backup og meta

Ano Ang Roseola? Alamin Dito Ang Sanhi, Sintomas, At Gamot

Ano Ang Roseola? Alamin Dito Ang Sanhi, Sintomas, At Gamot

Karaniwang viral infection ang roseola infection na nagreresulta ng lagnat at rahes sa mga bata. Ito ay nangyayari sa mga bata mula sa edad na 6 na buwan hanggang 2 taon. Minsan, nangyayari rin ito sa mga matanda. Ano ang roseola? Matuto tungkol sa kondisyon na ito, at ang uri ng paggamot ng roseola infantum.

Senyales At Sintomas

Karamihan ng mga bata ay nagkakaroon ng roseola infantum matapos ang 5 hanggang 15 araw na exposure sa virus. Ito ay labis na nakahahawa at mabilis na kumalat.

Simula na magkaroon ng contact ang isang tao na may roseola, maaaring maranasan na ang mga sintomas. Ito ay medyo kapareho ng flu at sintomas ng lagnat. Narito ang ilang kapansin-pansin:

Ang itsura ng sintomas ay nakadepende sa bawat tao. Minsan, maaaring magkaroon ng lagnat ang bata nang walang rashes. Karagdagan, wala sa mga sintomas ang sobrang nakasasama. Gayunpaman, kung naniniwala ka na nakararanas ang anak mo ng seizure, mainam na humingi agad ng medikal na tulong.

Ano Ang Roseola: Mga Sanhi

Ang roseola infantum ay nakahahawang sakit. Kumakalat ang infection kung ang bata na mayroong roseola ay nagsalita, umubo, o bumahing sa pampublikong lugar. Nagiging sanhi nito ang maliliit na droplets sa hangin at lupa sa mga flat surfaces. Kung ang ibang bata ay nahawakan o nagkaroon ng contact sa droplets na ito, maaaring makuha nila ang infection. 

Ang pinaka karaniwang sanhi ng roseola sa tao ay ang herpesvirus type 6. Maaari din itong mula sa iba pang miyembro ng herpes, type 7. Kahit na mula sa pangkat ng herpes, ang roseola ay hindi nagiging dahilan ng pagkakaroon ng herpes.

Dahil ito ay nakahahawang virus, madaling kumalat ang roseola mula sa isang tao patungong isa pang tao. Kahit na anong uri ng contact sa droplets mula sa infected na tao ay maaaring magresulta sa pagkakaroon ng virus. Gayunpaman, ang infected na tao ay makahahawa lamang habang nilalagnat. Kung lumabas na ang rashes, hindi na sila makahahawa.

Nangyayari ang infections at pagkalat ng virus sa kahit na anong panahon sa buong taon. Bagaman nakahahawa, hindi ito nagiging sanhi ng outbreaks tulad ng bulutong.

Paggamot Ng Roseola Infantum: Paano Ito Natutukoy?

Dahil ang mga unang senyales at sintomas ng roseola ay tulad sa ibang mga sakit, maaaring mahirap itong ma-diagnose. Ang lagnat, ubo o rashes ay maaaring maging indikasyon ng iba’t ibang sakit sa bata.

Kung sinususpetyahan ang bata ng pagkakaroon ng roseola, magsisimula ang doktor ng diagnosis sa pamamagitan ng pagrebyu ng medikal history ng bata. Makukumpirma ang roseola kung ang lagnat ay bumaba at lumabas na ang rashes. Minsan, isinasagawa ng mga doktor ang blood test upang matingnan ang antibodies ng roseola.

Matapos lumabas ang rashes, magsasagawa ang mga doktor ng ibang mga test upang makita kung ang lagnat ay hindi sanhi ng iba pang infection o karamdaman.

Paggamot Ng Roseola Infantum

Kahit na ito ay nakahahawa, ang roseola ay kalimitan na mild at hindi kinakailangan na dalhin sa ospital. Kahit na anong paggamot, ang kinakailangan ay mas nakatuon sa pagpapababa ng lagnat o pag-manage ng seizure.

Karamihan ng mga bata ay mabilis na nagre-recover mula sa roseola, matapos ang isang linggo o matapos na magkaroon ng mataas na lagnat. Ang gamot lamang na maaaring ireseta ng doktor ay ang mga over-the-counter na gamot tulad ng ibuprofen at acetaminophen.

Key Takeaways

Ano ang roseola? Ang sanhi ng roseola infantum ay mula sa human herpesvirus type 5, at sa ibang pagkakataon type 7. Gayunpaman, hindi ito nagreresulta ng sintomas ng herpes, tulad ng cold sores. Ang roseola infantum ay karaniwan na nakikita bilang porma ng tigdas sa mga bata.
Ang paggamot sa roseola infantum ay nakatuon sa pagpapababa ng lagnat o pag-manage ng seizures. Gayunpaman, ang katawan ay natural na magre-recover mula sa pagkakaroon nito.

Matuto pa tungkol sa Nakaahahawang Sakit sa mga Bata dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Roseola, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/roseola/diagnosis-treatment/drc-20377289, Accessed July 14, 2021

Roseola, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15785-roseola-infantumsixth-disease, Accessed July 14, 2021

Roseola infantum, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/roseola-infantum, Accessed July 14, 2021

Roseola Infantum, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK448190/, Accessed July 14, 2021

Roseola, https://kidshealth.org/en/parents/roseola.html, Accessed July 14, 2021

Kasalukuyang Version

05/27/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Gaano Katagal ang Incubation Period ng Rabies? Alamin Dito

6 na Paraan Para Magamot ang Shingles Sa Bahay


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement