backup og meta

Gamot Sa Sipon Ng Bata: Huwag Kalimutan Ang Mga Tips Na Ito

Gamot Sa Sipon Ng Bata: Huwag Kalimutan Ang Mga Tips Na Ito

Ang sipon ay infection sa itaas na bahagi ng respiratory tract. Parehong mga bata at matatanda ay madaling kapitan ng sipon. Sa artikulo na ito, tatalakayin natin ang lunas at gamot sa sipon ng bata at matatanda.

[embed-health-tool-child-growth-chart]

Ano Ang Sipon?

Ang sipon ay nakahahawang viral infection. Nakaaapekto ito sa ilong at lalamunan, o itaas na bahagi ng respiratory tract. Maraming mga virus ang maaaring sanhi ng sipon.

Karamihan ng mga matanda ay nakararanas ng sipon 1 o 2 beses kada taon, bagaman madalas magkaroon nito ang mga naninigarilyo. Sa kabutihang palad, ang sipon ay nawawala nang kusa matapos ang 7 hanggang 10 araw. Maraming mga over-the-counter na gamot na maaaring gamitin na lunas para sa sipon sa mga bata at matanda.

Kung ang kondisyon mo ay hindi bumuti matapos ang 10 mga araw, kumonsulta sa iyong doktor.

Gaano Karaniwan Ang Sipon?

Maaari mong asahan sa iyong anak na magkaroon ng 8 hanggang 10 beses na sipon sa isang taon. Nakahahawa rin ito — ibig sabihin maipapasa ito sa tao sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing. Ang nabugang particles na mula sa ubo at bahing ay maaaring masinghot ng kung sino, na nagiging dahilan ng pagkakasakit nito. Dahil dito ang mga miyembro ng pamilya sa loob ng bahay ay madaling mahawa. May mas mababang tsansa na magkasakit ang mga magulang dahil mas malakas ang immune system nila.

Ang sipon ay responsable sa karamihan ng mga araw na absent and mga bata sa paaralan. Upang bigyan ng ginhawa ang bata, ang infection ay kinakailangan ng gamot sa sipon.

Senyales At Sintomas

Ano Ang Mga Sintomas Ng Sipon?

Ang sintomas ay maaaring makita sa 1 hanggang 3 mga araw matapos ang exposure sa virus. Ang ibang mga tao ay mararamdaman ang mga sintomas, habang ang iba ay kaunti lamang nito. Narito ang ilang karaniwang mga sintomas ng sipon:

  • Makati o baradong ilong
  • Nasal discharge na nagsisimula na malinaw ngunit nagiging gray (pwede rin itong berde o dilaw)
  • Masakit o makating lalamunan
  • Pagbahing
  • Congestion
  • Kaunting sakit ng katawan
  • Kaunting sakit ng ulo

Ang mga bata ay maaaring magkaroon ng kaunting sintomas kabilang dito ang:

  • Pagkapaos
  • Matubig na mata
  • Namamagang lymph nodes sa leeg

Kailan Ako Pupunta Sa Doktor?

Ang sipon ay hindi kadalasang dapat ipag-alala. Sa karamihan ng mga kaso, hindi mo kailangan dalhin ang iyong anak sa ospital para sa sipon.

Gayunpaman, pinapayuhan na agarang humingi ng medikal na atensyon kung ang iyong anak ay nakararanas ng mga sintomas na ito:

  • Lagnat na may 38°C o mas mataas para sa mga sanggol, kabilang na ang bagong silang na sanggol hanggang sa 12 linggong edad
  • Ang iyong anak ay may lagnat o tumataas na lagnat na tumatagal ng higit sa dalawang araw
  • Ang kondisyon ng iyong anak ay hindi bumubuti o lalong lumalala
  • Malalang sintomas (sakit ng ulo o ubo)
  • Humihingal
  • Sakit sa tenga
  • Extreme fussiness
  • Hindi karaniwang antok
  • Kawalan ng gana
  • Asul na mga labi at kuko
  • Nahihirapang huminga
  • Ang mga butas ng ilong ay lumalaki kada hinga
  • Ang mga ribs ay nahihila papasok kada paghinga

Doktor lamang ang maaaring magmungkahi ng iba’t ibang uri ng lunas para sa sipon base sa lala ng mga sintomas.

Mga Dahilan At Banta

Ano Ang Mga Sanhi Ng Sipon?

Maraming mga virus ang maaaring maging sanhi ng sipon — ang madalas na may sala ay ang rhinoviruses. Ang rhinoviruses ay inuugnay rin sa asthma at sinus infections, na maaaring posible ring maranasan kasama ng sipon. Ang ibang virus na sanhi ng sipon ay human parainfluenza viruses, respiratory syncytial virus, human coronavirus, at adenovirus.

Ano Ang Nagpapataas Ng Banta Na Magkaroon Ng Sipon?

Maraming mga banta ng pagkakaroon ng sipon. Narito ang ilang mga factor:

  • Edad. Ang mga mas bata sa 6 na edad ay mas mahina at maaaring magkaroon ng sipon.
  • Mahinang immune system. Ang malalang sakit o mahinang immune system ay nagpapataas ng tsansa na mahawa ng sipon.
  • Malamig na panahon. Mas madali ang pagkalat ng virus sa malamig na panahon.
  • Paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay nagpapataas ng tsansa na mahawa ng sipon.
  • Exposure. Exposure sa indibidwal na may sipon ay nagpapataas ng tsansa na magkaroon din ng sakit.

Lifestyle Changes & Home Remedies

Ang impormasyon na ito ay hindi kapalit ng kahit na anong payong medikal. Laging kumonsulta sa iyong doktor bago magsagawa ng lunas.

Ano Ang Mga Lunas At Gamot Sa Sipon Ng Bata?

Narito ang mga lunas na pwedeng gawin sa bahay:

• Pain Relievers

Para sa lagnat, sakit ng lalamunan, at/o sakit ng ulo, maraming mga tao ang gumagamit ng acetaminophen (tulad ng Tylenol o paracetamol) o iba pang mild na pain relievers. Sundin ang panuto sa label upang maiwasan ang side effects. Sa pagbibigay ng pain reliever sa iyong anak, gumamit ng over-the-counter na gamot na para lamang sa mga bata o sanggol (Children’s Tylenol, Children’s Advil, at iba pa). Ang mga bata o teenagers na nagre-recover mula sa bulutong o flu-like na sintomas ay hindi dapat binibigyan ng aspirin, dahil ito ay iniugnay sa Reye’s syndrome.

• Cough Syrup

Ang Food and Drug Administration (FDA) at ang American Academy of Pediatrics ay hindi iminumungkahi ang over-the-counter na gamot sa sipon ng bata kung mas mababa ang edad sa 4 na taon. Ito rin ay hindi karaniwang inirerekomenda na bigyan ng gamot sa ubo ang ibang mga bata. Huwag bigyan ang mga bata ng dalawang gamot na may parehong active na sangkap, tulad ng antihistamine, decongestant o pain reliever, dahil ito ay maaaring magresulta sa aksidenteng pagka-overdose.

• Decongestant Nasal Spray

Ang mga matatanda ay maaaring gamitin ang decongestant drops o sprays hanggang 5 mga araw dahil ang mas mahabang paggamit ay magpapabalik ng sintomas. Huwag gamitin ang decongestant drops o sprays sa mga bata na mas bata pa sa 6 na taon.

• Uminom Ng Maraming Tubig

Ito ay nagpapalit sa mga nawalang tubig sa mucus production at nakaiiwas sa dehydration.

• Chicken Soup

Ipinakita ng pag-aaral na ang chicken soup ay makatutulong na makontrol ang neutrophils, na nagiging sanhi ng congestion.

• Pahinga

Ang mainit na tubig sa pagligo ay epektibo na nakatatanggal ng sakit sa katawan.

• Adjust Room Temperature And Humidity

Maligo nang mainit na tubig upang gumawa ng steam-filled na lugar upang mawala ang baradong sipon.

 • Saline Nasal Drops

Kung ilalagay sa butas ng ilong, ang saline o saltwater drops ay epektibo sa paggamot ng nasal congestion.

Ano Ang Maaaring Gawin Upang Maiwasan Ang Sipon?

Ang pinakamainam na gamot sa sipon ay ang pag-iwas dito. Upang maiwasan mo at ng iyong anak na mahawa ng sipon, mahalaga na lumayo sa mga taong may sakit. Ito ay tunay lalo na sa mga sanggol na mas bata pa sa 3 buwan. Ang mga viral infection na tipikal na mild sa mga matatanda at medyo mga bata ay maaaring maging malala sa mga sanggol.

Ang paghuhugas ng kamay ay susi sa pag-iwas sa viral infections at mga sakit. Hugasan ang iyong kamay ng sabon at tubig o alcohol-based hand sanitizer nang regular, at hikayatin mo ang iyong anak na gawin din ito. Inirerekomenda na takpan ng mga tao ang kanilang ilong at bibig ng tissue at o panyo kung uubo o babahing (ang tissue ay kinakailangang agarang itapon pagkatapos). Ito ay nakapipigil sa pagkalat ng  virus sa hangin.

Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Colds, https://kidshealth.org/en/parents/cold.html, Accessed May 30, 2020

Common Cold in Children, https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=upper-respiratory-infection-uri-or-common-cold-90-P02966 , Accessed May 30, 2020

Colds, https://www.healthychildren.org/English/tips-tools/symptom-checker/Pages/symptomviewer.aspx?symptom=Colds , Accessed May 30, 2020

Children and Colds, https://www.healthychildren.org/English/health-issues/conditions/ear-nose-throat/Pages/Children-and-Colds.aspx, Accessed May 30, 2020

Common Colds: Protect Yourself and Others, https://www.cdc.gov/features/rhinoviruses/index.html, Accessed September 28, 2020

Kasalukuyang Version

05/18/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Sanhi ng Lagnat sa Bata, Anu-ano nga ba?

Lagundi Para Sa Hika at Ubo: Epektibo Ba Itong Gamot?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement