backup og meta

Pagsusuka ng Bata, Ano Ang Posibleng Dahilan para Dito?

Pagsusuka ng Bata, Ano Ang Posibleng Dahilan para Dito?

Isipin ito: Nagkakasayahan kayong lahat sa bahay nang biglang lumapit sa iyo ang iyong anak para sabihing masama ang pakiramdam niya. Napansin mong naduduwal siya at malapit nang masuka. Nang humahangos na kayo patungong CR, nagsimula kang mag-isip. Ano ang nagdulot sa kanya ng ganitong pakiramdam? Dahil ba sa kinaing hapunan? O iba pang bagay? Ano ang sanhi ng pagsusuka ng bata? Alamin dito.

Pagsusuka ng Bata: Ano ang Dapat Mong Malaman

Nangyayari ang pagsusuka kapag ang laman ng sikmura ng bata ay puwersahang umakyat sa esophagus at lumabas sa bibig. Ngunit kahit bago ito mangyari, nagpapakita na ang bata ng mga senyales ng hindi magandang pakiramdam ng tiyan na maaaring magdulot ng pagsusuka.

Karaniwang nakararanas ng pagduduwal at pagsusuka ang mga bata, ngunit madalang na tumatagal ito. Sa paglipas ng oras, nawawala na ang pagduduwal at/o pagsusuka nang hindi na kailangan ng gamutan.

Mga Sanhi ng Pagsusuka sa Bata

May iba’t ibang dahilan ng pagsusuka.

Gastroenteritis

Madalas, naiuugnay ang pagsusuka sa pagkain dahil sa sobrang pagkain, o sa ibang kaso, pagkalason sa kinain. Dulot ito ng impeksiyon sa tiyan o bituka na tinatawag na gastroenteritis.

Karaniwan itong tinatawag ng mga tao na stomach flu. Kabilang sa iba pang sintomas ng gastrointestinal infection sa bata ang pagtatae, lagnat, at stomach cramps.

[embed-health-tool-child-growth-chart]

Pag-ubo

Ang matinding pag-ubo ay maaaring magdulot ng pagsusuka ng bata. Karaniwan itong nakikita sa mga batang may acid reflux.

Allergy sa Pagkain

Maaaring makaranas ng pagsusuka ang mga batang may allergy sa pagkain. Puwede rin silang makaranas ng iba pang sintomas gaya ng mapula at makating pantal sa katawan, at pamamaga ng mukha.

Appendicitis

Nagdudulot ng matinding pananakit ng tiyan ang appendicitis na lalong lumalala sa paglipas ng oras. 

Motion Sickness

May ilang mga batang sensitibo sa paggalaw, at maaari itong magdulot ng pagsusuka at pagkahilo. Ang pinakakaraniwang uri ng motion sickness ay nangyayari dahil sa seasickness at pagsakay sa mga rides. Kapag nakaranas ka ng motion sickness, maaari ding magkaroon nito ang iyong anak, dahil puwede itong mamana. 

pagsusuka ng bata

Rotavirus

Ang rotavirus ay isang virus na nauuwi sa matinding pagtatae at pagsusuka. Nakatutulong ang rotavirus vaccine upang maiwasan ang impeksiyong dulot ng rotavirus.

Iba pang Sanhi

Iba pang nagdudulot ng pagsusuka ng bata ang:

  • Migraine
  • Strep throat
  • Pneumonia
  • Urinary Tract Infection (UTI)
  • Pyloric etenosis
  • Meningitis
  • Reye syndrome
  • Middle ear infection

Paano Ginagamot at Kinokontrol ang Pagsusuka ng Bata

Gaya ng iba pang kondisyon, nakadepende ang magiging gamutan sa kung ano ang nagdudulot nito. Karamihan sa mga kaso ng pagsusuka ay mabilis na nag-re-respond sa mga home remedies.

Narito ang ilang sa mga bagay na puwede mong gawin upang gamutin o kontrolin ang pagsusuka ng bata:

1. Hayaang mapahinga ang tiyan ng bata

Pagkatapos sumuka ng bata, huwag muna silang pakakainin ng 30 – 60 minuto. Ito ay upang humupa muna ang hindi magandang pakiramdam sa tiyan ng iyong anak.

2. Regular silang painumin ng tubig

Iwasan ang dehydration sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyong anak ng tubig oras-oras. Tiyaking may sapat na fluid ang iyong anak sa kanilang katawan upang matulungan silang gumaling mula sa pagsusuka.

3. Ayusin ang pagkain ng iyong anak

Hangga’t maaari, iwasang magbigay sa iyong anak ng solid food sa loob ng 24 oras matapos silang magsuka. Makatutulong ito upang maiwasan ang pagsusukang muli. Puwede mo silang bigyan ng chicken soup o ng electrolyte solution na inirerekomenda ng pediatrician.

Kung magutom ang iyong anak, puwede mo silang bigyan ng simpleng pagkain gaya ng crackers, cereals, kanin, o noodles. Iwasang magbigay sa kanila ng mamantika, matataba, o maaanghang na pagkain hanggang sa gumaling sila.

4. Bigyan sila ng tamang gamot

Humingi ng medikal na tulong kapag nagkaroon ng iba pang sintomas ang iyong anak dulot ng madalas na pagsusuka. Maaaring magreseta ang doktor ng over-the-counter na mga gamot upang mabawasan ang sakit.

Key Takeaways

Natural lang na mag-alala ang mga magulang, lalo na pagdating sa kanilang anak. Ang pag-alam sa mga sanhi at gamutan para sa pagsusuka ng bata ay makatutulong sa iyo upang lalong maging handa sakaling mangyari ito.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Bata dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Nausea and Vomiting, https://www.healthlinkbc.ca/health-topics/vomt3, Accessed October 15, 2021

Treating Vomiting, https://www.healthychildren.org/English/health-issues/conditions/abdominal/Pages/treating-vomiting.aspx Accessed October 15, 2021

Vomiting, https://kidshealth.org/en/parents/vomit.html, Accessed October 15, 2021

Vomiting in children, https://www.pregnancybirthbaby.org.au/vomiting-in-children, Accessed October 15, 2021

Vomiting in children and babies, https://www.nhsinform.scot/illnesses-and-conditions/stomach-liver-and-gastrointestinal-tract/vomiting-in-children-and-babies, Accessed October 15, 2021

Vomiting without Diarrhea, https://www.seattlechildrens.org/conditions/a-z/vomiting-without-diarrhea/, Accessed October 15, 2021

What to Do When Your Child Is Vomiting, https://www.fairview.org/Patient-Education/Articles/English/w/h/a/t/_/What_to_Do_When_Your_Child_is_Vomiting_89539, Accessed October 15, 2021

Kasalukuyang Version

06/27/2024

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Parents, Narito Ang Ilang Tips Ngayong Summer Na!

RSV o Respiratory Synctial Virus: Alamin Kung Ano Ang Sakit na Ito


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement