backup og meta

Kilalanin: Uri ng Lamok na Nagdudulot ng Dengue At Malaria

Kilalanin: Uri ng Lamok na Nagdudulot ng Dengue At Malaria

Ano ang mga uri ng lamok na nagdudulot ng dengue? Malamang alam na ng lahat na ang dengue ay sanhi ng mga lamok na nagdudulot ng sakit sa tao. Pero marami pa rin ang hindi alam kung paano kilalanin ang pangkaniwang lamok at lamok na may dalang dengue fever, at kung bakit sila ay may kakayahang magkalat ng sakit.   

Dahilan ng Dengue Fever

Ang dengue fever ay sanhi ng isang virus, ngunit ang virus na sanhi ng sakit na ito ay hindi natural na kumakalat sa mga tao. Ang mga lamok ang pangunahing vector ng paghahatid ng sakit na Dengue. Kabilang sa preventive measures, ang pinakamabisang paraan ay ang pag-iwas sa kagat ng lamok at pagtataboy ng lamok. Importanteng malaman na maalis ang disease carrier na ito, kailangang maunawaan ang mga katangian ng parehong species ng lamok. At pati na rin kung paano ito makilala mula sa iba pang mga uri ng lamok.

Uri ng Lamok

Dengue fever at uri ng lamok na nagdudulot nito

Ang dengue fever ay nasa listahan ng mga karaniwan at mapanganib na sakit. Dahil ito sa mataas na panganib ng paglaganap, at walang partikular na gamot o bakuna. Ito ay isang sakit na sanhi ng dengue virus, partikular na ang virus na ito ay may 4 na magkakaibang serotype: DEN-1, DEN-2, DEN-3, DEN-4. Maraming tao ang nagkakamali sa paniniwala na kung nagkaroon na sila ng sakit na ito noon at napagaling ito, hindi na sila muling magkakaroon nito. Sa katunayan, kapag nahawahan sa unang pagkakataon, ang tao ay nasa 3 beses na mas mataas na panganib na magkasakit mula sa natitirang mga strain ng virus.  

Kahit sino ay pwedeng magkaroon ng dengue fever, pero ang pinakanakababahala ay ang mga bata dahil sa kanilang higit na mahinang resistensya. Ayon sa istatistika, ang mga bata sa pagitan ng edad na 4 at 9 ay malamang na magkaroon ng sakit. Para sa mga sanggol na wala pang 1 taong gulang, kung nahawahan, ito ay lubhang banta sa buhay.

Mga katangian na nagpapakilala sa mga lamok na nagdudulot ng dengue fever sa iba pang uri ng lamok

Maliban sa lamok na nagdudulot ng dengue fever, mayroon ding isa pang uri ng lamok na medyo karaniwan, ito ay ang anopheles mosquito na nagdudulot ng malaria. Maaari mong makilala kung ang anopheles mosquitoes ay iba sa mga pangkaraniwan na lamok at midges sa pamamagitan ng mga sumusunod na palatandaan.

Anopheles mosquitoes

Kung ang lamok ang sanhi ng dengue fever, ang anopheles mosquito naman ay nagdadala ng parasite. Ito ay nagdudulot ng malaria, na parehong mapanganib.

Ang adult anopheles mosquitoes ay kadalasang dark brown at itim, ang katawan ay nahahati sa tatlong bahagi: ulo, thorax at tiyan. Hindi tulad ng ibang lamok, kapag hindi gumagalaw, ang tiyan ay nakaharap sa itaas, hindi pababa. Ang haba ng katawan ng lamok ay katumbas ng haba ng proboscis, sa mga pakpak ay may itim at puting kaliskis.  

Karaniwang dumarami sa mga lugar ng tubig-tabang ang malaria mosquito na ito. Ang mga itlog ng lamok ay nabubuhay sa malamig na temperatura. Ang mga babaeng lamok ay nagmi-mate ng maraming beses sa kanilang life cycle, kahit na nabubuhay lamang sila ng ilang linggo hanggang isang buwan, kumakain sila ng dugo upang madagdagan ang mga sustansya para sa mga itlog.

Aktibo mula sunset hanggang sunrise ang anopheles na mga lamok. Karaniwan silang nasa bahay ng ilang oras pagkatapos makagat ng mga tao. Pagkatapos nito, naninirahan sila sa bushes at mga siwang. 

Mga Lamok

Ang uri ng lamok na may dalang dengue fever ay aedes aegypti. Dahil wala tayong masyadong alam sa mga eksaktong katangian ng buhay at aktibidad ng lamok, ang pag-iwas sa dengue sa bahay ay hindi pa rin palaging madali. 

Upang matukoy ang ganitong uri ng lamok na dengue, suriin kung ito ay itim na may mga puting batik sa katawan at binti. Ang mga babaeng lamok nito ay kakagatin ang mga tao at sila ay aktibo sa araw, lalo na sa madaling araw at dapit-hapon. Ang kanilang tirahan ay mga madilim na lugar tulad ng mga sulok ng bahay, sa singit ng mga damit at kumot.

Dumarami ang mga lamok sa mga pond, puddles, o mga lalagyan ng tubig sa paligid ng bahay tulad ng mga tangke ng tubig, garapon, jwells, flower vase, o kahit sa mga gamit sa bahay. Nakakapag taka man ay nabubuhay sila sa malinis at stagnant na naipong tubig.

Ang mga itlog ng lamok ay mapipisa kapag nasa tubig. Ang mga itlog ng lamok ay maaaring mabuhay sa mga tuyong kondisyon sa loob ng ilang buwan. Sa kanyang life cycle, ang mga babaeng lamok ay maaaring mangitlog ng hanggang 5 beses, bawat oras ay hanggang dose-dosenang mga itlog.

Paano naililipat ng lamok ang dengue fever?

Nagsisimula ang pagkalat pagkatapos na sipsipin ng babaeng lamok na aedes aegypti ang dugo ng taong infected ng dengue fever at nagdadala ng sakit. Ang incubation period ng lamok ay 10-12 araw. Ito ang oras para dumami ang virus at lumipat sa salivary glands ng lamok. Pagkatapos, ipinapadala ng lamok ang sakit sa isang malusog na tao sa pamamagitan ng susunod nitong pag kagat.  

Gaano katagal bago maging dengue fever ang kagat ng lamok?

Ang taong nahawahan ay siya ring source ng virus sa ibang mga lamok. Lalo na kapag ang lamok ay madalas na nagbabago ng host. Ito ay may panganib na maipasa ang virus sa mas maraming tao. Ito rin ang dahilan kung bakit naging malaking epidemya ang sakit.

Ang dengue fever ay isang medyo mapanganib na sakit na maaaring magdulot ng maraming seryosong komplikasyon. Ito ay kung hindi matukoy at magagamot ng maayos. Gayunpaman, ang sakit na ito ay ganap na maiiwasan. Lalo na kung tayo ay magsasagawa ng mabisang hakbang laban sa mga lamok na nagdudulot ng dengue fever.

Sana, sa pamamagitan ng artikulong ito, nakakuha ka ng kaunting kaalaman tungkol sa pagkilala sa iba’t ibang uri ng lamok.

Matuto pa tungkol sa Mga Nakakahawang Sakit sa Mga Bata dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Prevent mosquito and tick bites, https://healthfinder.gov/healthtopics/category/parenting/safety/prevent-mosquito-and-tick-bites, Accessed Aug 5, 2022

Mosquito bites, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/mosquito-bites/symptoms-causes/syc-20375310, Accessed Aug 5, 2022

Mosquitoes carry viruses and parasites that can cause severe illness, https://newsnetwork.mayoclinic.org/discussion/world-mosquito-day-mosquitoes-carry-viruses-and-parasites-that-can-cause-severe-illness/, Accessed Aug 5, 2022

Mosquitoes risks, https://www.ehs.harvard.edu/sites/default/files/mosquitoes_and_mosquito_borne_risks.pdf, Accessed Aug 5, 2022

Infection in Malaria Transmitting Mosquito Discovered, https://www.hsph.harvard.edu/news/press-releases/infection-in-malaria-transmitting-mosquito-discovered/, Accessed Aug 5, 2022

Kasalukuyang Version

03/09/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Gaano Katagal ang Incubation Period ng Rabies? Alamin Dito

6 na Paraan Para Magamot ang Shingles Sa Bahay


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement