backup og meta

Baradong Ilong ng Baby: Heto Ang Ilang Solusyon para Dito

Baradong Ilong ng Baby: Heto Ang Ilang Solusyon para Dito

Barado ba ang ilong ng iyong baby? Puwede itong mauwi sa discomfort. At natural lang para sa baby na maging iritable kapag barado ang kanilang ilong. Kadalasan, hindi mapaminsala ang nasal congestion at mawawala rin nang kusa. Gayunpaman, kung magdulot ng kawalan ng ganang kumain ang baradong ilong, maaari natin itong maging alalahanin. Upang mabigyan ang iyong anak ng ilang ginhawa, narito ang mga paraan upang harapin ang baradong ilong ng baby gamit ang mga natural at medikal na remedyo. 

Paano Mawala Ang Baradong Ilong ng Baby

Kapag barado ang ilong, nagdudulot ito sa iyong baby ng hirap sa paghinga. Kung nawawalan sila ng ganang kumain, madalas na nag-aalala ang mga nanay sa nutrisyon ng kanilang anak.

1. Alisin ang kulangot at sipon ng baby

Minsan, tumitigas ang sipon ng baby kapag hindi mo ito nilinis. Kailangang linisin ng mga magulang ang ilong ng kanilang anak palagi, malusog man sila o may sipon.

Linisin palagi ang ilong upang maiwasan ang baradong ilong ng baby dahil sa tumigas na sipon. 

Isang paraan upang gawin ito ay sa pamamagitan ng cotton buds. Basain lang ang cotton bud ng maligamgam na tubig, at dahan-dahang tanggalin ang nakikitang tumigas na sipon. Upang maging madali, puwedeng gawin ito ng mga nanay habang tulog si baby. 

2. Tiyaking hydrated ang iyong baby

Ayon sa Nationwide Children’s Organization, kung naibigay sa bata ang kanyang kinakailangang fluid, patuloy na magiging moist ang nasal tissue nito.

Upang matiyak ang tamang hydration, puwedeng magbigay ang mga nanay ng inuming tubig, habang iniiwasan ang matatamis na inumin.

Para sa mga sanggol na pinasususo lamang, kailangang pasusuin ng ina ang kanyang baby nang mas madalas.

3. Banayad na i-tap ang likod ng baby

Kadalasan, hindi maganda sa pakiramdam ang baradong ilong ng baby. Upang makayanan ito, maaaring i-tap ng nanay ang likod ng baby.

Upang gawin ito, iposisyon ang iyong baby sa kanilang tiyan at banayad na i-tap ang kanilang likod. Nakatutulong din ang pamamaraang ito na maalis ang sipong naiipon sa kanilang dibdib o bumabara sa ilong.

4. I-adjust ang sleeping position ni Baby

Puwedeng gawing mas komportable ng nanay ang kanyang baby sa pamamagitan ng pagtataas ng ulo ng baby. Ang pagtataas ng posisyon ng ulo ng baby ay makatutulong upang makahinga ito nang mas madali. Dagdag pa, iniiwan din ng posisyon na ito na manatili ang sipon sa ilong. 

5. Buksan ang humidifier

Isa pang paraan upang harapin ang baradong ilong ng baby ay sa paggamit ng air humidifier. Pinapanatili nitong warm at moist ang hangin sa kuwarto upang hindi tumigas ang sipon sa ilong.

Kung hindi gumana ang paggamit ng humidifier, puwede ka ring gumamit ng nebulizer na may nagagawa para sa baradong ilong ng baby.

6. Ilayo ang bata sa usok ng sigarilyo

Mapalalala ng usok ng sigarilyo ang baradong ilong ng baby. Ito ay dahil kayang makapagpasimula ng pamamaga ng nasal tissue at magparami ng produksyon ng sipon ang usok ng sigarilyo.

Hindi dapat naninigarilyo ang mga magulang sa bahay o sa alinmang silid kung saan naroon ang mga bata.

7. Bigyan ang bata ng mainit na sabaw

Upang makayanan ng bata ang pagbabara ng ilong, puwedeng magbigay ang mga nanay ng mainit-init na sabaw na may garlic seasoning.

Batay sa pananaliksik mula sa Journal of Clinical Nutrition, tinutulungan ng compound allicin sa bawang ang immune system, habang pinabibilis ng vitamin C ang paggaling nito.

Ang pagbibigay ng ina ng mainit-init na sabaw ay paraan upang makaginhawa sa baradong ilong ng baby, nang hindi na kailangang magpadoktor. Gayunpaman, kung hindi gaganda ang mga sintomas nito, huwag magdalawang isip na dalhin ang inyong anak sa doktor.

8. Gumamit ng salin nasal spray o drops

Ang salin solution (asin na hinalo sa tubig na ginagamit bilang nasal spray o drops) ay isang simple at ligtas na paraan upang mawala ang pagbabara ng ilong baby, toddlers, at mga bata. Gumagana ito sa pamamagitan ng pagbawas sa produksyon ng sipon at pinalalambot ang bumarang sipon sa ilong.

Upang maging komportable ang iyong baby, gamitin ang gamot na ito habang nakahiga ang iyong anak. Kasunod, iangat nang kaunti ang ulo ng baby at i-spray o lagyan ng gamot sa butas ng ilong ng baby nang dalawa hanggang tatlong beses.

Dagdag pa sa saline spray, puwede ring gamitin ang saline sa anyo ng drops, upang bawasan at palambutin ang sipon at nang makaginhawa sa baradong ilong ng baby. 

Para sa nasal drops, pahigain ang baby saka iangat ang ulo. Lagyan ng gamot na ito ang butas ng ilong ng baby dalawa hanggang tatlong beses at maghintay ng 60 segundo.

Kadalasan, matapos maglagay ng spray o drops, babahing ang baby o uubo at lalabas ang sipon.

9. Matanggal ang pagbabara ng ilong ng baby gamit ang bulb syringe

Puwede kang gumamit ng bulb syringe kung hindi lumalabas ang sipon matapos gumamit ng drops o spray. Akma ang paraang ito sa pagharap sa baradong ilong ng baby na nasa 6 na buwang gulang pababa.

Matapos gumamit ng nasal drops, puwedeng tanggalin ng nanay ang sipon ng baby sa pamamagitan ng suction mula sa bulb syringe. 

Upang gamitin ang bulb syringe, kailangan munang pisilin ng nanay ang bulbous part ng syringe. Saka niya ipasok ang makipot na suction tip sa butas ng ilong ng baby saka niya bitawan ang bulb. Sa ganitong paraan, anumang kulangot o sipon ay masisipsip ng syringe at mawawala ang pagbabara ng ilong ng baby.

Baradong ilong ng baby at gamutan

May ilang mga magulang na nais bigyan ang kanilang anak ng gamot tulad ng decongestants o antihistamines upang gamutin ang baradong ilong ng baby. Gayunpaman, Mas mainam kung hindi mamadaliin ng mga nanay ang pagbibigay ng ganitong mga gamot maliban kung sinabi na ng doktor.

Isa pang alternatibong oral medication ay ang pagbibigay ng nasal drop o spray na may 0.25 mg ng oxymetazoline. Ayon sa page ng US National Library of Medicine, pinapawi ng oxymetazoline ang baradong ilong na dulot ng acute rhinitis, sinus, at allergic conditions. 

Dagdag pa sa nasal drops, ang oxymetazoline ay puwede ring makuha sa anyo ng spray. Palaging sumunod sa instruction sa paggamit ng gamot na nakalagay sa label ng packaging.

Matuto pa tungkol sa kalusugan ng bata dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Stuffy or runny nose – children, https://medlineplus.gov/ency/article/003051.htm, Accessed December 20, 2021

How To Help Your Baby or Toddler Clear Their Stuffy Nose, https://health.clevelandclinic.org/how-to-help-your-baby-or-toddler-clear-a-stuffy-nose/, Accessed December 20, 2021

Nasal congestion: How to clear your baby’s dry, stuffy nose, https://www.aboutkidshealth.ca/congestedbaby, Accessed December 20, 2021

What Kind of Stuff Clears Up a Stuffy Nose? https://www.nationwidechildrens.org/family-resources-education/700childrens/2015/12/what-kind-of-stuff-clears-up-a-stuffy-nose, Accessed December 20, 2021

Kasalukuyang Version

05/25/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mga Sanhi Ng Lagnat At Iba Pang Posibleng Mga Kondisyon

Ano ang Sanhi ng Sipon sa Bata at Kailan Ito Dapat Ipag-alala ng Magulang?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement