: dapat itong mas mataas kaysa sa kanilang tiyan. Gamitin ang isang kamay upang marahan silang tapikin sa likod.

3. Tulungan ang iyong sanggol na “mag-ehersisyo”

Tinutulungan sila ng paggalaw upang mailabas ang gas, kaya isaalang-alang ang mga mini workout para sa iyong sanggol. Iangat ang kanilang mga binti at igalaw ang mga ito sa maliliit na galaw tulad ng pag-pepedal. Maaari mo ring bigyan sila ng mas maraming oras sa kanilang tiyan.

4. Mag-ingat sa kanilang (at iyong) pagkain

Kung nagpapakita sila ng mga palatandaan ng hindi hiyang sa pormula, pinakamahusay na ihinto ang pagbibigay nito sa kanilan at makipag-usap sa kanilang doktor tungkol sa isa pang alternatibo. Kung ikaw ay nagpapasuso at napansin na ang ilang mga pagkain sa iyong diet ay partikular na nagpapadagdag sa gas sa iyong sanggol, isaalang-alang ang pag-iwas sa mga pagkaing iyon.

5. Bigyan sila ng baby massage

At panghuli, tulungan silang maglabas ng gas sa pamamagitan ng pagsasagawa ng rub-down. Magsimula sa tiyan at pagkatapos ay bigyan sila ng banayad na masahe sa kanilang mga balikat, braso, at binti. Ang masahe ay nakakapagpapahinga sa iyong sanggol, na maaaring makatulong sa kanila na makalabas ng gas.

Matuto pa tungkol sa Child Health dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Burping Your Baby, https://kidshealth.org/en/parents/burping.html, Accessed February 18, 2021

Breaking Up Gas, https://www.healthychildren.org/English/ages-stages/baby/diapers-clothing/Pages/Breaking-Up-Gas.aspx, Accessed February 18, 2021

How to Treat Infant Gas, https://www.cmc-pa.com/infants/treat-infant-gas/, Accessed February 18, 2021

What’s causing gas in my breastfed baby? https://women.texaschildrens.org/blog/whats-causing-gas-my-breastfed-baby, Accessed February 18, 2021

Colic and Gas, https://www.chop.edu/conditions-diseases/colic-and-gas, Accessed February 18, 2021

Kasalukuyang Version

06/19/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Sanhi Ng Child Obesity, Anu-Ano Nga Ba?

Constipation ng Bata: Mga Remedyo at Gamot


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement