backup og meta

Lagnat ng bata: Kailan dapat mag-alala? Alamin dito

Lagnat ng bata: Kailan dapat mag-alala? Alamin dito

Ang lagnat ay isa sa mga kapansin-pansing sintomas ng batang masama ang pakiramdam. Gayunpaman, dahil ang lagnat ay nauugnay sa maraming sakit, kung minsan ay mahirap malaman kung bakit nagkakaroon nito ang mga bata. Narito ang kailangan mong malaman tungkol sa lagnat ng bata at kung kailan dapat mag-alala dito. 

Ano ang lagnat?

Ang lagnat ay nagpapahiwatig ng mataas na temperatura ng katawan, ngunit kailan nagkakaroon ng lagnat ang isang bata?

Ang eksaktong temperatura para sa lagnat ay nag-iiba, pero ang mga magulang ay karaniwang maaaring sabihin na ang kanilang anak ay may lagnat kung ang kanilang axillary (kili-kili) na temperatura ay lumampas sa 37.5 C. 

Gayunpaman, may ilang mga konsiderasyon.

Halimbawa, kung kinuha mo ang temperatura ng isang bata sa tumbong, maaaring ituring silang febrile (may lagnat) kung ang reading ay umabot sa 38 C o mas mataas. Gayundin, nagbabago ang temperatura ng katawan sa buong araw. Posibleng tumaas ito sa oras ng pisikal na aktibidad at pinakamataas sa hapon.

Mga Posibleng Sanhi ng Lagnat ng Bata

Malamang na nagtataka ka: anong mga kondisyon ang nagti-trigger ng lagnat ng bata at kailan dapat mag-alala tungkol dito? Ayon sa mga eksperto, ang acute fever o ang mga tumatagal ng wala pang 14 na araw ay kadalasang nangyayari dahil sa impeksyon.

Mas maliit ang posibilidad na mabuhay ang mga pathogen tulad ng bacteria at virus kung mainit ang kanilang kapaligiran. Dahil dito, sadyang pinapataas ng utak ang temperatura ng ating katawan kapag may impeksyon.  

Respiratory Infections

Una sa listahan ang respiratory infection, na kinabibilangan ng mga kondisyon tulad ng sipon at trangkaso. Kung ito ay respiratory infection, ang iyong anak ay malamang na magpapakita ng iba pang mga sintomas tulad ng:

  • Namamagang lalamunan
  • Runny nose
  • Mapulang mata
  • Ubo
  • Namamagang lymph nodes
  • Pamamaos

Kung mayroon silang trangkaso, maaari din silang magkaroon ng pananakit ng ulo, pananakit ng katawan, at fatigue.

Mahalaga:

Dalhin kaagad ang iyong anak sa doktor kung sila ay:

  • Nagkakaroon ng mabilis na paghinga, shortness of breath, o nahihirapang huminga
  • May wheezing (mataas na tunog kapag humihinga)
  • Unresponsive
  • Labis na pagsusuka

Gastroenteritis 

Ang gastroenteritis ay isang kondisyon kung saan nananatili ang pamamaga ng tiyan o bituka. Ang pinakakaraniwang sanhi ng gastroenteritis ay viral o bacterial food poisoning at mga parasite sa bituka.

Maaaring magkaroon ng gastroenteritis ang isang bata kung siya ay may lagnat at may mga sumusunod na sintomas:

Mahalaga:

Dalhin kaagad ang iyong anak sa doktor kung:

  • Nagpapakita ng mga palatandaan ng dehydration
  • May dugo o maberde na bahid sa kanilang pagsusuka
  • May dugo o nana sa kanilang dumi
  • Nagrereklamo ng matinding pananakit ng tiyan 
  • Nagkakaroon ng dilaw na bahid sa kanilang mga mata o balat

Mga Impeksyon sa Tainga

Ang isa pang karaniwang sanhi ng lagnat ng bata ay impeksyon sa tainga. Ito ay  kadalasan pagkatapos nilang makaranas ng allergy o sipon. 

Bukod sa lagnat, ang mga batang may impeksyon sa tainga ay maaari ding magpakita ng mga sumusunod na sintomas:

  • Nagrereklamo sa pananakit ng tainga at pag-iyak dahil dito
  • Nahihirapang makarinig
  • Mga likidong dumadaloy mula sa tenga
  • Nahihirapang matulog

Mahalaga: 

Kung nagkakaroon ng mga sintomas ng impeksyon sa tainga ang iyong anak, dalhin siya sa doktor dahil maaaring kailanganin ng antibiotic treatment para maalis ang impeksyon.

Tonsillitis

Kung nilalagnat ang iyong anak, maaari mong tanungin kung namamaga ang lalamunan o masakit  lumunok. Kung ganoon ang kaso, maaaring mayroong tonsillitis. Kasama sa iba pang mga sintomas ang:

Mahalaga:

Dalhin kaagad ang iyong anak sa doktor kung sila ay:

  • May matinding pananakit ng lalamunan o nagpapatuloy nang higit sa ilang araw 
  • Nahihirapan huminga 
  • Nagkakaroon ng paninigas ng leeg (maaaring nagpapahiwatig ng meningitis, isang matinding impeksyon)

Urinary Tract Infections

Panghuli, posible ring magkaroon ng lagnat ng bata dahil sa mga impeksyon sa daanan ng ihi (urinary tract infections (UTIs). 

Kabilang sa iba pang sintomas ang:

  • Burning sensation kapag umiihi
  • Dark-colored ang ihi o may matapang na amoy
  • Gustong umihi, ngunit konting ihi lang ang lumalabas

Mahalaga:

Mahalagang dalhin ang iyong anak sa doktor para sa mga sintomas ng UTI, lalo na kung bigla silang hindi makaihi. Kung magkakaroon sila ng panibagong pananakit sa likod o sa ibaba ng rib cage, tawagan din ang doktor.

Kailan Masyadong Mataas ang Lagnat para sa isang Bata?

Dahil karaniwan ang lagnat sa mga bata, madalas na tanong ng mga magulang, kailan ako dapat mag-alala dito? Ang sagot ay kung ito ay may kasamang iba pang mga sintomas tulad ng mga nabanggit sa itaas. Bukod dito, kailangan din ng iyong anak ng tulong medikal kung ang lagnat ay masyadong mataas.

Ang mga sanggol na may edad 3 buwan at mas bata ay kailangan ng medikal na atensyon para sa isang 38 C na lagnat. Bago ang edad na 2, ang 38 C na lagnat o mas mataas na tumatagal ng higit sa isang araw ay dapat suriin. 

Kung ang iyong anak (may edad 2 o mas matanda) ay may lagnat na 38 C na tumatagal ng higit sa 3 araw, dalhin siya sa doktor. Gayundin kung may paulit-ulit na lagnat na 40 C o mas mataas.

Finally, huwag kalimutan na ang lagnat na higit sa 14 na araw ay hindi dapat balewalain. Maaaring dahil ito sa long-term infections o pabalik-balik na impeksyon, tulad ng:

  • Hepatitis
  • Endocarditis
  • Sinusitis
  • Pneumonia
  • Tuberculosis

Sa ilang mga kaso, ang non-infectious conditions tulad ng inflammatory bowel disease at leukemia ay maaaring magdulot ng malalang lagnat ng bata.

Treatment

Karamihan sa mga kaso ng lagnat ay nawawala sa loob ng ilang araw pagkatapos magamot ang kondisyong sanhi nito. Dahil dito, napakahalaga na dalhin ang iyong anak sa pediatrician dahil sila lamang ang maaaring gumawa ng diagnosis at magreseta ng mga gamot.

Kadalasan, para bumaba ang lagnat, bibigyan ng doktor ang iyong anak ng paracetamol o acetaminophen. Tandaan na ang pagpapababa ng lagnat ng bata ay hindi ginagamot ang ugat ng kondisyon. Gayunpaman, mapapawi nito ang mga discomforts dahil sa lagnat at maiwasan ang mga seizure dahil sa mataas na temperatura.

Kasama sa iba pang paraan para mabawasan ang lagnat ng iyong anak: 

  • Painumin ng maraming tubig.
  • Hayaang manatili sila sa isang malamig na lugar.
  • Siguraduhing maayos ang kanilang pananamit. 
  • Hikayatin silang magkaroon ng sapat na pahinga.

Prevention

Ang pinakamabuti para maiwasan ang lagnat ng bata ay ang pag-iwas sa mga impeksyon sanhi nito. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtuturo sa ating mga anak ng wasto at regular na paghuhugas ng kamay, pagpapaalala na iwasang hawakan ang kanilang bibig at ilong. Kasama dito ang pagbibigay-diin sa kahalagahan ng hindi pagbabahagi ng mga utensils.    

Matuto pa tungkol sa kalusugan ng bata dito.

[embed-health-tool-bmi]

    

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Childhood Respiratory Infections and Other Illnesses
https://my.clevelandclinic.org/health/articles/4022-childhood-respiratory-infections-and-other-illnesses
Accessed February 11, 2021

Influenza (Flu) in Children
https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/influenza/influenza-flu-in-children
Accessed February 11, 2021

Gastroenteritis In Children
https://www.health.harvard.edu/a_to_z/gastroenteritis-in-children-a-to-z
Accessed February 11, 2021

Urinary Tract Infection in Children: Care Instructions
https://myhealth.alberta.ca/Health/aftercareinformation/pages/conditions.aspx?hwid=uh3235
Accessed February 11, 2021

Fever in Children
https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=fever-in-children-90-P02512
Accessed February 11, 2021

Fever in children
https://www.nhsinform.scot/illnesses-and-conditions/infections-and-poisoning/fever-in-children
Accessed February 11, 2021

Fever
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/fever/symptoms-causes/syc-20352759
Accessed February 11, 2021

Fever in Infants and Children
https://www.msdmanuals.com/home/children-s-health-issues/symptoms-in-infants-and-children/fever-in-infants-and-children
Accessed February 11, 2021

Fever
https://www.seattlechildrens.org/conditions/a-z/fever/
Accessed February 11, 2021

Kasalukuyang Version

05/31/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Mga Sanhi Ng Lagnat At Iba Pang Posibleng Mga Kondisyon

Ano ang Sanhi ng Sipon sa Bata at Kailan Ito Dapat Ipag-alala ng Magulang?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement