backup og meta

Ligtas Ba Ang Cellphone Sa Bata? Heto Ang Dapat Tandaan Ng Mga Magulang

Ligtas Ba Ang Cellphone Sa Bata? Heto Ang Dapat Tandaan Ng Mga Magulang

Kakambal ng modern era ang pagiging mulat ng bata sa digital na mundo kaya ang madalas na tanong ng magulang “ligtas ba ang cellphone sa bata?” Sa isang bagong rebyu, isinet ng researchers ang kanilang pokus sa ugnayan ng microwave radiation (MWR) at kagalingan ng tao. Sinasabi na ginawa ang rebyu upang makatulong na maunawaan kung ligtas ba ang cellphone sa bata at babies.

Kaugnay nito makikita na nasa mataas na panganib na mapinsala ang katawan ng mga bata at hindi pa isinisilang na babies kumpara sa adults kapag na-expose sila sa MWR. Kaya naman bilang resulta ng rebyu, itinataguyod ng World Health Organization (WHO) ang prinsipyo ng ALARA (As Low as Reasonably Achievable) para sa kaligtasan ng mga batang users ng gadget.

Ipinapaalam ng WHO sa mga tao ang mga benepisyo ng pag-iwas sa paggamit ng cell phones sa mga bata at hindi pa isinisilang na mga sanggol mula sa nakakapinsalang radiation ng cellphones.

Gayunpaman, mayroong ilang kilalang institusyon at organisasyong medikal tulad ng IARC, National Institute of Environmental Health Sciences (NIEHS) Federal Communications Commission (FCC), U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC), U.S. Food and Drug Administration (FDA) ang magkakaiba sa nosyon na pwede magdulot ng kanser ang cellphone radiation.

Ligtas Ba Ang Cellphone Sa Bata: Mga Side Effects Ng Paggamit Nito

Mas prone sa MWR absorption ang bata dahil mas absorbent ang kanilang brain tissue, mas manipis ang kanilang bungo, at medyo maliit pa ang sukat ng kanilang katawan. Dagdag pa rito, ang kanilang immunity ay mahina pa at ang kanilang internal organs ay hindi pa ganap na buo at ito ang dahilan para mas madali silang kapitan ng mga sakit, kaysa sa mga matatanda

Para naman sa mga hindi pa isinisilang na baby, ang exposure sa MWR ay nagreresulta sa  protective sheath degeneration. Mahalaga ang sheath na ito dahil may layunin ito na protektahan ang brain neurons ng isang tao.

Napatunayan ng maraming pag-aaral na ang mga bata ay mas mahina o more vulnerable sa MWR. Dagdag pa rito, napag-alaman din na ang  brain tissue ng mga bata ay sumisipsip ng MWR ng dalawang beses nang higit kumpara sa mga matatanda. Isiniwalat ng iba pang pag-aaral na ang rate ng MWRP sa bone marrow ng mga bata ay 10 beses na mas mataas kaysa sa adults.

Ligtas Ba Ang Cellphone Sa Bata: Health Risks

Ang paggamit ng cell phones malapit sa mga sanggol ay maaaring humantong sa maraming potential health risk kabilang ang mga tumor sa utak, na maaaring nakamamatay. Gayunpaman, hanggang ngayon, ang mga eksperto ay nahahati pa rin ang mga opinyon partikular sa lawak ng panganib ng kanser mula sa paggamit ng mobile phones.

Mga Alituntunin Sa Paggamit Ng Mobile Phone Malapit Sa Sanggol

  • Ang paggamit ng mobile phones ay maaaring humantong sa ilang lifestyle diseases. Gayunpaman, may ilang mga paraan kung saan maingat na magagamit ang mobile phones para makontrol ang mga panganib. Hawakan ang cell phone sa isang siguradong distansya mula sa’yong sarili. Itinuturing na isang ligtas na distansya ang 15 cm mula sa tainga.
  • Mapapansin na ang mga mobile phone ay patuloy naglalabas ng radiation lalo na kung pinananatiling naka-on ito, kaya kapag hindi ito ginagamit dapat mong ilayo ito sa iyong katawan at ilagay ito sa isang pitaka, bag, o backpack. Tandaan din na ang pag-iingat at pagtatago nito sa bulsa ng dibdib ng damit ay isang mahigpit na no-no.
  • Gumawa ng conscious effort na huwag hawakan ang iyong mobile phone sa’yong katawan habang ginagamit. Sa halip gumamit ng bluetooth headset upang maiwasan ang radiation ng cell phone.
  • Dapat ilayo ng mga buntis ang mga mobile phone sa kanilang tiyan. Ang mga nagpapasusong ina naman ay hindi dapat gumamit ng mobile phones.
  • Ang mga bata at kabataan ay hindi dapat magtago ng mobile phones sa kanilang kwarto sa gabi.
  • Para sa mga lalaki ang mobile phones ay dapat na ilayo sa gilid ng bulsa ng kanilang pantalon. Ito’y dahil ang radiation mula sa mga cell phone ay maaaring makaapekto sa kalidad ng sperm at sperm count. Dapat iwasan ng mga batang babae ang pagtago ng cell phones sa kanilang bra. Ang radiation ay maaaring magdulot ng kanser sa suso.
  • Dapat paghigpitan ng mga magulang ang paggamit ng cell phones ng kanilang mga anak hangga’t maaari.

Key Takeaways

Maaaring sa una ay mahirap para sa’yo na limitahan ang paggamit ng mobile phones. Ngunit, ang persistent effort sa paglipas ng panahon ay makakatulong sa’yo na maiwasan ang paggamit ng mobile phones, sa paligid ng iyong anak.
Darating ang oras na malalaman mo ang kagalakan at kaligayahan na iyong nakuha kapag ginugugol mo ang lahat ng iyong oras kasama ang iyong anak na hindi divided ang iyong atensyon.

Matuto pa tungkol sa Iba Pang Mga Isyu sa Kalusugan ng Bata dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Cell Phone Radiation and Children’s Health: What Parents Need to Know, https://www.healthychildren.org/English/safety-prevention/all-around/Pages/Cell-Phone-Radiation-Childrens-Health.aspx /, Accessed on 18/10/2020

Children and Cell Phones: Is Phone Radiation Risky for Kids? http://www.center4research.org/children-cell-phones-phone-radiation-risky-kids/, Accessed on 18/10/2020

Children and Cell Phones: Weighing the Risks and Benefits, https://www.nationwidechildrens.org/family-resources-education/700childrens/2018/10/children-and-cell-phones, Accessed on 18/10/2020

Kasalukuyang Version

03/20/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Paano Maiwasan ang Shaken Baby Syndrome

Alamin ang Komplikasyon ng Kawasaki Disease


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement