Ang suffocation ay ang pakiramdam ng pagkawala ng hininga dahil sa iba’t ibang dahilan. Kung natakpan ng isang bagay ang bibig o ilong ng sanggol, siya ay hindi makakahinga at ito ay hahantong sa suffocation. Ipinakita ng mga pag-aaral na ang malambot na bedding at plastik ay dalawa sa mga pangunahing dahilan ng suffocation ng sanggol. Isang porsyento ng mga pagkamatay dahil sa sudden infant death syndrome (SIDS) sa mga nakalipas na taon, ay pinaniniwalaang naganap dahil sa pagka-suffocate ng sanggol sa malambot na bedding.
Ang mga sanggol at maliliit na bata ay talagang curious. At malamang na hindi lamang nilalaro ang kanilang mga laruan ngunit inilalagay din o sa kanilang bibig o napupunta sa kanila at nasasaktan nang hindi sinasadya.
Ang mga paslit ay may maliliit na daanan ng hangin na madaling maharangan, na nagreresulta sa suffocation ng sanggol. At ang kanilang mga reflexes ay hindi pa ganap na buo at malakas. Hindi nila kayang harapin ang suffocation o pangalagaan ang kanilang sarili.
Ano ang mga sanhi ng suffocation ng sanggol?
Mayroong iba’t ibang mga kadahilanan sa paligid ng sanggol na maaaring maging panganib na siya ay mabulunan at ma-suffocate.
Pagkain
- Kapag ang sanggol mo ay wala pang tatlong taong gulang, ang buong hanay ng mga ngipin niya ay hindi pa nabubuo at hindi pa nakakanguya ng maayos. Ito ay maaaring maging sanhi na siya ay mabulunan sa kanyang pagkain. Kaya naman, ang ilang mga buong pagkain ay maaaring magdulot ng suffocation kapay ito ay bumara sa kanilang breathing tubes. Mga pagkain tulad ng mani, ubas, hilaw na carrot, piraso ng tsokolate, mansanas, corn chips at marami pa.
- Siguraduhin na ang iyong anak ay tahimik na nakaupo habang kumakain o umiinom upang maiwasan ang suffocation ng sanggol dahil sa choking.
- Pirasuhin ang matitigas at malalaking pagkain sa maliliit na piraso o gawin itong semi-liquid paste bago pakainin ang iyong sanggol.
Maliit na mga Bagay
- Anumang maliit na bagay ay maaaring humantong sa suffocation sa mga batang wala pang tatlong taong gulang.
- Ang mga bagay tulad ng mga karayom, butones, safety pin, magnet, barya ay dapat na nasa safe distance at malayo sa maabot ng mga sanggol at maliliit na bata dahil may posibilidad na ilagay nila ang lahat sa kanilang bibig, na humahantong sa suffocation ng sanggol o choking.
- Anumang produkto na may mga baterya tulad ng games at remote ng telebisyon ay dapat na naka-lock nang maayos.
Toys at Games
- Ang hindi pagpili ng mga laruan at laro na angkop sa edad ay maaaring humantong sa masamang resulta.
- Ang mga bata, lalo na ang mga wala pang tatlong taong gulang ay dapat na maglaro ng mga laruan na inirerekomenda o may label na ‘0-3’ na taon at dapat na mas malaki ang sukat upang walang mga pagkakataong lunukin ang mga ito.
- Kapag nasa labas, ang bata ay kailangang bantayan ng isang adult, lalo na kapag naglalaro ng rope swings.
Plastic
- Una, ang plastic ay delikado at nagdudulot ng suffocation sa buong ecosystem at hindi lang sa mga bata at sanggol.
- Palaging itali ng isang malaking buhol ang plastic bag bago ito itapon upang hindi ito malunok ng bata.
- Alisin ang plastic covers sa mga kutson at dapat agad itong itapon.
Kurtina at Blinds
- Ang nakalawit na curtain cords ay maaaring delikado para sa iyong sanggol na masakal at mabigti.
- Ang tali ng kurtina ay dapat na hindi maabot ng mga bata.
Mga Unan at Kumot
- Hindi dapat patulugin ang sanggol sa adult bed.
- Ang bata ay hindi dapat may mga unan, kubrekama, kumot, at mga stuff toy habang natutulog. Isa rin silang sanhi ng pagka-suffocate dahil maaari silang makagambala sa kanilang paghinga.
Mga Pag-iwas sa Suffocation ng Sanggol
- Patulugin ang bata sa isang firm mattress.
- Hayaan na nakatihaya siya sa pagtulog.
- Maaaring mahirap kapag may maliit na bata ngunit panatilihing napaka-organisado ang mga space at ang mga bagay ay nasa lugar. Mas maliit ang tyansa ng suffocation kung walang mahahawakang bagay ang bata na delikado para sa kanya.
- Laging siyang bantayan kapag naglalaro. Lalo na ang mga batang wala pang tatlong taong gulang. Ang mga sanggol ay pinaka-vulnerable sa suffocation, mabulunan, at paghinga dahil sa kanilang kasabikan na mag-explore.
- Kapag naglalaro sila, na nangangailangan silang magtago sa mga lugar tulad ng wardrobe o anumang iba pang masikip na lugar, tiyaking hindi sila ma-suffocate.
Treatment para sa Suffocation sa Toddlers at mga Bata
Ang mga sumusunod na first aid ay bagay na dapat alam ng mga magulang. Tandaan na ito ay para lamang sa toddlers at mas matatandang bata.
- Kung ang iyong anak ay nakakaramdam ng pagka-suffocate o nasasakal na hindi mo makontrol, tawagan kaagad ang doktor.
- Subukang yakapin sa baywang ng bata habang nakatayo sa likod ng bata.
- Gamit ang iyong kanang kamay, gumawa ng kamao gamit ang iyong hinlalaki na nakatupi sa gilid ng kamao. Ilagay ang iyong kamao sa ibaba lamang ng dibdib ng bata at bahagyang nasa itaas ng pusod at hawakan ang kamao gamit ang kabilang kamay.
- Itulak pataas sa pamamagitan ng pagpindot sa tiyan gamit ang iyong kamao. Ulitin ang paloob at pataas na pagtulak. Hanggang sa lumabas ang nakaipit na piraso ng pagkain o bagay sa bibig ng bata, at mapaginhawa mula sa suffocation.
- Kapag lumabas na ang bagay, isugod ang bata sa doktor upang makita kung may mga piraso pa na natitira sa loob o kung maayos na ang kalagayan ng bata.
Mga Dapat Gawin
Para sa suffocation ng sanggol, narito ang maaari mong gawin bilang pang-emergency na pangunang lunas o habang naghihintay ka para sa emergency services:
- Gamit ang iyong bisig, idapa ang sanggol face down, suportahan ang kanilang panga at ulo gamit ang iyong kamay.
- Gamit ang heel ng iyong kamay, tampalin ang likod sa pagitan ng kanilang mga shoulder blades.
- Kung hindi sapat ang limang sampal sa likod upang maalis ang bagay, itihaya ang sanggol para siya ay nakahiga.
- Gamit ang dalawang daliri, bigyan siya ng limang pag-tulak sa dibdib, itinulak pababa nang dahan-dahan ngunit matatag sa gitna ng kanyang dibdib (sa breastbone, sa pagitan ng mga utong).
- Ulitin ang proseso, parehong tampal sa likod at dibdib, hanggang sa makahinga siya ng maluwag o umiyak nang malakas o hanggang sa tumigil sila sa pag-respond.
- Huwag mag-atubiling tumawag sa emergency help kung kinakailangan. Ang mabilis na pagkilos ay mahalaga sa pagsasagawa ng tamang first aid.
Key Takeaway
Ang mga paslit ay palaging masigasig at masigla. Sila ay madaling ma-suffocate at mabulunan kaysa sa mga adult. Siguraduhing lagi silang bantayan maging habang naglalaro upang makaiwas sa suffocation ng sanggol at masiguro na sila ay palaging ligtas.
Matuto pa tungkol sa kalusugan at kaligtasan ng bata, dito.
[embed-health-tool-bmi]