backup og meta

Ano ang Rotavirus, at Paano ito Ginagamot? Alamin Dito!

Ano ang Rotavirus, at Paano ito Ginagamot? Alamin Dito!

Ano ang rotavirus? Ang rotavirus ay isang nakahahawang infection na karaniwan sa mga sanggol at bata. Ang kondisyon ay kadalasang nagiging sanhi ng diarrhea at dehydration.

Sa maraming mga kaso, ang sanhi ng diarrhea at dehydration na kondisyon ay nagagamot sa bahay. Ngunit kung nakaranas ang iyong baby ng chronic loose bowel movements o dehydration, pinapayuhan na agarang humingi ng medikal na tulong.

Sa pagtingin ng epekto nito sa mga sanggol, ang World Health Organization (WHO) ay nirekomenda na isa ang rotavirus vaccines sa lahat ng national immunisation programmes. Kinokonsidera ng WHO ang bakuna na ito na prayoridad sa sub-Saharan Africa, South at Southeast Asian na mga bansa.

Ang WHO ay nirekomenda ang unang dose ng rotavirus vaccine na bigyan ang sanggol sa oras na makompleto na niya ang anim na linggong edad kasama ang DTP na vaccination.

Siguraduhin na ang iyong anak ay mabakunahan dahil ang malalang dehydration o diarrhea mula sa virus na ito ay nakamamatay.

Bakuna sa Rotavirus

Sa kasalukuyan, mayroong dalawang uri ng rotavirus vaccines na available para sa mga sanggol tulad ng:

  • Rotarix® (RV1) – Binibigay ito ng  2 doses sa edad na 2 buwan at 4 na buwan
  • RotaTeq® (RV5) – Binibigay ito ng 3 doses sa edad na 2 buwan, 4 na buwan at 6 na buwan
  • Siguraduhin na nakatanggap ang iyong anak ng lahat ng doses ng rotavirus na bakuna bago siya tumuntong ng 8 buwang edad. Ang parehong mga bakuna ay ibinibigay orally.

Ano ang Rotavirus: Mga Sintomas

Ang mga bata at sanggol ay posibleng maranasan ang parehong mga sintomas, maaaring mapansin ng mga magulang ang pagbabago sa gawi ng kanilang anak sa loob ng isa o dalawang araw. Ang sintomas ay magde-develop sa loob ng dalawang araw matapos ma-expose sa virus. 

Tulad ng nabanggit kanina, ang rotavirus ay maaaring maging sanhi ng diarrhea at severe loose bowel movements — ito ang karaniwan at pinaka sintomas. Ang ibang mga sintomas na maaaring maranasan ng iyong anak ay ang mga sumusunod:

  • Dehydration
  • Matinding pagkapagod
  • Mataas na lagnat
  • Sakit sa tiyan
  • Pagsusuka
  • Pagiging iritable

Ang dehydration ay isa sa pinaka inaalala sa mga bata. Samakatuwid, siguraduhin na ang iyong anak ay nakaiinom ng maraming tubig upang mapalitan ang nawalang tubig sa katawan at electrolytes. Nasa ibaba ang mga sintomas ng dehydration na maaaring maranasan ng iyong anak dahil sa nakapipinsalang virus na ito:

  • Sunken eyes
  • Pagbawas ng dalas sa pag-ihi
  • Kawalan ng luha kapag umiiyak
  • Tuyot na bibig
  • Malamig na balat

ano ang rotavirus

Saan Nagmumula ang Rotavirus?

Ang rotavirus ay mula sa Reoviridae – isang pamilya ng viruses na nagiging sanhi ng sakit sa respiratory at tiyan.

Kadalasan, ang virus ay kumakalat sa pamamagitan ng tae ng mga tao. Kung ang iyong anak ay nailagay ang particle na ito sa kanyang bibig, magkakaroon ng sakit ang iyong anak. Ito ay mangyayari kung:

  • Ang iyong anak ay humawak ng kontaminadong bagay o paligid at inilagay ang kanilang mga daliri sa bibig.
  • Ang bata ay nakakain ng kontaminadong pagkain.
  • Ang kamay ng iyong anak ay kontaminado ng tae at inilagay nila ito sa kanilang bibig.

Ang nakapipinsalang virus na ito ay mabilis na kumakalat sa mga sanggol at mga bata. Samakatuwid, siguraduhin mo, maging ang iyong mga miyembro ng pamilya at caregivers na maayos na alagaan ang bata at maiwasan na magkaroon ng contact sa kahit na anong bagay na hahantong sa ganitong kondisyon.

Ano ang Rotavirus: Mga Panganib

Ang rotavirus ay virus na madaling kumalat at nagiging sanhi ng gastroenteritis — pamamaga ng mga bituka at tiyan.

Kumpara sa matatanda, ang mga sanggol at bata ay mas mataas ang tsansa sa banta na maging infected mula sa virus na ito. Kung ang mga kabataan ay nakaranas ng malalang dehydration, maaaring kinakailangan nilang maospital ng ilang mga araw. Siguraduhin na huwag balewalain ang lunas ng rotavirus dahil ang virus ay maaaring maging sanhi ng maagang pagkamatay.

Siguraduhin na protektahan ang iyong anak mula sa virus na ito. Kumuha ng rotavirus vaccination kung kailan kinakailangan.

Bagaman ang virus na ito ay maaaring makaapekto sa kahit anong edad ng tao, ang mga taong may banta ng infection na ito ay mga:

  • Senior citizens
  • Mga taong may mahinang immune system

Diagnosis

Siguraduhin na bisitahin ang klinika ng doktor kung walang pagbabago sa kondisyon ng iyong anak. Ang iyong doktor o pediatrician ay magsasagawa ng pisikal na eksaminasyon at magrerekomenda ng stool test upang ma-detect ang virus.

Ang enzyme immunoassay ay maaaring ma-detect ang virus habang sinusuri ang stool.

Ayon sa resulta ng test, ang iyong doktor o pediatrician ay magmumungkahi ng akmang lunas o home remedies.

Ano ang Rotavirus: Alamin ang Lunas Dito

Walang tiyak na lunas o mga gamot na maaaring magpagaling ng isang beses sa rotavirus. Gayunpaman, maaari mong malunasan ang pinaka sintomas ng virus na ito — diarrhea at dehydration. Sundin ang kaunting tips upang malunasan ang dehydration at diarrhea:

  • Damihan ang pagkonsumo ng tubig na may electrolytes (mas mahalaga para sa mga bata)
  • Kumain ng bland foods, tulad ng white toast at saltines
  • Iwasan ang sugary o fatty foods dahil nagpapalala ito ng diarrhea
  • Uminom ng maraming tubig

Siguraduhin na agad na bisitahin ang klinika ng doktor kung nararanasan ng iyong anak ang mga sumusunod:

  • Lagnat na 104°F (40°C) o mas mataas
  • Patuloy na pagsusuka
  • Walang kakayahan na panatilihin ang tubig sa katawan
  • Malalang diarrhea

Lifestyle Changes

Hikayatin ang iyong anak na magpahinga hangga’t maaari kung hindi mabuti ang nararamdaman niya. Pakainin ng bland foods na walang added sugar tulad ng mga gulay, yogurt, whole-grain bread, mga prutas, o lean meat.

Siguraduhin na marami ang iniinom na tubig ng iyong anak. Iwasan ang pag-inom ng malalamig na inumin, apple juice, soda at dairy products liban sa yogurt. Ang mga pagkain na mayroong labis na asukal ay magpapalala ng diarrhea.

Home Remedies

Maaari mong gamitin ang mga lunas sa bahay upang gamutin ang dehydration at diarrhea na sanhi ng rotavirus. Ngunit tandaan na huwag magbigay ng juice sa mga sanggol na mas bata pa sa isang taong gulang at konsultahin ang pediatrician ng iyong anak bago sumubok ng kahit na anong lunas sa bahay at gamot.

  • Buttermilk: Ang buttermilk ay masustansyang lunas upang labanan ang dehydration. Mayaman sa potassium at magnesium ang buttermilk na nakakapag-rehydrate ng katawan.
  • Coconut water: Isa pang kapakipakinabang na lunas para sa dehydration at diarrhea ay ang sabaw ng buko. Mayaman ito sa potassium at sodium na nakatutulong mapalitan ang nawalang tubig sa katawan.
  • Cranberry juice: Ang cranberry juices ay naglalaman ng tubig at natural na asukal at asin na nakatutulong sa dehydration. Ang juice rin na ito ay mayaman sa antioxidants na nakatutulong upang labanan ang rotavirus.
  • Orange juice: Ang orange juices ay hindi lang nakakapagpalit ng nawalang electrolytes ngunit nakapagbibigay rin ng maraming potassium at magnesium.
  • Barley water: ang barley water ay puno ng antioxidants, minerals at mga bitamina na nakapagbabalik ng nutrisyon sa katawan. Ang barley water ay nakatutulong na malunasan ang dehydration sa matatanda.

Ang mga lunas sa bahay na ito ay mabisang lunas ng malalang pagkawala ng tubig sa katawan at chronic loose motions. Gamitin ang mga ito ng kahit higit sa dalawang beses kada araw upang malunasan ang mga ganitong kondisyon. Huwag kalimutan na humingi ng payo sa pediatrician ng iyong anak bago magbigay ng lunas sa bahay o gamot sa iyong anak.

Matuto pa tungkol sa Parenting dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Rotavirus Vaccines/https://www.cdc.gov/vaccinesafety/vaccines/rotavirus-vaccine.html/Accessed on 18/06/2020

Rotavirus/https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/rotavirus/symptoms-causes/syc-20351300/Accessed on 18/06/2020

Rotavirus/https://www.who.int/immunization/diseases/rotavirus/en/Accessed on 18/06/2020

Rotavirus/https://familydoctor.org/condition/rotavirus/Accessed on 18/06/2020

Rotavirus/https://www.health.gov.au/health-topics/rotavirus/Accessed on 18/06/2020

Rotavirus Vaccination/https://www.cdc.gov/vaccines/vpd/rotavirus/index.html/Accessed on 18/06/2020

Kasalukuyang Version

12/19/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Sanhi Ng Child Obesity, Anu-Ano Nga Ba?

Constipation ng Bata: Mga Remedyo at Gamot


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement