backup og meta

Lahat ng Tungkol sa Coma sa mga Bata

Lahat ng Tungkol sa Coma sa mga Bata

Sa pangkalahatan, ang coma sa bata at maging sa adults ay ang unconscious state ng pag-iisip. Ito ay kung saan ang isang tao ay hindi tumutugon sa panlabas na kapaligiran. Sa coma, ang tao ay buhay at ang utak ay gumagana, pero nasa pinakamababang state of alertness.

Ang coma ay maaaring tumagal ng higit sa ilang linggo. Ang mga batang nasa unconscious state ng coma nang napakatagal ay maaaring mapunta sa persistent vegetative state.

Mayroong ilang sanhi ng coma, ang karamihan sa mga ito ay pareho sa mga bata pati na rin sa adults. Ngayon, ang mga taong nasa persistent vegetative state ng coma ay maaaring magising o hindi. Ito ay lubos na nakasalalay sa sanhi nito. 

Sintomas ng Coma sa Bata

Ang mga palatandaan at sintomas ng pediatric coma ay maaaring kabilang ang:

  • Mukhang nasa malalim na pagtulog ang bata
  • Ang paghinga ng bata ay hindi pangkaraniwan
  • Kapag nasa coma, maaaring ang bata ay nasa hindi pangkaraniwang posture
  • Ang limbs o pupils ay hindi nagpapakita ng tugon, maliban sa reflexive movement
  • Sa estado ng coma, ang katawan ng bata ay hindi tumutugon sa sakit, maliban sa reflexive movement
  • Ang batang nasa coma ay maaaring magpakita ng pabigla-biglang paggalaw ng katawan kasama na ang abnormal jerks
  • Ang kanyang mga mata ay maaapektuhan. Halimbawa ang isang pupil ay mas malaki kaysa sa isa o parehong restricted  
  • Walang lakas ng muscles o boluntaryong paggalaw

Mga Sanhi ng Coma sa Bata

May ilang mga dahilan na maaaring maging sanhi para sa isang bata o adult na mapunta sa coma state. Mula sa pinsala sa ulo, stroke, hanggang sa isang pangunahing sakit tulad ng metabolic disease o impeksyon ay maaaring humantong sa isang bata sa coma.

Basahin natin ang ilan sa mga pangunahing at kilalang sanhi ng pediatric coma:

Stroke

Ang stroke ay resulta ng nabawasan o nagambala na suplay ng dugo sa utak. Ito ay maaaring mangyari dahil sa pagbabara ng arteries o pagputok ng blood vessels. Ang stroke na ito ay pwedeng maglagay sa isang tao sa coma.

Kakulangan ng Oxygen

Kinakailangan ang oxygen para ang brain cells ay gumana nang maayos. Maaaring hindi magising o ma-coma ang isang tao na inatake sa puso o isang bata na nailigtas mula sa pagkalunod dahil sa kakulangan ng oxygen sa utak.

Toxins

Kapag ang katawan ay na-expose sa mapanganib na mga lason tulad ng carbon monoxide o lead, pwede itong mauwi sa brain damage, na humahantong sa coma.

Mga Tumor at Pinsala sa Utak

Ang mga tumor at pinsala sa brainstem o sa utak ay maaaring maging sanhi ng coma sa bata.

Intracranial Bleeding

Ang koleksyon ng dugo sa loob ng bungo.

Physical Exams at Laboratory Tests

Bilang bahagi ng coma treatment, magsasagawa muna ang mga doktor ng pisikal na pagsusuri sa pasyente. Gagamitin ng mga doktor ang Glasgow Coma Scale (GCS) kung saan binibigyan nila ng grado ang:

  • Eye response
  • Verbal Response
  • Movement Response

Sa pamamagitan nito at ng Neurologic Examination ay malalaman ng mga doktor ang sanhi ng coma at lokasyon ng brain damage.

Bilang bahagi ng kanilang coma treatment, makikita ng mga doktor ang pattern ng paghinga nila, at inoobserbahan ang kanilang balat para sa mga sintomas ng anumang contusions dahil sa stroke o trauma. 

Magsasagawa ng ilang laboratory tests at blood samples upang ma-check ang:

  • Total blood count
  • Pagkalason dahil sa carbon monoxide
  • Electrolytes, glucose, thyroid, kidney at liver functioning

May ilang brain scans na isinagawa pati na rin ang proseso ng paggamot sa coma:

Treatment para sa Coma sa Bata

Dahil ang coma ay isang medical emergency, ang pinakaunang mahalagang bagay na gagawin ng mga doktor ay suriin ang paghinga ng pasyente at ilagay sa lugar ang kanilang respiration at circulation. Maaari nilang bigyan ang pasyente ng agarang breathing assistance, gamot para sa utak, at ibang suporta na makakatulong sa coma patient at sa kanyang pamilya.

Ang treatment nito ay lubos na nakadepende sa sanhi ng coma. Malamang, maaaring kailanganin ang brain pressure release technique o gamot.

Ang treatment ng coma dulot ng drug overdose ay iba kaysa sa coma dahil sa lason. Maaaring ipayo ng mga doktor ang medications at mga therapy. Ito ay upang gamutin din ang pangunahing sakit, tulad ng diabetes o mga problema sa atay.

Kung minsan ang mga na-detect na sanhi ng coma ay maaaring ma-reverse at ang bata o adult ay pwedeng ma-revive sa kanyang normal na buhay. Pero kung malubha ang brain damage, napakahirap maalis ang isang bata o adult sa coma. Maaaring mamuhay sila na may permanenteng kapansanan o hindi na muling magkamalay. Maaari silang manatili sa persistent vegetative state o magdusa ng brain death.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Coma/https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/coma/diagnosis-treatment/drc-20371103/Accessed on 7/11/2019

Considerations for the Pediatric Coma Patient: Not Just Small Adults/https://www.medscape.com/viewarticle/734883_3/Accessed on 7/11/2019

Approach to the Child with Coma/http://medind.nic.in/icb/t10/i11/icbt10i11p1279.pdf/Accessed on 7/11/2019

Non-traumatic childhood coma in Ebonyi State University Teaching Hospital, Abakaliki, South Eastern Nigeria./https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/21493991/Accessed on 7/11/2019

Coma/https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/ConditionsAndTreatments/coma/ Accessed on 7/11/2019

Kasalukuyang Version

01/09/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Kristina Campos, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Paano Maiwasan ang Shaken Baby Syndrome

Alamin ang Komplikasyon ng Kawasaki Disease


Narebyung medikal ni

Kristina Campos, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement