Walang hindi tinatablan ng lagnat, lalo na ang mga bata. Maraming mga bata ang nakararanas ng lagnat sa iba’t ibang rason. Maaaring ito ay sakit na nawala ng tatlong araw o di kaya ay mas mahaba pa rito. Kahit na ano pa man, ang mga magulang ay kinakailangan na malaman ang sanhi ng lagnat sa mga bata at kung kailan magpapatingin sa doktor.
Ang lagnat ay mataas na temperatura ng katawan (mas mataas sa 38°C) na nangyayari bilang natural na response upang labanan ang infection. Maaari itong maramdaman bilang senyales ng sakit o tiyak na kondisyon, ngunit maaari ding ibig sabihin nito na ang katawan ay ginagawa ang paraan upang labanan ang karaniwang infection.
Itinataas ng katawan ang normal na temperatura nito sa pamamagitan ng chemical reaction upang mapigilan ang mga nakapipinsalang viruses at germs na dumami. Dahil ang viruses at bacteria ay kayang dumami kung ang kondisyon ay tama, ito ay partikular na epektibong pamamaraan upang mahinto sila.
Maaari mong tingnan ang temperatura ng iyong anak sa pamamagitan ng iba’t ibang parte ng katawan tulad ng:
- Noo
- Kilikili
- Bahagi ng puwet (mas mainam sa mga batang hindi pa isang taon)
- Tenga
- Dila
Ang mga bata ay may tendency na makaranas ng mataas na lagnat kaysa sa matanda. Gayunpaman, ang pagiging malala ng sakit ng iyong anak ay hindi matutukoy sa lebel ng lagnat. Kung ang bata ay may mataas ng temperatura, maaaring hindi sila kumilos tulad ng karaniwang ginagawa nila. Mapapansin mo na bihira na lang sila kumain o maglaro o maaaring malikot sila, mainisin, at hindi komportable.
Sanhi ng Lagnat sa mga Bata
Ang ibang mga sanhi ng lagnat sa mga bata ay maaaring kailangan ng ibang paraan na malunasan mula sa parehong magulang at doktor.
Sanhi ng infection ang pinaka karaniwang dahilan – bacterial o viral. Kada taon, ang mga bata ay maaaring makaranas ng pito hanggang sampu na viral illness na may lagnat, lalo na kung sila ay exposed sa iba’t ibang lugar at bagay. Ang bacteria ay pangalawa na pinanggagalingan ng infection.
Ilang mga karaniwang viral o bacterial na sanhi sa mga bata ay:
- Karaniwang sipon
- Influenza at iba pang upper respiratory health infections
- Sinus infections
- Bulutong, tigdas, at beke
- Pneumonia
- Meningitis
- Gastroenteritis
- Middle ear infection
- Tonsillitis
- Urinary tract infection
Ibang mga sanhi ng lagnat sa mga bata ay:
- Heat Stroke (dahil sa sobrang pananamit)
- Autoimmune disease
- Chronic joint inflammation
- Tiyak na gamot (tulad ng antibiotics, anti-seizure, at blood pressure na gamot)
- Blood transfusion
- Brain disorder
- Malignant tumor at ibang uri ng cancer
- Immunizations (diphtheria, tetanus at acellular pertussis (DTaP) o pneumococcal vaccine)
Ang ilan sa mga kondisyon na ito ay bihira at hindi dapat na maging sanhi ng pag-aalala kung ang iyong anak ay may lagnat. Ngunit kung nagpatuloy ang sintomas, konsultahin ang doktor.
Kailan Magpapatingin sa Doktor
Normal sa mga bata na magkaroon ng paminsan-minsan na lagnat. Gayunpaman, kailangan na alalahanin ng mga magulang kung kailan sila magpapakonsulta sa doktor. Ito ay iba-iba depende sa sintomas at iba pang salik tulad ng edad ng bata o ibang medikal na kondisyon.
Sa pangkalahatan, konsultahin ang iyong doktor kung naranasan ng iyong anak ang pabalik-balik na lagnat na 40°C pataas.
Sa ibang mga kaso, maaari tawagan ang iyong pediatrician kung:
- Ang iyong anak ay may lagnat na mas mataas sa 38°C o mas mataas pa at 3 buwang gulang o mas bata pa. Maaaring indikasyon ang mataas na lagnat sa mga sanggol ng mapanganib na impeksyon.
- Nakararanas ang bata ng lagnat na higit sa isang araw. Para sa mga bata na 2 taon at mas matanda, ang lagnat na lampas sa 3 araw ay kailangang tugunan.
- Ang mga magulang ay kailangan na bigyang atensyon ang mga sanggol (mas bata sa isang taong gulang). Tawagan ang iyong doktor kung ang iyong sanggol ay may lagnat at patuloy na umiiyak o makulit.
Lunas sa Lagnat at Pagma-manage
Bilang isang magulang, maaari kang makaramdam ng hindi pagiging komportable na malaman na ang iyong anak ay may lagnat. Ang mga nasa ibaba ay ilang tips at payo na makatutulong na lunasan at i-manage ang kondisyon ng iyong anak:
- Magbigay ng sapat na tubig upang maiwasan ang dehydration
- Damitan ang iyong anak ng presko at komportableng mga damit upang maiwasan ang heat exhaustion
- Hayaan silang magpahinga sa lugar na temperatura ng kwarto
- Hayaan ang anak na kainin ang kahit na anong nais nila na may saktong dami o sukat
Kung ang iyong anak ay nakararamdam ng pagiging malikot o hindi komportable, maaaring magbigay ka ng anti-fever na gamot (o pain relievers) tulad ng acetaminophen o ibuprofen. Laging konsultahin muna ang iyong doktor bago magbigay ng kahit na anong gamot.
Key Takeaways
Maliban sa sakit mismo, ang lagnat ay sintomas ng iba pang posibleng kondisyon na maaaring maranasan. Maraming sanhi ang lagnat sa mga bata. Ngunit kung nalaman na ang sanhi ng lagnat sa bata, madali na lamang na lunasan ito.
Kung ang temperatura ng iyong anak ay nagpatuloy na tumaas, agad na tawagan ang pediatrician at hayaan na ma-diagnose nang maayos ang anak.
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Bata dito.
[embed-health-tool-bmr]