Lagnat ang isa sa mga pinakakaraniwang kondisyong medikal sa mga bata. Madaling mag-panic sa unang senyales ng lagnat, pero tandaan na ito ay karaniwang nawawala sa loob ng dalawa o tatlong araw. Kung hindi mataas ang lagnat, sa halip na dalhin agad sa doktor ang anak mo, subukang alamin kung paano mapapababa ang lagnat nang natural.
Paano mapapababa ang lagnat ng iyong anak nang natural
Ang lagnat ay medyo pangkaraniwang kondisyon sa mga bata at kadalasang maaaring pangasiwaan sa bahay kung ito ay nasa pagitan ng 37.6°C at 38.5°C.
Gayunpaman, kung ang body temperature ng anak mo ay umabot sa 38.6°C o kung ang bata ay may iba pang mga kondisyon sa kalusugan na malubha, agad na dalhin siya sa doktor.
Kapag nilalagnat ang bata, ang katawan ay lumalaban sa isang impeksyon. Ang pagtaas ng temperatura ng katawan ay isang paraan upang patayin ang mga mikrobyo o bacteria. Sa madaling salita, ang lagnat ay isang magandang bagay.
Sa kabilang banda, hindi mo matitiis na makita ang anak mo na matamlay o hindi komportable. Kaya alamin ang natural na paraan kung paano mapapababa ang lagnat. Narito ang maaari mong gawin:
-
Pangalagaan ang Body Fluids
Palaging mahalaga ang pagpapanatili ng body fluids. Ito ay lalo na kapag ang bata ay may lagnat.
Kapag tumaas ang temperatura ng katawan, mas madaling mawalan ng likido ang katawan. Ang kondisyong ito ay maaaring magpabilis ng pagkakaroon ngdehydration sa mga bata.
Tiyakin na ang iyong anak ay patuloy na umiinom at kumakain. Bukod sa mineral water, pwede mo ring bigyan siya ng iba pang inumin at pagkain, tulad ng:
Iwasan ang pagbibigay ng inumin na may caffeine tulad ng tsaa. Dahil ito ay nagpapataas ng tyansa ng dehydration sa bata.
Maaari ring uminom ang mga bata ng malamig na tubig dahil isang paraan ito kung paano mapapababa ang lagnat ng natural dahil sa cooling effect nito.
-
Maligamgam na Paligo
Ang isa pang natural na paraan kung paano mapapababa ang lagnat ay ang paliguan siya ng maligamgam na tubig.
Iwasang paliguan ng malamig na tubig ang mga bata dahil maaari silang manginig, na nagreresulta sa pagtaas ng temperatura ng katawan.
Kung ayaw maligo ng iyong anak, huwag mag-alala. Ito ay dahil may iba pang mga paraan tulad ng paglilinis ng kanyang katawan gamit ang maligamgam at basang tela. Basain ang maliit na towel, pagkatapos at punasan ng marahan ang buong katawan ng iyong anak. Magiging mas komportable ang katawan at makakatulong na mawala ang lagnat.
-
Maglagay ng Lukewarm o Tepid Water Compress sa Noo at Kili-kili
Isa rin ito sa mga paraan kung paano mapapababa ang lagnat. Ang pangunang lunas para mapawi ang lagnat ay maaaring gawin ng mga magulang sa pamamagitan ng paglalagay ng compress sa noo, kilikili, o magkabilang binti.
Maaari kang gumamit ng instant compress o maliit na tuwalya na ibinabad sa maligamgam na tubig.
Iwasan ang pag-compress ng malamig na tubig dahil nagiging sanhi ito ng pagsikip ng mga daluyan ng dugo. Ito ay nagbibigay ng senyales sa katawan na itaas ang kanyang core temperature.
Ilagay lamang ang compress sa bahagi ng katawan ng bata, pagkatapos ay ulitin kapag mainit ang katawan ng bata.
-
Hayaang Magpahinga ang Iyong Anak
Iba-iba ang kondisyon ng katawan ng bawat bata. Ang ilan ay nakadarama ng isang linggo na nilalagnat kapag sila ay nanghihina.
Bilang isang magulang, kailangan mong tiyakin na ang iyong anak ay may sapat na pahinga hanggang sa ganap na humupa ang lagnat.
Para gawin ito, siguraduhin na ang temperatura ng silid ay komportable. Tiyakin din na may maayos na sirkulasyon ng hangin sa silid.
Ang isa pang natural na paraan kung paano mapapababa ang lagnat ay ang pagsusuot ng magaan at komportableng damit. Nata-trap ang init sa makapal na damit at magpapataas ng temperatura ng kanilang katawan.
Kailangan ba ng Gamot Para Mapapababa ang Lagnat?
Kung nasubukan mo na ang mga natural na home remedy, pero hindi bumababa ang temperatura ng iyong anak, maaaring oras na para bigyan siya ng gamot na pampababa ng lagnat. Ito ay maaaring gawin sa araw ng pagsisimula ng lagnat.
Ang ilang mga gamot na pampababa ng lagnat na maaaring ibigay ay paracetamol at ibuprofen. Ngunit laging humingi muna ng rekomendasyon mula sa iyong doktor.
Iwasan ang pagbibigay ng aspirin sa mga bata dahil maaari itong mag-trigger ng isang pambihirang sakit, katulad ng Reye’s syndrome na maaaring nakamamatay.
Kung ang bata ay wala pang 2 buwan, huwag magbigay ng anumang gamot sa lagnat nang hindi muna nagpapatingin sa doktor.
Tandaan, kapag ang natural remedies at gamot ay hindi nagbunga ng mga resulta, magpatingin kaagad sa doktor upang makakuha ng tamang paggamot.
Key Takeaway
Normal na makaramdam ng pag-aalala kapag nilalagnat ang iyong anak. Ang lagnat sa mga bata ay karaniwang hindi nangangailangan ng seryosong paggamot at kadalasan ang mga natural na paggamot ay sapat na upang gamutin ang sitwasyon. Ang pag-alam kung paano mapapababa ang lagnat ng bata nang natural ay makakatulong mapawi ang mga sintomas ng lagnat at mapababa ang temperatura.
Matuto pa tungkol sa Child Health dito.
[embed-health-tool-bmr]