Ano nga ba ang epekto ng kape sa bata? Ayon sa American Academy of Pediatrics, hindi dapat uminom ng caffeinated drinks ang mga batang wala pang 12 taong gulang. Kasama sa mga inuming ito ay kape, tsaa, soda at sports drink. Ang mga nasa edad na 12 at 18 ay dapat limitahan ang paggamit sa mas mababa sa 100 milligrams bawat araw o isang tasa ng kape. Alam mo ba na ang 16-ounce na grande ng Starbucks ay naglalaman ng halos 360 milligrams ng caffeine?
Marami sa mga pagkain at inumin na gusto ng mga bata ay may caffeine. Kung ito ang ilan sa mga paborito ng iyong anak, maaari silang kumonsumo ng mas maraming caffeine kaysa sa iyong iniisip. Humigit-kumulang 73% ng mga bata ang kumukunsumo ng caffeine sa anumang partikular na araw ayon sa Centers for Disease Control and Prevention. Ayon sa CDC, bumaba ang paggamit ng soda at pinapalitan ito ng mga energy drink at kape.
Ano ang sangkap ng kape?
Ang caffeine ay isang stimulant. Higit pa riyan, ito ay tinukoy bilang isang gamot dahil ito ay may pisyolohikal na epekto sa katawan. Nangangahulugan na nakakaapekto ito sa kung paano gumagana ang katawan. Pinasisigla nito ang central nervous system. Sa mga nasa hustong gulang, nangangahulugan ito na maaari kang maging mas alerto.. Sa mga bata, ang caffeine ay maaaring magpataas ng blood pressure at makagambala sa pagtulog. Maaari nitong gawing mas mababa ang kamalayan ng mga bata sa pagiging pagod. Ito ay maaaring makaapekto sa kanilang mood at pagkabalisa. Maaari na sumakit ang kanilang ulo dahil sa pag-alis ng caffeine.
Ang mga pangunahing sangkap ng kape ay:
- Caffeine
- Tannin
- Fixed oil
- Carbohydrates
- Protina
Mga posibleng epekto ng kape sa bata
Hindi gaanong nalalaman kung paano nakakaapekto ang caffeine sa pagbuo ng utak ng isang bata. Ngunit ang mga bata ay maaaring maging sensitibo sa mga epekto ng caffeine. Hindi nagbigay ng rekomendasyon sa caffeine sa mga bata ang U.S. Food and Drug Administration. Gayunpaman inirerekomenda ng American Academy of Pediatrics na hindi dapat maging bahagi ng diyeta ng isang bata ang caffeine.
Ayon kay Dr. Roy Kim ng Cleveland Center for Pediatric Endocrinology, maraming potensyal na implikasyon sa kalusugan ng mga bata ang caffeine. Sinasabi ng AAP na kasalukuyang walang napatunayang ligtas na dosage ng caffeine para sa mga bata. Ang mga bata ay sobrang sensitibo sa mga epekto ng caffeine. At kapag ipinares mo iyon sa katotohanang hindi nila alam kung kailan sila nakakonsumo ng labis ay maaari silang makaranas ng mga problema. Maaari itong maging sanhi ng:
- Abnormal na ritmo ng puso
- Pagkabalisa
- Dehydration
- Pagtatae
- Sakit ng ulo
- Altapresyon
- Kalungkutan
- Pagkabalisa o paglundag
- Seizures
- Pagkagambala sa pagtulog
- Panginginig
- Masakit ang tiyan
Dapat bang uminom ng kape ang mga bata?
Ang isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit hindi dapat uminom ng kape ang mga bata ay ang caffeine. Sa kasalukuyan, walang mga federal na alituntunin para sa paggamit ng caffeine tungkol sa mga bata. Gayunpaman, ang Canada ay mayroong ilang pangunahing mga alituntunin.
Ang epekto ng caffeine ay depende sa dosage. Dahil mas maliit ang katawan ng mga bata, ang epekto nito ito ay mas madali at tumatagal. Ang mga bata at kabataan ay umuunlad pa rin at ang epekto ng caffeine sa kanilang mga nervous system at cardiovascular system ay hindi lubos na nalalaman. Maaaring magdulot ng iba’t-ibang isyu sa kalusugan kapag sumobra ang caffeine. Ang sobrang caffeine ay mapanganib para sa mga bata at sa napakataas na dosage ay maaaring nakakalason.
Patuloy ang pag-aaral sa epekto ng kape sa bata
Ang kape ay naglalaman ng caffeine, na isang natural na psychoactive substance. Nalaman ng isang ulat noong 2017 na higit ang itinaas ng araw-araw na pagkonsumo ng kape ng mga batang nasa edad 13 hanggang 18. Ayon sa ulat, ito ay nagpakita na 37% ng mga bata sa pangkat ng edad na iyon ay kumukunsumo ng caffeine araw-araw. Ito ay isang malaking pagtaas mula sa 23% noong 2014 at 31% noong 2016. Ang mas nakakabahala ay ang ulat na umabot na sa 10% ang paggamit ng caffeine sa mga batang may edad na 2-11 taong gulang noong 1999-2000.