Maraming pag-aaral ang nagpakita na may negatibong epekto sa growth at development ng bata ang pang-aabuso at pagpapabaya. Narito ang mga kailangan mong malaman tungkol sa mga epekto ng pagmamaltrato sa bata at mga bagay na maaari mong gawin upang makatulong.
Mga Uri Ng Pang-Aabuso Sa Bata
Kadalasan, kapag inilalarawan natin ang batang inabuso, naiisip natin ang isang maliit na katawan na may mga pasa. Gayunpaman, isang uri lamang ng pagmamaltrato sa bata ang pisikal na pang-aabuso.
Narito ang apat na klase ng pang-aabuso sa bata:
- Pisikal na pang-aabuso na may pananakit at pamiminsala sa bata. Bagaman maraming kaso ng pisikal na pang-aabuso ang nag-iiwan ng marka dahil sa pagkasunog, paghampas, pagsakal, at restraint, hindi palaging nag-iiwan ng marka ang iba pa. Tulad ito ng pagyugyog sa bata at pagtakip sa kanilang mukha upang hindi makahinga.
- Sekswal na pang-aabuso ay nagsasabing isang matanda ang kumokontrol sa bata at sinasama ito sa anumang seksuwal na gawain.
- Emosyonal na pang-aabuso ay nangangahulugang tinatrato ang bata sa negatibong paraan na nakakaapekto sa kanilang intellectual, social, at emotional development. Kabilang dito ang rejection, pagpuna, pag-iwan, o panunukso.
- Kapabayaan, kabilang dito ang hindi pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng bata, tulad ng damit, pagkain, personal hygiene, tirahan, at pagbabantay.
Ayon sa World Health Organization, tinatawag na child maltreatment ang pang-aabuso at pagpapabaya sa batang wala pang 18 taong gulang.
Mga Pisikal Na Epekto Ng Pagmamaltrato Sa Bata
Mabilis makita ang pisikal na epekto ng pagmamaltrato sa bata. Depende sa kung paano sinasaktan ng matanda ang bata, maaaring makakita ng pasa, restraint mark, o kahit sugat.
Gayunpaman, sinasabi ng mga eksperto na maaari ding magresulta ang pagmamaltrato sa bata ng mga problema sa kalusugan sa hinaharap tulad ng:
Mga Epekto Ng Pagmamaltrato Sa Bata Sa Emotional Health
Maaaring magkaroon ng mahinang mental at emotional health ang batang nakararanas ng pang-aabuso at pagpapabaya. Mas posible silang magkaroon ng anxiety, depresyon, at iba pang mga psychiatric disorder.
Pinakita din ng mga ulat na mas madalas ang tangkang pagpapakamatay sa mga matanda na nagkaroon ng masamang karanasan sa pagkabata kaysa sa mga hindi.
Bukod sa mahinang mental at emotional health, kabilang din ang mga sumusunod sa mga negatibong epekto ng pagmamaltrato sa pagkabata:
- Pagbaba ng cognitive skills. Maaaring may problema sila sa self-control, pag-alala, o mas mahina ang kakayahan nilang magbigay-pansin at matuto.
- Problema sa attachment at social difficulties. Maaari ding humantong ang pang-aabuso at kapabayaan ng mga problema sa pakikipagkaibigan, pakikisama, at pakikipagrelasyon.
- Post Traumatic Stress Disorder. Madalas na kasama sa mga epekto ng pagmamaltrato sa bata ang PTSD, kung saan “muli nila nararanasan” ang pang-aabuso sa mga flashback o panaginip.
Mga Epekto Ng Pagmamaltrato Sa Bata Sa Social Behavior
Kahit natigil na ang pagmamaltrato, maaari pa rin magkaroon ng hindi mabuti o mapanganib na pag-uugali ang mga batang nakaranas nito. Na maaaring makasama sa kanila at sa mga tao sa kanilang paligid.
Halimbawa, maaaring ma-trigger ng maltreatment sa bata ang:
- Mga hindi ligtas na sexual practices
- Abuso sa alkohol at iba pang substance
- Juvenile delinquency, maaaring masangkot sa krimen ang bata
- Pang-aabuso sa ibang tao
Ano Ang Maaari Mong Gawin Upang Makatulong?
Pinakamabigat sa mga biktima ang dalahin ng pang-aabuso sa bata at pagpapabaya. Gayunpaman, binigyang-diin din ng mga eksperto na mananagot din ang lipunan.
Halimbawa, kapag lumaki ang isang inabusong bata na nagpapakita ng pagiging bayolente, maaari din silang makasakit ng iba, magdulot ng problema sa trabaho, o gumawa ng mga krimen na nakakaapekto sa ibang tao.
Dahil dito, dapat tayong tumindig kapag may pinaghihinalaang child maltreatment.
Ayon sa Department of Justice, ito ang ating civic at moral duty na mag-report ng kaso ng pang-aabuso at kapabayaan sa bata. Sa katunayan, ilang mga tao, tulad ng mga guro, pinuno ng mga ospital, at mga opisyal ng barangay, ang inaatasan ng batas na mag-report ng mga kaso ng pang-aabuso sa bata.
Tandaan na maaari kang mag-report ng kaso ng pang-aabuso sa bata sa:
- Local Barangay Council for the Protection of Children
- Pinakamalapit na prosecutor ng lungsod
- Departamento ng pulisya sa iyong lugar
- Commission on Human Rights
- Anti-Child Abuse, Discrimination, Exploitation Division (ACADED) of National Bureau of Investigation
- Department of Social Welfare & Development (DSWD)
Key Takeaways
Hindi natatapos sa insidente ang epekto ng pagmamaltrato sa bata. Kadalasan, sumusunod sa bata ang mga negatibong epekto nito sa kanilang pagtanda. Dahil dito, dapat tayong kumilos kung may alam tayong kaso ng pang-aabuso sa bata.
Matuto pa tungkol sa Iba Pang Mga Isyu sa Kalusugan ng Bata dito.