backup og meta

Paano Tumangkad? Heto Ang Mga Tips Para Tumangkad Ang Iyong Anak

Paano Tumangkad? Heto Ang Mga Tips Para Tumangkad Ang Iyong Anak

Bilang mga magulang, gusto nating matiyak na makakakuha ang ating mga anak ng lahat ng pinakamainam, at kasama na rito ang physical attributes. Sa mundo natin ngayon, maraming mga bata ang nagiging mas matangkad na sa kanilang mga magulang, ngunit may mangilan-ngilan ding mas maliit kaysa sa kanilang mga kaibigan. Ito ang sanhi ng pag-aalala ng maraming mga magulang. Paano tumangkad? At may magagawa ba ang magulang para sa kanilang anak?

Bagaman nakabatay sa genetics ng mga magulang ang height ng kanilang anak, nakahanap ng paraan ang siyensya upang matulungan ang isang bata na tumangkad sa pamamagitan ng pagkain, supplements, at maging ng pag-eehersisyo.

Paano Mapatatangkad Pa Ang Iyong Anak?

May tatlong paraan upang matulungan ng mga magulang ang kanilang anak na tumangkad. Pwede nilang gawin ito kasabay ng pag-eehersisyo, pagkain, o pag-inom ng niresetang gamot ng mga doktor. 

Dapat sanang magsimula ang mga magulang na tulungan ang kanilang mga anak na tumangkad pagsapit ng unang growth spurt sa edad na 5 hanggang 8 taong gulang na susundan sa pagsisimula ng puberty. Inaasahang mas tatangkad ang mga bata nang tulog-tuloy ng mga 2.5 inches (6-7 centimeters) bawat taon.

Para sa mga babae, tumatangkad sila sa pagitan ng 10-14 na taong gulang, habang para sa mga lalaki naman ay nasa pagitan ng 12-16 taong gulang. Tandaang humihinto ang paglaki ng babae pagsapit nila ng 15 taong gulang, at maaabot naman ng mga lalaki ang kanilang pinakamatangkad na height sa edad na 16. 

Paano Tumangkad Sa Tulong Ng Sapat Na Pahinga

Napakahalaga ng tulog upang tumangkad. Ang mga batang kulang sa tulog ay maaaring magkulang sa height dahil ang kanilang mga katawan ay hindi nakakukuha ng sapat na oras upang magpagaling at lumaki. Kapag kulang sa tulog ang mga bata, nagdurusa ang lahat maging ang kanilang kalusugan.

  • Bagong panganak na sanggol hanggang 3 buwan – kailangan ng 14-17 oras ng tulog
  • Sanggol edad 3-11 buwang gulang – kailangan ng 12-17 oras ng tulog
  • Mga toddler edad 1-2 taong gulang – nangangailangan ng 11- 4 oras ng pahinga bawat araw
  • School-age children edad 3-5 taong gulang – kailangan ng 10-13 oras ng tulong bawat araw
  • Sa paglaki ng mga bata, nababawasan din ang kinakailangang oras ng pagtulog
  • 6-13 taong gulang – kailangan ng 11 oras ng tulog
  • Mga teenager edad 14-17 taong gulang – kailangan ng 8-10 oras ng tulog
  • Matatanda edad 18-64 taong gulang – kailangan ng 7-9 na oras

Paano Tumangkad Sa Pamamagitan Ng Pag-Eehersisyo

Ang stretching exercises ay magandang paraan upang matulungan ang mga batang tumangkad. Pinahahaba ng stretching ang spine at nakatutulong upang gumanda ang sirkulasyon ng dugo sa katawan.

Sabihan ang iyong anak na tumayo sa tabi ng pader habang inaabot ang kanyang mga paa. Ito ang babatak sa muscles ng kanyang mga binti habang sabay niyang inaabot ang paa. Pwede mo ring sabihan ang iyong anak na umupo sa sahig, idiretso ang mga binti, at abutin niya ang dulo ng kanyang paa gamit ang kanyang mga kamay upang mabatak ang kanyang spine. 

Yoga At Iba Pang Ehersisyo Na Pampatangkad

Sinasabing nakatutulong ang yoga upang tumangkad ang mga bata. Pahigain ang bata nang lapat ang likod matapos ang tamang stretching habang magkahiwalay ang mga binti kapantay ng balikat. Sabihan siyang baluktutin ang mga tuhod hanggang sa maabot ng kanyang paa ang kanyang puwit at baluktutin ang kanyang siko hanggang sa maabot ng kanyang mga daliri ang kanyang balikat.

Sabihan siyang humingi (breath in) saka itulak ang katawan upang makabuo ng “U” position at manatili sa ganitong posisyon hangga’t maaari. Bumitaw mula sa ganitong posisyon saka ibuga ang hiningi (breath out), at magpahinga sa loob ng ilang segundo bago ulitin ito. Makatutulong ito upang ma-stretch ang lahat ng bahagi ng katawan. 

Pwede mong gawing mas masaya ang pag-eehersisyo sa pamamagitan ng pagsabit sa isang bar. Ito ang pinakamagandang paraan upang mabatak ang spine at ang mga braso. At dahil natutuwa ang mga bata sa ganito, hindi nila mapapansin na sila pala ay nag-eehersisyo na upang tumangkad.

Isa pang pwede mong gawin bilang magulang ay ang hikayatin ang iyong anak na magkaroon ng tamang posture. Karamihan sa mga bata ngayon ay nakayuko na nakaaapekto sa kanilang spine. Ang good posture ay nakatutulong upang magmukha silang mas matangkad dahil nakadiretso ang kanilang spine. Mayroon din itong magandang epekto sa kanilang socio-emotional wellbeing, gaya ng pagpapataas ng kanilang self-confidence.

Paano Tumangkad Sa Tulong Ng Mga Pagkain

Pakainin ang iyong mga anak ng maraming protina. Napakahalaga ng protina dahil i-no-optimize nito ang height, lalo na sa panahon ng growth spurts. 

Ang balanseng pagkain ay napakahalaga at dapat na gawin ito in moderation.

Dapat na iwasan ang mga simpleng carbohydrates gaya ng pastries at pizza hangga’t maaari dahil maaari itong humadlang sa kakayahan ng katawan ng bata na lumaki.

Ang mga itlog, gatas, soybean, pulang karne, purong karne, beans, leafy vegetables, mani, buto, grains, mga prutas na mayaman sa mineral gaya ng papaya, pinya at kiwi ay ilan lamang sa pinakamainam na pagkaing maaari mong ibigay sa iyong anak upang tumangkad.

Kailangan din ng mga bata ang sapat na pag-inom ng vitamins at minerals. Makukuha ito sa spinach, mangga, at carrots. Dapat nilang iwasan ang asukal, trans fat, at saturated fats. 

Paano Tumangkad Sa Tulong Ng Mga Gamot

Ang regular na check-up at good diet kasama ng pediatrician ng iyong anak ay makatutulong upang matiyak ang kanyang pagtangkad. Kapag maagang natukoy ang hindi tamang paglaki ng isang bata, maaga ring makapagbibigay ng treatment para dito.

Isa ring available option ang growth hormone therapy upang matulungan ang mga batang mas tumangkad. Nakatutulong ito upang madagdagan ang height ng bata. Ito’y dahil isa itong peptide hormone na nakukuha ng pituitary gland na tumutulong sa paglaki at produksyon ng selula. Gayunpaman, depende pa rin ito sa inyong pediatrician.

Maaring hindi maging kasinlaki ang iyong anak ng kanyang mga kaibigan, ngunit may mga paraan upang matulungan mo siyang maabot ang kanyang fullest growth potential. Sa pamamagitan ng tamang kombinasyon ng tulog, balanseng pagkain, ehersisyo, vitamins, at magandang posture, maaabot ng mga bata ang kanilang full growth potential.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Bata dito.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How Your Baby’s Sleep Cycle Differs From Your Own, https://www.sleepfoundation.org/articles/how-your-babys-sleep-cycle-differs-your-own, Accessed May 13, 2020

Sleep and weight-height development, http://www.scielo.br/scielo.php?script=sci_arttext&pid=S0021-75572019000300002, Accessed May 13, 2020

How to Increase Height for Kids, https://www.livestrong.com/article/224696-how-to-increase-height-for-kids/, Accessed May 13, 2020

Growth Hormone Treatment for Short Kids, https://www.med.umich.edu/yourchild/topics/growthhorm.htm, Accessed May 13, 2020

What factors influence a person’s height? https://www.medicalnewstoday.com/articles/327514, Accessed May 13, 2020

Growth and Your 6- to 12-Year-Old, https://kidshealth.org/en/parents/growth-6-12.html, Accessed May 13, 2020

Kasalukuyang Version

07/19/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Wastong Pagkain, Paano Maituturo Sa Mga Bata? Alamin DIto

Pampatangkad Na Vitamins Para Sa Bata, Mayroon Ba?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement