backup og meta

Seizure Ng Bata: Ano Ang Benign Febrile Seizure?

Seizure Ng Bata: Ano Ang Benign Febrile Seizure?

Ang benign febrile seizure ng bata ay isa sa pinakakaraniwang uri ng seizure. Kaya’t mahalaga para sa mga magulang na maging maalam sa dapat na gawin sakaling mag-seizure ang kanilang anak, at ano ang pwede nilang gawin upang maiwasang mangyari ito.

Ano Ang Benign Febrile Seizure?

Ang benign febrile seizures ay maiikling seizures na kadalasang nangyayari sa pagkabata. Partikular, ang mga batang nasa 15 buwang gulang o mas bata pa ay mas madaling kapitan nito.

Nangyayari ang febrile seizures kapag may mataas na lagnat ang bata. Ang mga uring ito ng seizure ay karaniwang tumatagal ng hindi hihigit sa 15 minuto, ngunit maaaring mas maikli pa.

Sa ganitong uri ng seizure, pwedeng mawalan ng malay at makaranas ng twitching at kombulsyon. Matapos ng seizure, kadalasang nakararanas ang bata ng pagkapagod o fatigue.

Ang makita ang malusog mong anak na biglang mag-seizure ay nakababahalang karanasan para sa mga magulang. Ngunit mahalaga ring malaman na karamihan sa febrile seizures ay hindi nakasasama, at walang pangmatagalang epekto sa iyong anak.

Sa ilang mga kaso, ang batang may lagnat ay pwede ring makaranas ng tinatawag na complex febrile seizure. Hindi tulad ng benign febrile seizures, ang complex seizures ay tumatagal nang higit sa 15 minuto, at naaapektuhan ang isang bahagi o tiyak na bahagi ng katawan.

Posible ring mangyari ulit ang complex seizure sa loob ng 24 oras. Bagaman, tulad ng benign febrile seizure, ang complex seizures ay walang indikasyon ng anumang seryosong problema, bukod sa lagnat na mayroon ang isang bata.

Pwede Ba Itong Mauwi Sa Epilepsy?

Isa sa pinag-aalala ng mga magulang ay ang epilepsy. Natuklasan sa isinagawang mga pag-aaral sa pagitan ng benign febrile seizures at epilepsy na mayroon nga itong kaugnayan sa isa’t isa.

Gayunpaman, mahalaga ring tandaan na napakababa ng posibilidad na magkaroon ng epilepsy sa hinaharap ang batang may febrile seizure. Tinatayang nasa 1 sa 50 ang panganib na magkaroon ng epilepsy ang isang bata.

Ano Ang Pwede Mong Gawin Sa Seizure Ng Bata?

Kapag ang bata ay nagsimulang magkaroon ng benign febrile seizure o complex febrile seizure, narito ang ilan sa mga pwedeng gawin ng mga magulang:

  • Pahigain ang bata nang nakatagilid, sa ibabaw ng malambot na higaan. Nakatutulong ito upang maiwasan ang aksidenteng pagkakalunok ng suka.
  • Tiyaking walang anumang matalas o delikadong bagay sa paligid niya.
  • Kung masikip ang damit ng bata, luwagan ito
  • Huwag maglagay ng kutsara o anumang bagay sa kanilang bibig, dahil maaari itong magdulot ng injuries.
  • Huwag pigilin o pagbawalang gumalaw ang iyong anak.
  • Kailangang manatili ng magulang sa tabi ng anak, at piliting alamin kung gaano katagal ang kanyang naging seizures.
  • Kung tumagal nang higit 5 minuto ang seizure ng bata, mas mainam kung dadalhin na siya sa doktor. Hindi ito dapat ipag-alala, ngunit mas mabuti nang makasiguro.

Pagkatapos ng seizure, manatili lang sa tabi ng iyong anak, at gawin ang lahat upang mapababa ang kanyang lagnat. Tiyaking matatandaan ang iba pang mga sintomas na kanyang naranasan, at maging ang pangalawang seizure ilang sandali lang matapos ang una.

Sa maraming mga kaso, ang mga batang nakaranas ng febrile seizures ay gumagaling nang lubos.

Paano Maiiwasan Ang Seizure Ng Bata?

Dahil nakapagdudulot ang mataas na lagnat ng febrile seizures, may mga magulang na naniniwala na ang pagbibigay ng gamot para sa lagnat ay makatutulong upang maiwasan ang benign febrile seizure. Gayunpaman, hindi ito ang nangyayari. Maaaring makatulong ang gamot sa lagnat upang maging komportable ang iyong anak ngunit hindi nito naiiwasan ang seizures.

Sa napakabihirang mga kaso, pwedeng gamitin ang gamot upang maiwasan ang febrile seizures. Karaniwang kasama rito ang pagbibigay ng anticonvulsant medication sa bata. Ngunit mahalagang tandaan na ginagawa lamang ito sa ilalim ng rekomendasyon ng doktor, at huwag na huwag mong susubukang i-self-medicate ang iyong anak gamit ang mga ganitong klase ng gamot.

Ang febrile seizures ay hindi kadasalang nagdudulot ng anumang problema sa mga bata, kaya’t ang pinakamabuting gawin ay alagaan ang iyong anak habang may seizure siya.

Key Takeaways

Maaaring nakababahala ang febrile seizures, lalo na para sa mga magulang. Gayunpaman, mahalagang manatiling kalmado, at sundin ang kinakailangang hakbang upang matiyak na ligtas ang iyong anak habang siya ay may seizure.

Bagaman walang pangmatagalang problema na idinudulot ang febrile seizures, mas mainam pa ring bumisita sa doktor. Sa pamamagitan nito, mababantayan mo ang kalusugan ng iyong anak, at matitiyak mong ligtas siya at malusog.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Bata dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Febrile Seizures: Clinical Practice Guideline for the Long-term Management of the Child With Simple Febrile Seizures | American Academy of Pediatrics, https://pediatrics.aappublications.org/content/121/6/1281#:~:text=Simple%20febrile%20seizures%20are%20defined,or%20history%20of%20afebrile%20seizures., Accessed April 21, 2021

Febrile seizure – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/febrile-seizure/symptoms-causes/syc-20372522, Accessed April 21, 2021

Febrile Seizure – StatPearls – NCBI Bookshelf, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK448123/, Accessed April 21, 2021

Febrile Seizures (for Parents) – Nemours KidsHealth, https://kidshealth.org/en/parents/febrile.html, Accessed April 21, 2021

Febrile Seizures: Risks, Evaluation, and Prognosis – American Family Physician, https://www.aafp.org/afp/2019/0401/p445.html, Accessed April 21, 2021

Kasalukuyang Version

03/30/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Nakabara sa Lalamunan: Ano ang First Aid na Dapat Gawin?

Sakit Ng Ulo Ng Bata, Ano Ba Ang Maaaring Dahilan?


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement