backup og meta

Mga Palatandaan at Sintomas ng Botulism sa Sanggol

Mga Palatandaan at Sintomas ng Botulism sa Sanggol

Ang botulism sa sanggol ay karaniwang nangyayari sa mga sanggol, partikular sa mga mas bata sa 6 na buwan. Ayon sa mga ulat, ang pinakabatang kaso ay 2 linggo pa lamang at ang pinakamatanda ay 12 buwan. Ang infant botulism ay sakit na dulot ng ingestion o paglunok ng Clostridium botulinum bacterial spores. Narito ang kailangan mong malaman tungkol sa mga palatandaan at sintomas ng botulism sa sanggol kasama ang paggamot at pag-iwas nito. 

Paano nagkakaroon ng baby botulism ang mga sanggol

Ang C. botulinum ay isang spore-forming bacteria. Ang kakayahang bumuo ng spores ay nangangahulugan na kaya ng bacteria ang pisikal at kemikal na mga pag-atake. At ang non-spore-forming bacteria ay karaniwang hindi maaaring mabuhay.

Tandaan na ang C botulinum bacteria ay karaniwang nabubuhay sa lupa, at kung minsan, nakakahanap sila ng daan sa alikabok pati na rin sa mga ibabaw tulad ng carpet at sahig. Ang ilang mga pagkain, tulad ng honey at corn syrup, ay naglalaman din ng parehong bacteria.

Karaniwang hindi ito nakakapinsala sa mas matatandang mga bata at adults. Ito ay dahil ang kanilang digestive system ay matured na upang makayanan ang lason bago ito magdulot ng anumang pinsala. Ngunit kapag nakuha ng sanggol ang spores, maaaring lumaki at dumami ang bacteria sa kanilang bituka. At maglabas ng lason na nagiging sanhi ng mga sintomas ng botulism sa sanggol.     

Mga palatandaan at sintomas ng botulism sa sanggol

Sa simula ang lason ay nagdudulot ng constipation sa halos 90% ng mga pasyente. Pagkatapos, ang mga sumusunod na palatandaan at sintomas ay maaaring mangyari:

  • “Floppy,” ibig sabihin ang iyong sanggol ay maaaring malambot kapag hinawakan mo na para bang rag doll
  • Ptosis, kung saan bumabagsak ang kanilang mga talukap o mukhang bahagyang nakasara
  • Sluggish pupil
  • Walang ekspresyon
  • Pagkawala ng kontrol sa ulo
  • Paralisis na kumakalat pababa
  • Paghinga na humihinto o bumabagal; ito ay maaaring mauwi sa respiratory failure
  • Mahinang iyak
  • Sobrang pagod
  • Hindi magandang pagkain
  • Kawalan ng gagging

Ang mga komplikadong kaso ay maaaring magresulta sa kapansanan o kamatayan. Ngunit kapag na-detect nang maaga, kadalasang ganap na gumagaling ang sanggol. Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga na makita ang mga palatandaan ng botulism ng sanggol sa lalong madaling panahon.

Diagnosis

Ang diagnosis ay karaniwang umiikot sa pagkumpirma ng mga palatandaan at sintomas ng botulism sa sanggol. Gayunpaman, dahil ang clinical manifestations ay maaaring makalito sa iba pang mga kondisyon, tulad ng hypothyroidism, congenital muscular dystrophy, sepsis, at benign congenital hypotonia, ang doktor ay malamang na humingi ng pagsusuri ng dumi.

Ang pagtuklas sa lason o bacteria sa dumi ay nagpapatibay ng diagnosis. Pero dahil ang resulta ay maaaring tumagal ng ilang oras, ang doktor ay karaniwang nagsisimula ng treatment sa sandaling may hinala. Ang paghihintay ay maaaring mapanganib.

Paggamot para sa botulism sa sanggol 

Ang mga sanggol na may mga palatandaan at sintomas ng botulism sa sanggol ay kailangan ng ospital at intensive care unit. Maaaring kailanganin din nila ang mechanical ventilation para sa kanilang kahirapan sa paghinga.

Gumagamit ang mga doktor ng antitoxin na tinatawag na human botulism immunoglobulin intravenous (BIGIV) upang gamutin ang botulism ng sanggol. Ayon sa mga report, ang mga sanggol na agad nakatanggap ng BIGIV ay may mas maikling pamamalagi sa ospital at mas mabilis na paggaling.  

Bagama’t ang pathogen ay isang bacteria, sinasabi ng mga eksperto na ang antibiotic therapy ay tila hindi nakakatulong sa sanggol na mapabuti ang kanilang kondisyon. Ang doktor ay maaari pa ring magreseta sa kanila, kung ang bata ay magkaroon ng isa pang impeksyon, tulad ng pulmonya.

Panghuli, dahil ang mahinang pagsuso at feeding ay mga palatandaan at sintomas ng botulism sa sanggol, maaaring kailangan din niya ng tube feedings.

Pag-iwas

Para maiwasan ang botulism sa sanggol, dapat tiyakin ng mga magulang at tagapag-alaga na ang kanilang sanggol ay hindi nalantad sa C. botulinum bacteria. Makatutulong na ilayo sila sa lupa. At syempre, huwag silang bigyan ng honey at corn syrup hanggang matapos ang kanilang unang kaarawan.

Key Takeaways

Ang infant botulism ay sanhi ng spore-forming bacteria na tinatawag na Clostridium botulinum, na makikita sa lupa at ilang pagkain. Constipation at neuromuscular weakness at paralysis ang mga senyales at sintomas ng botulism sa sanggol. Madalas na nangangailangan ng human botulism immunoglobulin intravenous (BIGIV) ang treatment nito. Kung mas maagang magamot ang bata, mas mabilis siyang makaka-recover.

Matuto pa tungkol sa Pag-aalaga ng sanggol dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Infant botulism, https://medlineplus.gov/ency/article/001384.htm, Accessed July 7, 2021

Infant Botulism: Information for Clinicians, https://www.cdc.gov/botulism/infant-botulism.html#:~:text=Infant%20botulism%20is%20an%20intestinal,intestine%2C%20and%20produce%20botulinum%20neurotoxin., Accessed July 7, 2021

Infant Botulism, https://kidshealth.org/en/parents/botulism.html, Accessed July 7, 2021

How can I protect my baby from infant botulism?, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/expert-answers/infant-botulism/faq-20058477, Accessed July 7, 2021

Infant Botulism, https://www.msdmanuals.com/professional/infectious-diseases/anaerobic-bacteria/infant-botulism, Accessed July 7, 2021

Kasalukuyang Version

12/22/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Gaano Katagal ang Incubation Period ng Rabies? Alamin Dito

6 na Paraan Para Magamot ang Shingles Sa Bahay


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement