backup og meta

Learning Difficulty Ng Bata: Ano Ba Ang Dapat Gawin Tungkol Dito?

Learning Difficulty Ng Bata: Ano Ba Ang Dapat Gawin Tungkol Dito?

Ang learning difficulty ay isang kondisyon na nakaaapekto sa abilidad ng tao na matuto ng mga kasanayan at makakuha ng kaalaman sa bilis na inaasahan. May iba’t ibang dahilan ng pagkakaroon ng learning difficulty ng bata na nakaaapekto sa kanilang pangkalahatang pag-unlad.

Ang learning difficulty ng bata ay maaaring sanhi ng cognitive disorder o mental handicap. Hindi naman nito binabawasan ang talino ng isang tao. Pinapakahulugan lang nito na may iba’t ibang paraan ng pagkatuto ng mga bagay ang tao. Maaaring iba rin ito sa kung paano natututo ang mga bata sa tradisyonal na set-up at pamamaraan sa silid-aralan. Kilala rin ang learning difficulty bilang learning disability sa Pilipinas.

Ano Ang Learning Difficulties?

Nakakakuha ng bagong kaalaman ang mga taong may learning difficulties kapag nabibigyan sila ng tiyak na mga estratehiyang pampagsasanay at ipinasadyang mga aralin. Makatutulong ito upang makayanan nila ang mga hamon at umunlad sa paaralan. Mas mapanghamon ito para sa mga batang nagsisimula pa lang matutong magbasa at magsulat dahil sa ilang mga factors ng learning difficulties.

Ang learning difficulty, sa madaling salita, ay isang utak na nagkakaugnay sa iba’t ibang paraan. Ang katotohanan, kasintalino rin ng mga batang may learning difficulty ang ibang mga bata, minsan pa nga ay mas matalino pa. Gayunpaman, maaaring mahirapan silang matutunan ang mga bagay kapag itinuro sa karaniwang paraan. Ngunit tiyak na kaya nilang matuto kung paano magbasa, magsulat, magbaybay, magdahilan, umalala, at magsalansan ng mga impormasyon kapag itinuro sa paraang para talaga sa kanila.

Ang mahalagang tandaan dito ay may higit na kakayahan ang mga batang may learning difficulties na maging matagumpay sa buhay kung mabibigyan sila ng tamang suporta at patnubay.

Upang suportahan ang kanilang pag-unlad, makatutulong ang mga magulang upang matukoy ang kalakasan at kahinaan ng kanilang mga anak, at kung papaano sila natututo. Sa pamamagitan nito, maaari silang makipagtulungan sa mga professional na makatutulong sa kanilang mga anak upang makasabay gamit ang iba’t ibang pamamaraan sa pagkatuto.

Iba’t Ibang Uri Ng Learning Difficulty Ng Bata

Ang learning difficulties ay mga kondisyong maaaring uriin sa:

  • Dyslexia
  • Dyscalculia
  • Dysgraphia
  • Processing deficits

May iba’t ibang sanhi ang learning difficulty ng bata.

Dyslexia

Ito ang pinakamadalas pag-usapang learning difficulty ng bata. Isa itong learning disorder na humahamon sa isang tao sa kakayahan nitong magbasa at umunawa ng binabasa. Apektado nito ang mga batang nahihirapang magbasa dahil nagkakaproblema sila sa pagtukoy ng mga tunog ng letra at salita o kilala rin sa tawag na decoding.

Para naman sa ibang tao, nahihirapan naman sila sa pagkilala sa kung paano nahahati ang mga salita batay sa tunog nito. Bahagi ng pagpoprosesong ponolohikal ang hamon ng pagkilala sa mga salitang may magkakaparehong tunog. Maaari din magkaroon ng mga problema sa katatasan, baybay, pag-unawa, at iba pa.

Ang mga batang may dyslexia ay maaaring:

  • Mahirapang bumuo ng mga salita nang tama at mauwi sa pagpapalit ng mga tunog
  • Magkaproblema sa pag-alala sa mga pangalan, kulay, letra, at numero
  • Mahirapang matutuhan ang mga nursery rhyme o mga playing rhyming games

Dyscalculia

Isa itong learning difficulty na may kaugnayan sa math. Ang mga batang may dyscalculia ay nahihirapan sa mga konseptong gaya ng “malaki laban sa maliit”, at nahihirapang magsagawa ng karaniwang math problems. Nahihirapan din silang pagsunod-sunurin ang mga numero at may limitadong kakayahan sa pagbibigay solusyon sa mga problema. Ang oras, sukat, at pagtatantsa ay maaaring maging napakahirap para sa mga taong may dyscalculia.

Dysgraphia

Isa itong learning difficulty na nakaaapekto sa fine motor skills, lalo na ang pagsulat. Nakasasabagal ito sa pagbaybay (spelling), pagpapagitan sa mga salita, at sa pangkalahatang abilidad na isulat ang laman ng isip. Nakaaapekto rin ito sa kakayahan ng isang bata na magsulat ng nararamdaman at magsalansan ng mga kaisipan sa magkakaugnay na paraan. Nahihirapan din ang mga batang may ganitong uri ng disability na bumuo ng simpleng pangungusap at umunawa sa mga tuntuning panggramatika

Processing Deficits

Ang dalawang pinakakaraniwang uri ng processing deficits ay:

  • Visual processing disorder (pagproseso sa nakikita)
  • Auditory processing disorder (pagproseso sa naririnig)

Ang mga batang may processing deficits ay nahihirapang umunawa ng mga sensory data. Nagiging hamon sa kanila ang pag-aalala ng mahahalagang impormasyong kailangan sa pag-unawa ng mga sitwasyon sa kanilang paligid.

Potensyal Na Mga Factors Sa Pagkakaroon Ng Learning Difficulty Ng Bata

Karamihan sa learning difficulty ng bata ay nagsisimula bago pa man lang ipanganak ang isang bata na sanhi ng anumang nakaaapekto sa development ng kanyang utak. Gayunpaman, puwede rin itong mangyari habang ipinapanganak o habang bata pa ito. Maaaring dulot ng isa o kombinasyon ng mga salik ang pagkakaroon ng learning disabilities. Minsan, hindi tukoy kung ano ang tunay na sanhi. Kabilang sa mga posibleng sanhi nito ay ang mga sumusunod:

  • Pagkakasakit habang nagbubuntis
  • Fetal Alcohol Syndrome
  • Komplikasyon nang ipanganak
  • Premature birth
  • Namamana o kilala rin sa tawag inherited learning disability. Nangangahulugan ito na mayroon sa malapit na kasapi ng pamilya kanino mang side ng magulang ang may learning disability.
  • Meningitis na isang uri ng impeksyon sa utak
  • Injuries na nakaapekto sa utak
  • Chromosome abnormalities tulad ng Down Syndrome, o Turner Syndrome

May iba pang mga sanhi na nagdudulot ng impairment sa utak at magresulta sa learning disabilities. Gayunpaman, may ilang mga kaso na wala sa mga sitwasyong nabanggit ang magagamit ngunit nagkaroon pa rin ng learning disability ang bata.

Paano Tutulungan Ang Iyong Anak

Bagaman walang kilalang gamutan para sa learning difficulty ng bata, mayroon namang mga paraan upang matulungan ang mga bata sa kanilang learning disabilities upang makayanan at magtagumpay sa buhay.

  • Therapy. May iba’t ibang therapies na available para sa mga bata na may learning difficulties. Makatutulong ang isang occupational therapist sa mga taong may problema sa motor skills, speech therapist naman para sa mga may problema sa pagsasalita o pagbabasa, educational therapist naman para sa nangangailangan ng tulong sa pagbabasa, pagsusulat at matematika.
  • Malakas na support system. Kapag may anak kang may learning difficulties, napakahalaga para sa mga magulang at kanilang pamilya na matiyak na hindi nawawala ang kanilang pagpapahalaga at kumpiyansa sa sarili. Nangangailangan dito ng positibong suporta.
  • Individualized Education Program. Isa itong programa na binuo para sa specialized learning plans at strategies upang matulungan ang mga bata sa kanilang learning difficulties sa bilis na kaya nilang makasabay.

Key Takeaways

Kahit na masuri na may learning difficulty ang iyong anak, may mga paraan upang matulungan sila at maging independent. Ang paglalagay ng mga tamang taong susuporta sa kanya, paghahanap ng tamang therapist at health professionals para sa iyong anak ang susi upang matulungan mo siyang maging indibidwal na may kakayahang gawin ang mga kailangan niyang gawin.

Matuto pa tungkol sa Isyu Sa Kalusugan Ng Bata dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Learning disabilities, https://www.mentalhealth.org.uk/learning-disabilities/a-to-z/l/learning-disabilities, Accessed Aug 31, 2020

What is dyscalculia, https://www.understood.org/en/learning-thinking-differences/child-learning-disabilities/dyscalculia/what-is-dyscalculia, Accessed Aug 31, 2020

5 most common learning disabilities, https://www.masters-in-special-education.com/lists/5-most-common-learning-disabilities/, Accessed Aug 31, 2020

Types of learning difficulties, https://www.readandspell.com/types-of-learning-difficulties , Accessed Aug 31, 2020

Types of Learning Disabilities, https://ldaamerica.org/types-of-learning-disabilities/ , Accessed Aug 31, 2020

Dyslexia, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/dyslexia/symptoms-causes/syc-20353552, Accessed Aug 31, 2020

Learning difficulties, https://www.mentalhealth.org.uk/learning-disabilities/a-to-z/l/learning-difficulties, Accessed Aug 31, 2020

Learning difficulties, https://www.goodtherapy.org/learn-about-therapy/issues/learning-difficulties, Accessed Aug 31, 2020

Learning disabilities and disorders, https://www.helpguide.org/articles/autism-learning-disabilities/learning-disabilities-and-disorders.htm, Accessed Aug 31, 2020

Learning disabilities, https://www.nhs.uk/conditions/learning-disabilities/ , Accessed Aug 31, 2020

What is Id, http://www.ldonline.org/ldbasics/whatisld, Accessed Aug 31, 2020

Kasalukuyang Version

03/22/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

4 Simpleng Tips Para Makamit Ang Mabuting Epekto Ng TV Sa Mga Bata

Apat Na Area Ng Child Development: Anu-Ano Ba Ang Mga Ito?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement