Ano ang sanhi ng lagnat? Ang lagnat ay ang maaaring pansamantalang pagtaas ng temperatura ng katawan, na kadalasang dulot ng sakit. Maaaring senyales ng impeksyon ang pagkakaroon ng lagnat at nilalabanan ito ng katawan. Para sa isang nakatatanda, ang lagnat ay maaaring ding magdulot ng hindi komportableng pakiramdam. Subalit kadalasan, ito ay hindi nagiging sanhi ng alalahanin maliban na lamang kung ang temperatura ay tumaas sa 103 F (39.4 C) o higit pa.
Ang mga bata ay maaaring magkaroon ng lagnat nang madalas. Hindi kadalasang nagiging sanhi ng panganib sa katawan ang lagnat. Ito rin ay maaaring isang mabuting bagay dahil ito ay nagpapakita na ang ating katawan ay lumalaban sa impeksyon.
Narito ang mga dapat malaman tungkol dito, mga sanhi ng lagnat, at iba pang mga kondisyon na posibleng sanhi nito.
Ano Ang Lagnat?
Ang lagnat ay madalas na nangyayari kung ang temperatura ng loob ng katawan ay nagiging sanhi ng pagtaas ng blood heat nang higit pa sa katanggap-tanggap na lebel. Ang hypothalamus ng isang tao ay ang regulator at alam nito ang nararapat na temperatura ng katawan, na karaniwang 98.6°F o 37°C. Nagpapadala ng impormasyon ang hypothalamus sa ating buong katawan upang matulungang maging normal ang temperatura sa ganoong paraan.
Ang sumusunod na readings sa thermometer ay karaniwang indikasyon ng lagnat:
- Temperatura ng puwitan, tainga, at temporal artery: 100.4 (38 C) o higit pa
- Temperatura ng bibig: 100 F (37.8 C) o higit pa
- Temperatura ng kilikili: 99 F (37.2 C) o higit pa
Maraming tao ang bumababa at nagbabago ang temperatura ng katawan sa araw. Ito ay kadalasang bahagyang mas mababa sa umaga at bahagyang mas mataas sa gabi. Ito rin ay maaaring magbago sa mga bata habang sila ay tumatakbo, tumatalon, at naglalaro.
May mga pagkakataong kinokontrol ng hypothalamus ang temperatura ng katawan, maaaring pataasin o pababain. Tumutugon ang katawan sa pamamagitan ng pagbaba ng temperatura bilang reaksyon sa impeksyon, sakit, o iba pang sanhi. Bakit? Naniniwala ang mga doktor na ang pagtaas ng temperatura ay maaaring isang paraan upang labanan ng ating katawan ang germs na nagiging sanhi ng mga impeksyon. Ito ang dahilan ng pagkamatay ng mga ito.
Anu-Ano Ang Mga Sanhi Ng Lagnat?
Mahalagang tandaang ang lagnat lamang ay hindi isang sakit — ito ay kadalasang isang sintomas ng isa pang problema.
Ang lagnat ay kadalasang sanhi ng maraming mga bagay, kabilang na ang viruses at bakterya. Ito rin ay kadalasang nangyayari bilang tugon ng katawan sa bakuna.
Kailan Nagiging Senyales Ng Malubhang Sakit Ang Lagnat?
Ang mga batang may temperatura ng katawan na mababa sa 102°F o 38.9°C ay mas madalas kaysa hindi nangangailangan ng gamutan maliban na lamang kung nakararamdam ng pagiging iritable at kung hindi komportable.
Kung ang iyong anak ay nasa pagitan ng 3 buwan at 3 taon at may lagnat na 102.2°F o 39°C o higit pa, tumawag ng doktor at tanungin kung kinakailangan itong dalhin sa ospital para sa karagdagang pagsusuri. Ang lagnat ng isang bata na may temperaturang mas mataas pa sa 100.4°F (38.0°C) ay maaaring maging sanhi ng pangingisay.
Pag-Diagnose Sa Sanhi Ng Lagnat
Upang makatulong sa tamang pag-diagnose ng lagnat, tatanungin ng doktor ang tungkol sa mga sumusunod:
- Iba pang mga sintomas tulad ng pag-ubo, pananakit ng tiyan, pagsusuka, pagtatae, o pananakit tuwing umiihi
- Kamakailan lamang na operasyon o injuries
- Kamakailan lamang na bakuna
- Bagong gamot na iniinom
- Kamakailan na paglalakbay, partikular na sa ibang bansa
Paggamot Sa Lagnat
Tandaang ang lagnat ay ang tugon ng iyong katawan laban sa mga impeksyong sanhi ng viruses, bakterya, at germs. Ang simpleng lagnat lamang ay hindi mapanganib, subalit ang mataas na lagnat ay maaaring hindi mabuti.
Narito ang mga ilang simpleng hakbang na maaaring makatulong upang bumuti ang pakiramdam:
- Uminom ng maraming fluids upang makatulong na mapalamig ang katawan at maiwasan ang dehydration.
- Magpunas gamit ang maligamgam na tubig at gumamit ng mamasa-masang tuwalyang ilalagay sa noo at pulso.
- Magsuot ng damit na magaan, malamig sa pakiramdam, at gawa sa cotton (kahit na nilalamig).
- Kumain ng magagaang pagkaing madaling matunaw.
- Uminom ng ibuprofen (Advil, Motrin, o iba pa), naproxen (Aleve, Naprosyn, o iba pa), acetaminophen (Tylenol, iba pa), o aspirin upang makatulong na maibsan ang pananakit ng ulo at katawan at mapababa ang temperatura.
- Magpahinga nang mabuti.
Kung ang temperatura ng katawan ay mahigit sa 104°F (40°C), tumawag agad ng doktor. Gayundin, agad na ipagbigay-alam sa doktor kung ikaw ay may lagnat kasabay ng anomang mga sintomas na ito:
- Pangingisay
- Pagkawala ng malay
- Vaginal discharge na may ibang kulay o amoy
- Pagkalito
- Matinding pananakit saanmang bahagi ng katawan
- Pamamaga saanmang bahagi ng katawan
- Pananakit tuwing umiihi o pagkakaroon ng mabahong amoy ng ihi
- Paninigas ng leeg
- Kahirapang huminga
Para sa anumang mga alalahanin, kumonsulta sa iyong doktor.
Matuto pa tungkol sa Mga Karaniwang Sintomas dito.