Mas madalas mangyari ang sleepwalking sa matatanda, ngunit hindi lang sa kanila ito nangyayari. Ang mga batang nag-sleepwalking, tulad sa matatanda, ay kadalasang tumatayo sa gitna ng gabi nang walang kontrol sa kanilang ginagawa. Madalas itong nakikita sa mga batang nasa edad apat hanggang walong taong gulang. Karamihan sa mga bata ay lumalaking may ganito. Sa ilang mga kaso, maaaring maging mapanganib ang sleepwalking ng bata. Pwede silang masaktan nang hindi sinasadya dahil hindi nila nakokontrol ang kanilang sarili.
Ano ang mga sanhi ng sleepwalking ng bata?
Kabilang sa mga pangunahing dahilan ng sleepwalking ng bata ang:
- Kakulangan sa tulog o fatigue
- Hindi regular na gawi sa pagtulog
- Anxiety
- Hindi pamilyar sa lugar kung saan natutulog
- Lagnat at iba pang karamdaman
- Ilang gamot tulad ng sedatives, stimulants, at antihistamines
- Genetic factors
Ang sleepwalking ng bata ay maaaring babalang sintomas ng underlying health conditions, tulad ng:
- Sleep apnea
- Dramatikong panaginip sa malalim na pagtulog
- Pinsala sa ulo
- Migraines
- Restless leg syndrome (RLS)
Mga sintomas ng sleepwalking ng bata
Pinakakaraniwang senyales ng sleepwalking ng bata ang paglalakad nang hindi nila namamalayan. Gayunpaman, may iba pang mga sintomas na maiuugnay sa kondisyong ito:
- Paulit-ulit na galaw habang nakaupo sa kama
- Bumubulong o nagsasalita habang natutulog
- Hindi sapat ang pagtugon sa paligid
- Gumagawa ng mga simpleng gawain sa bahay, tulad ng paglilinis ng mesa, at pagbibihis
- Naglalakad-lakad sa hadgan at pintuan
- Dumadampot ng matatalas ng bagay habang nag-sleepwalking
- Hindi maingat sa ikinikilos
- Umiihi sa hindi dapat ihian
Gaya ng mga nabanggit sa itaas, may ibang hindi nakapipinsala gaya ng hindi maingat sa ikinikilos at pagbulong-bulong habang natutulog. Mayroon namang hindi tamang ginagawa gaya ng pag-ihi sa kung saan-saan imbis na sa palikuran. Gayunpaman, hindi ito makasasama sa iyong anak o sa sinuman sa bahay. Ang posibleng makapagdulot ng kapahamakan sa iyong anak ay ang paglalakad sa hagdan at pagdampot ng matatalas na bagay.
Maiiwasan mo ang mga panganib na makadampot sila ng matatalas na bagay sa pamamagitan ng pagtatago nito. Maaaring mahirap pigilan ang kanilang paglalakad sa hadgan o ang matatalas na bagay sa bahay. Kaya naman, mahalagang gamutin ang iyong anak kesa ipagsawalang bahala ang sleepwalking bilang isang harmless medical condition.
Paano nada-diagnose ang sleepwalking ng bata?
Madalas, nada-diagnose ng doktor ang sleepwalking ng bata batay sa kung paano nailarawan ng magulang na kasama ng bata ang mga sintomas nito. Kadalasan, hindi ito nangangailangan ng gamutan. Gayunpaman, dapat na makapagsagawa ng iba pang diagnostic examinations upang matukoy ang iba pang medikal na kondisyon.
Kung ang sleepwalking ng bata ay mula sa mga kondisyong tulad ng sleep apnea o night terrors, maaaring ipayo ng inyong doktor ang sleep study. Mananatili ng isang gabi ang iyong anak sa sleep lab. Magkakaibang electrodes ang ididikit sa magkakaibang bahagi ng katawan upang masukat ang bilis ng tibok ng puso, brain waves, bilis ng paghinga, muscle tension, galaw ng mata at binti, at level ng oxygen sa dugo. Maglalagay rin ng kamera sa sleep lab upang mabantayan ang mga ikinikilos at paggalaw habang natutulog ang bata.
Kung nagdudulot ng problema ang sleepwalking, maaaring magsagawa ang doktor ng technique na kung tawagin ay awakening. Ibig sabihin nito ay babantayan ang iyong anak ng ilang gabi upang malaman kung anong eksaktong mga oras nag-sleepwalk ang bata. Saka gigisingin ng doktor ang iyong anak 15 minuto bago ang inaasahang oras ng sleepwalking. Nire-reset nito ang sleep cycle ng bata at kinokontrol ang sleepwalking.
Kung inilalagay ng sleepwalking ang bata sa mapanganib na sitwasyon o nagiging sanhi ng sobrang pagkapagod, maaaring magreseta ng mga gamot tulad ng benzodiazepines o antidepressants.
Optimal treatment options
Huwag biglang gigisingin ang bata kapag sila ay nag-sleepwalking. Maaaring magpalala ito ng sitwasyon.
Narito ang ilan sa mga hakbang na pwedeng gawin ng mga magulang sa bahay upang mapanatiling ligtas ang kanilang mga anak:
- Tiyaking nakakandado ang lahat ng mga pinto at bintana sa gabi
- Alisin ang mga matatalas na bagay na pwede nilang makita
- Huwag silang patutulugin sa double deck na higaan
- Maglagay ng alarm sa mga pinto at bintana o maglagay ng kandado na hindi maaabot ng iyong anak
- Maglagay ng safety gates sa harap ng hagdan at pintuan
- Ibaba ang temperatura ng water heater
- Ilagay ang mga susi sa lugar na hindi nila maaabot
- Maaaring samahan ng mga magulang ang kanilang anak o matulog sa parehong kuwarto para mabantayan sila at matiyak ang kaligtasan.
Matuto pa tungkol sa iba pang isyu sa kalusugan ng bata dito.