Big deal para sa magulang ang baradong tear duct ng bata, dahil normal lang sa mommies at daddies na i-make sure na clean and fresh si baby. Mula sa kapanganakan, ang luha ng mga sanggol ay nanggagaling sa lacrimal glands. Sa ibabaw na bahagi ng mata, at loob ng upper eyelids (talukap) sa lugar na pinakamalayo mula sa ilong–ang mga luha ay umaagos mula sa tear duct papuntang ilong. Makikita rin sa ilang pagkakataon na pwedeng magdevelop ng bara (blockages) ang tear duct, kung saan, ito ang pumipigil sa mga luha na ma-drain ng natural. Tandaan na ang babies ay maaaring magkaroon ng blocked tear duct. Ngunit, ito ay bumubuti nang mag-isa o kung minsan ay gumagaling sa pamamagitan ng treatment.
Ano ang Normal Tear Production at Ano ang Dahilan ng Baradong Tear Duct?
Para labanan ang dumi, tinatakpan ng ating mga mata ang kanilang sarilii sa pamamagitan ng three-layer moisture barrier. Kung saan, tinatawag itong “tear film”. Ang first main middle watery layer ay nagmumula sa lacrimal gland na matatagpuan sa itaas na bahagi ng mata.
Kapag kumurap tayo, ikakalat ng talukap ng mata ang mga luha, hanggang sa natitirang bahagi ng ibabaw o surface. Ang second thin oily (lipid) layer ay nagmumula sa meibomian glands na matatagpuan sa loob ng eyelids. Habang ang huling layer ay ang manipis na innermost mucous layer na nagbibigay ng sustansya sa cornea — at dumidikit o sticks ang luha sa ibabaw ng mga mata.
Karaniwan, ang mga luhang ginawa ng mata ay umaagos sa canaliculi (maliit na channel), papunta sa isang tear sac. Mula dito, dumadaloy ito sa isang channel na tinatawag na tear duct (o nasolacrimal duct), kung saan, ito ay patungong ilong. Kapag ang luha ng isang tao ay hindi maubos ng lubusan, pwede silang magkaroon ng blocked tear duct.
Bagama’t maaari itong maganap sa anumang edad, ang baradong tear duct ay kadalasang nangyayari sa mga bagong silang at maliliit na bata.
Mga Sintomas ng Baradong Tear Duct sa Bata
Ang pagkakaroon ng baradong tear duct ay pwedeng mangyari sa parehong mata. Narito ang mga sumusunod na sintomas ng blocked tear duct para sa bata:
- Ang mga mata ay matubig o nagiging mabigat ang mga luha.
- Madilaw-dilaw o puting tila nanang discharge (walang amoy) sa sulok ng mata. Pwedeng maging mag kadikit ang mga talukap ng mata dahil dito.
- Crusted mucus sa kahabaan ng eyelashes.
- Bahagyang pamumula at pamamaga sa paligid ng mata o ilong.
Kung ang iyong anak ay ganap na may blocked tear duct, mararanasan nila ang mga sintomas na ito. Gayunpaman, sa ilang mga kondisyon, pwede mong mapansin ang parehong mga sintomas. Kapag sila ay may bara sa ilong o kapag gumagawa sila ng mga karagdagang luha. Ang kondisyong ito ay tinatawag na partial blockage.
Minsan, ang iyong anak ay pwedeng lagnatin, o ang kanilang nasolacrimal sac ay nagiging pula, namamaga, at masakit. Ang kondisyong ito ay tinatawag na dacryocystitis. Maaaring magkaroon ng ganitong kondisyon paminsan-minsan ang bata. Partikular, kapag ang nasolacrimal sac ay naging infected dahil sa matagalang pagbara ng tear duct.
Mga Dahilan ng Baradong Tear Duct
Ayon sa health experts, ang most common reason ng kondisyon na ito para sa mga bata ay ang pagkakaroon ng tear duct system na partially developed. Narito pa ang mga sumusunod na dahilan ng blocked tear duct:
- Mga paggamot sa kanser: Ang chemotherapy medication at radiation ay pwedeng magbigay ng side effects, gaya ng blocked tear duct.
- Congenital blockage: Sinasabi na ang ilang babies ay ipinanganak na may nakabarang tear duct. Maaaring dahil ito sa abnormalidad ng duct o underdeveloped drainage system.
- Pamamaga o impeksyon: Pwedeng magkaroon ng blocked tear duct ang baby dahil sa chronic infection o pamamaga sa mata, tear drainage system o sa ilong ng bata.
- Pagtanda: Habang tumatanda ang iyong anak, ang maliit na opening na nagdre-drain sa luha ay maaaring maging makitid at hindi maging maluwag. Kung saan, pwede itong maging sanhi ng pagbabara.
Alamin ang mga Komplikasyon
Pwedeng magkaroon ng impeksyon sa mata ang iyong anak, dahil sa nakaharang na tear duct. Sa ganitong kondisyon, maaari kang kumonsulta sa isang pediatrician na pwedeng magrekomenda ng antibiotics.
Sa siyentipiko, sa oras na ang iyong anak ay mag-isang taong gulang, ang kondisyon ay maaaring humupa at gumaling sa sarili nitong paraan. Gayunpaman, kung ang ducts ay naka-block pa rin, pwedeng mangailangan sila ng gamot o treatment.
Mga Paggamot sa Blocked Tear Duct
Sa kabutihang palad, hindi ito itinuturing na isang seryosong kondisyon, sapagkat maaari itong mawala sa sarili nitong paraan bago ang edad na siyam na buwan ng bata.
Subalit, mahalaga para sa’yo na sundin ang mga sumusunod na hakbang para maiwasan ang mga impeksyon at mapabilis ang proseso ng paggaling:
- Maglagay ng warm compress: Dahan-dahang linisin ang mata gamit ang malambot at mainit na cotton ball o washcloth. Gawin ito kung makakita ka ng anumang naipon sa drainage.
- Tear duct massage: I-aplay ang mild na pressure o pag diin sa pagitan ng ducts at sa tabi ng itaas na ilong. Maiiwasan nito ang pagkaipon ng fluid sa duct.
- Eye drops: Kung ang area ay infected, ang iyong doktor ay pwedeng magreseta ng isang antibiotic eye drops.
- Hugasan ang iyong mga kamay: Laging hugasan ang iyong mga kamay bago at pagkatapos hawakan ang bahagi ng mata.
Paalala
Kung ang blocked tear duct ng iyong anak ay hindi mawawala sa edad ng 9-12 na buwan, pwedeng kailanganin nilang sumailalim sa nasolacrimal duct treatment.
Sa treatment na ito, ang pediatric ophthalmologist (espesyalista sa mata para sa mga bata) ay pwedeng magpasok ng probe sa nasolacrimal duct ng bata para linisin ang anumang bagay na nagdudulot ng mga bara. Karaniwang nagiging matagumpay ang treatment na ito.
Ang mga nakabarang tear duct sa babies ay normal. Tandaan din na pwedeng gumaling ito ng natural. Gayunpaman, kung may napakatubig na mga mata, o anumang fluid discharge ang iyong anak, dapat kang makipag-ugnayan sa’yong health expert para makakuha agad ng tamang patnubay.
Ipasuri ang mata ng iyong anak sa kanilang ika-6 na buwan upang malaman ang anumang posibleng isyu. Kung ang iyong anak ay nagpapakita ng anumang mga palatandaan ng discomfort sa kanilang mga mata o kung sila ay hindi karaniwang sensitibo sa liwanag, humingi ng medikal na payo at treatment mula sa’yong pediatrician.
Matuto pa tungkol sa pangangalaga sa kalusugan ng iyong anak, dito.