backup og meta

Rickets sa Sanggol: Alamin Dito Ang Sanhi, Sintomas, at Kung Paano Gamutin

Rickets sa Sanggol: Alamin Dito Ang Sanhi, Sintomas, at Kung Paano Gamutin

 Rickets ang tawag sa isang sakit kung saan nagiging mahina at malambot ang mga buto ng bata. Maaari itong mangyari sa mga bata anumang edad, ngunit mas karaniwan ang rickets sa sanggol na nasa edad 6 hanggang 24 na buwan. Bihira ito sa mga bagong silang maliban kung mayroon silang genetic form na kondisyon.

Narito ang facts na dapat malaman tungkol sa rickets sa sanggol.

1. May malawak na sanhi at risk factor ang rickets

Maaaring magkaroon ng rickets ang mga sanggol na kulang sa vitamin D. Isang micronutrient na tumutulong sa pagsipsip ng calcium at phosphorus para malusog at malakas ang buto.

Maaari ding magkaroon ng rickets ang mga sanggol na may sapat na vitamin D sa kanilang katawan kung hindi nila magagamit nang maayos ang vitamin dahil sa mga natatagong kondisyon sa kalusugan, tulad ng celiac disease, cystic fibrosis, inflammatory bowel disease, at mga problema sa bato.

Sumusunod ang mga factor na nagpapataas ng panganib ng rickets sa sanggol:

  • Maitim na balat. Ang maitim na balat, nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng mas maraming melanin, at pinapababa nito ang kakayahan ng balat na gumawa ng vitamin D pagtapos mabilad sa sikat ng araw.
  • Premature birth
  • Ilang mga gamot, gaya ng antiretroviral at anti-seizure
  • Nakatira sa mga lugar kung saan mas kaunti ang sikat ng araw (northern latitude) o kakulangan sa pagbibilad sa sikat ng araw.
  • Kakulangan ng vitamin D ng ina sa pagbubuntis
  • Exclusive breastfeeding nang walang vitamin D supplementation
  • Kakulangan ng calcium sa diet. 

2. Humingi ng medikal na tulong sa sandaling mapansin ang mga senyales at sintomas ng rickets sa sanggol

Ayon sa mga ulat, kadalasang masungit o makulit ang mga sanggol na may rickets dahil nakararanas sila ng pananakit sa buto, partikular na sa mga braso, gulugod, pelvis, at binti.

Kabilang ang mga sumusunod sa iba pang mga senyales at sintomas:

  • Hindi maayos na paglaki na nagreresulta sa maliit na tangkad
  • Nahuli ang paggapang o paglalakad
  • Mga bali pagtapos ng maliit na trauma o aksidente sa pagkahulog
  • Late closure ng bumbunan
  • Late eruption ng ngipin dahil sa problema sa enamel
  • Pamamaga sa mga pulso, tuhod, at ankle dahil mas malaki kaysa sa karaniwan ang dulo ng mga buto.
  • Muscle cramp
  • Malambot na bungo, na maaaring makita bilang kakaiba ang hugis ng bungo

Panghuli, maraming sanggol na may rickets ang hindi normal ang hugis ng mga binti, tulad ng bow legs (sakang) o knock knees (pike). Gayunpaman, tandaan na maraming mga sanggol ang may bow legs ang tumutuwid sa kalaunan habang tumataba sila at lumalaki.

3. Sa treatment, posibleng maayos ang rickets sa sanggol

Layunin ng panggagamot ng rickets sa sanggol ang matugunan ang mga sintomas at maayos ang sanhi ng kondisyon.

Kabilang sa mga treatment strategy ang:

  • Pagbibigay ng vitamin D, calcium, o phosphorus. Nakatutulong ang strategy na ito na maalis ang karamihan sa mga senyales at sintomas ng rickets.
  • Diet modification at healthy sunlight exposure para matugunan ang pangangailangan sa vitamin D.
  • Vitamin D supplementation. Maaaring mangailangan ng mas mataas na dose o special form ng vitamin D ang mga sanggol na may problema sa absorption.
  • Positioning at bracing para maitama ang bone deformities. Posibleng kailangan ng operasyon ng mga mas komplikadong deformity.
  • Treatment para sa mga natatagong isyu sa kalusugan na nakadaragdag sa paglala ng rickets sa sanggol.

Mahalaga ang pagpapagamot sa lalong madaling panahon, dahil maaaring maging permanente ang ilang deformities kapag hindi agad mabigyan ng interbensyon.

Mga Paalala Tungkol sa Sun Exposure

Habang isang mabuting paraan ang pagbibilad sa sikat ng araw para magkaroon ng mas maraming vitamin D, tandaan na hindi pa dapat magkaroon ng sun exposure ang mga sanggol na wala pang 6 na buwang gulang.

Sa arawan, dapat magsuot ang iyong anak ng sunglasses at gumamit ng sunscreen lotion na inirekomenda ng doktor o cream upang maprotektahan ang kanilang balat. Gayundin, iwasan silang ilabas sa tanghali kapag masyado nang maliwanag ang araw. Sinasabi ng mga report na hindi gaanong nakasisira sa balat ang UV exposure. 

Key Takeaways

Maiiwasan ang sakit na rickets sa sanggol, lalo na kung walang natatagong isyu sa kalusugan.
Kabilang sa mga senyales at sintomas ang pagiging mainisin dahil sa masakit na buto, nahuli na paglalakad at paggapang, mahinang paglaki, malambot na bungo, at abnormal na hugis ng mga binti. Sa maraming kaso, makatutulong ang pagpapalit ng vitamin D, calcium, o phosphorus sa pagpapaalis ng karamihan sa mga senyales at sintomas nito.

Matuto pa tungkol sa Child Health dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Rickets, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/rickets/symptoms-causes/syc-20351943, Accessed July 8, 2021

Rickets, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/rickets#treatment, Accessed July 8, 2021

Rickets and osteomalacia, https://www.nhs.uk/conditions/rickets-and-osteomalacia, Accessed July 8, 2021

Rickets, https://kidshealth.org/en/parents/rickets.html, Accessed July 8, 2021

Rickets, https://www.rch.org.au/kidsinfo/fact_sheets/Rickets/, Accessed July 8, 2021

Rickets, https://medlineplus.gov/ency/article/000344.htm, Accessed July 8, 2021

Sun Safety for Children and Babies, https://www.ucsfbenioffchildrens.org/education/sun-safety-for-children-and-babies, Accessed July 8, 2021

Morning UV exposure may be less damaging to the skin, https://www.sciencedaily.com/releases/2011/10/111024153359.htm, Accessed July 8, 2021

Kasalukuyang Version

05/27/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Maiwasan ang Shaken Baby Syndrome

Alamin ang Komplikasyon ng Kawasaki Disease


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement