backup og meta

Ano Ang Epekto ng Trauma sa Bata, at Ano Ang Magagawa ng Magulang?

Ano Ang Epekto ng Trauma sa Bata, at Ano Ang Magagawa ng Magulang?

Nabubuhay tayo sa mundong hindi ligtas. Mula sa mga mass shooting hanggang sa forest fire, at pandemya, tila marami pang haharapin ang mga bata ngayon. Hindi maiiwasang dumaan sila sa development nang hindi nakararanas ng isang traumatic event. Ngayon, bilang mga magulang, ano ang dapat nating gawin? Magbasa pa para sa ilang tip kung paano ipaliliwanag kung ano ang epekto ng trauma sa bata.

Ano Ang Itinuturing Na Traumatic Event?

Bago natin ipaliwanag ang trauma sa bata, unawain muna natin kung ano ang traumatic event.

Tinatawag na traumatic event ang isang pangyayari o seyre ng mga pangyayari na nagdudulot ng matinding stress sa isang tao. Bagaman normal ang makaranas ng stress, kapag napakalaki nito, maaari itong ituring na traumatic event. Kadalasan, makikita ang traumatic event bilang karanasan ng matinding takot, kawalan ng pag-asa, pinsala, o banta ng kamatayan.

Maaaring mag-trigger ng iba’t ibang reaksyon ang mga traumatic event depende sa tao. Posibleng makaranas ng pagduduwal, depresyon, takot, o kalungkutan, o iba pa, ang isang tao. Pagtapos ng traumatic event, karaniwang nagiging maayos ang tao pagkalipas ng ilang linggo o buwan. Gayunpaman, kapag hindi ito natingnan o nalutas, maaari itong mauwi sa post-traumatic stress disorder o mas karaniwang tinatawag na PTSD.

Iba Kung Makaranas Ng Trauma Ang Mga Bata

Mahalagang malaman na magkaiba ang reaksyon ng mga matanda at bata sa trauma. Nasa mahinang posisyon ang mga bata dahil nag-de-develop pa lamang sila. Ibig sabihin, maaaring mag-iwan sa kanila ng panghabambuhay na isyu ang pagdanas ng trauma na maaaring makapinsala sa kanila kapag hindi ito naresolba.

Kapag nakararanas ng trauma, naiiba depende sa iba’t ibang dahilan ang reaksyon ng bata. Kabilang sa mga dahilan na ito ang edad, stage ng development, personalidad, at kung ano ang reaksyon ng iba sa paligid nila sa parehong traumatic event. Dagdag pa rito, maaari ding magpakita ang mga bata ng mabagal na reaksyon sa mga traumatic event. Ibig sabihin, posibleng mukhang ayos lamang sila sa umpisa pagtapos ng pangyayari.

Mga Senyales Na Maaaring Nakararanas Ng Trauma Ang Iyong Anak

Ano ang epekto ng trauma sa iyong anak? Bantayan ang mga senyales na ito kung sa iyong palagay, posibleng nakararanas ng trauma ang iyong anak.

Withdrawal

Kung mapansing hindi gaanong nagsasalita ang iyong anak, hindi gaanong aktibo at hindi gaanong interesado sa mga aktibidad, o mas mahina ang kumpiyansa kaysa karaniwan, maaaring senyales ito na nakararanas ng trauma ang iyong anak.

Pagkaabala

Kung mapapansin na paulit-ulit o nakagawian na ng iyong anak na gumawa ng mga aktibidad tulad ng roleplaying o pagguhit para maranasan uli ang isang pangyayari, posibleng nakararanas ng trauma ang iyong anak.

Anxiety

Kung may mga problema ang iyong anak sa pagtulog, may separation anxiety, o may mga problema sa pag-focus, maaaring nakararanas ng trauma ang iyong anak.

Pisikal Na Senyales

Hindi bihira para sa trauma na magpakita sa pisikal. Ibig sabihin, maaaring makaranas din ang iyong anak ng pananakit ng tiyan o pananakit ng ulo bilang tanda ng trauma.

Dapat tandaan na marami pang mga sintomas at senyales ng trauma. Gaya ng nakasaad sa itaas, iba ang magiging reaksyon ng bata sa trauma depende sa ilang dahilan. Nangangahulugan na iba ang makikitang sintomas at senyales ng trauma sa isang paslit kumpara sa isang 10 taong gulang o isang teenager.

Ano Ang Maaaring Magdulot Ng Trauma Sa Mga Bata?

Narito ang ilang mga dahilan ng trauma ng pagkabata

  • Pisikal na pang-aabuso at pagmamaltrato
  • Sekswal na pang-aabuso
  • Karahasan sa pamilya, paaralan, at komunidad
  • Kamatayan
  • Medikal na trauma
  • Malalang sakit
  • Mahiwalay sa isang mahal sa buhay
  • Mga aksidente
  • Mga likas na sakuna
  • Giyera

Pagpapaliwanag Ng Trauma Sa Bata

Dahil mahina pa ang mga bata sa kanilang stage ng development, mahalaga para sa mga magulang na tulungan silang lutasin ang anumang trauma na pinagdaraanan nila.

Narito ang ilang mga tip kung paano maipapaliwanag ang trauma sa bata.

1. Reassurance

Kailangan tiyakin sa iyong anak na tapos na ang pangyayari. Kailangan mo ring ibigay sa kanila ang pakiramdam ng pagiging komportable at pagiging ligtas para malampasan ang nararamdamang trauma.

2. Makinig

Bahagi ng pagpapaliwanag ng trauma sa bata ang masinsinang pakikinig sa kanyang pinagdadaanan. Hindi lang nito pinapakita sa iyong anak na pinapahalagahan mo ang kanyang kapakanan, kundi mabibigyan ka rin nito ng mga hint at clue kung paano mo mas mahusay na mahahawakan ang isyu at kung ano ang eksaktong kailangan ng iyong anak mula sa iyo.

3. Tanungin sila kung kumusta sila

Kasama ng pakikinig, dapat din silang tanungin kung kumusta sila. Hindi ka lamang magbibigayan ng pangungumusta sa kanila ng ideya kung ano kanilang emosyonal, mental, at sikolohikal na katayuan, ngunit nabibigyan din sila ng pagkakataon na masabi at maproseso para sa kanilang sarili ang kanilang damdamin.

4. Tiyakin sa kanila na hindi nila ito kasalanan

Pagtapos ng isang traumatic event, maaaring sisihin ng bata ang kanyang sarili. Posibleng isipin nila na sila ang may kasalanan. Mahalagang siguraduhin sa kanila na hindi ito ang kaso.

5. Makipag-usap bilang isang pamilya

Mahalaga ang one-on-one na pakikipag-usap. Gayunpaman, mahalaga rin ang pag-uusap bilang pamilya. Nabibigyan nito ng pagkakataon na maipahayag ng lahat ang kanilang mga opinyon, alalahanin, at damdamin tungkol sa pangyayari. Hindi lamang nito napapabuti ang pagkakaisa ng pamilya, ngunit nakatutulong din ito sa buong pamilya na pangalagaan ang isa’t isa.

6. Ipaliwanag sa iyong anak kung ano ang epekto ng trauma

Kung sa iyong palagay nasa hustong gulang na ang iyong anak, maaari ka na magpasya na ipaliwanag sa kanya kung ano ang trauma. Makatutulong ito sa kanila na maunawaan kung ano ang kanilang pinagdadaanan at malaman na normal lamang ito. Nakatutulong din ito upang maiwasan ang anumang pagkalito o pagkabahala na nararanasan nila.

Matuto pa tungkol sa Iba Pang Mga Isyu sa Kalusugan ng Bata dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

About Child Trauma, https://www.nctsn.org/what-is-child-trauma/about-child-trauma, Accessed July 29, 2021

Child Trauma FAQs, https://www.kidsmentalhealthinfo.com/topics/child-trauma/child-trauma-faqs/, Accessed July 29, 2021

Trauma and Children – Tips for Parents, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/trauma-and-children-tips-for-parents, Accessed July 29, 2021

Helping Children Cope with Traumatic Events, https://www.helpguide.org/articles/ptsd-trauma/helping-children-cope-with-traumatic-stress.htm#Accessed July 29, 2021

Coping with Traumatic Event, https://www.cdc.gov/masstrauma/factsheets/public/coping.pdf, Accessed July 29, 2021

Kasalukuyang Version

05/27/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Maiwasan ang Shaken Baby Syndrome

Alamin ang Komplikasyon ng Kawasaki Disease


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement