backup og meta

Diarrhea ng Sanggol: 5 Mga Katangian at Palatandaan

Diarrhea ng Sanggol: 5 Mga Katangian at Palatandaan

Isa ang diarrhea sa pinakakaraniwang digestive disorders. Gayunpaman, ito ay dapat na mabilis makilala at magamot agad. Ang mga problema sa pagdumi ay maaaring mapanganib. Ito ay dahil ang mga sanggol ay lubhang madaling makaranas ng dehydration at ito ay maaaring nakamamatay para sa kanila. Kaya, kailangang malaman ng mga magulang ang iba’t ibang senyales at katangian ng diarrhea ng sanggol para mabilis silang magamot. 

Mga karaniwang palatandaan ng diarrhea ng sanggol

Ang bawat sanggol ay maaaring magpakita ng iba’t ibang katangian at palatandaan kapag nalantad sa pagtatae o diarrhea. 

Ayon sa Kids Health, karaniwang nangyayari sa mga sanggol ay nakakaranas ng pananakit at cramps sa tiyan hanggang sa matubig na pagdumi.

Nangyayari ito dahil ang sanhi ng diarrhea ng sanggol ay virus, bacteria, parasite, o food poisoning. Ang pag-alam sa mga palatandaan ay makakatulong sa iyo na harapin ang kundisyon nang mas naaangkop.

Ang mga sumusunod ay mga palatandaan at katangian ng diarrhea ng sanggol na maaaring mangyari:

  1. Dumudumi ng mas marami kaysa karaniwan

Isa sa palatandaan ng pagtatae sa mga sanggol ay ang pagdumi na mas madalas sa karaniwan.

Ayon sa Seattle’s Children’s Hospital, ang normal na dalas ng pagdumi para sa mga sanggol na umiinom ng gatas ng ina ay 6 na beses sa isang araw.

Samantala, ang formula-fed babies ay dumudumi hanggang 8  beses sa isang araw sa unang linggo.

Ang mga bagong silang ay madalas na dumudumi. Gayunpaman, kung ang dalas ay lumampas sa normal limits na nabanggit sa itaas, ito ay nagpapakita ng mga palatandaan ng pagtatae ng sanggol.

Paano naman ang pattern ng pagdumi ng sanggol na mas matanda? Pagpasok ng edad na 2 buwan, ang dalas ng pagdumi ay karaniwang bababa.

Ang mga sanggol na 2 buwan pataas na breastfed ay karaniwang dumudumi ng 3 beses sa isang araw. Karaniwang dudumi ng 1-2 beses sa isang araw ang mga sanggol na formula-fed.

Muli, kung mapapansin mo na ang pagdumi ng iyong sanggol ay nagiging mas madalas kaysa sa karaniwan, malamang na siya ay may diarrhea.

  1. Matubig at mabahong dumi

Bukod sa mas madalas na pagdumi, ang isa pang palatandaan ng diarrhea sa sanggol ay ang hitsura ng dumi.

Malambot at madilaw-dilaw ang dumi ng isang malusog at breastfed na sanggol. Samantala, ang dumi ng mga sanggol na umiinom ng formula milk ay mas siksik at brown ang kulay.

Kung napansin mo ang parehong hugis at kulay ng dumi ng iyong sanggol na nagbabago nang husto, maaaring ito ay isang senyales ng pagtatae.

Ang dumi ng isang sanggol na may diarrhea ay karaniwang magiging mas matubig na may mabahong amoy na mas masangsang. Minsan, ang pagtatae ay maaaring malansa din ang kaakibat na amoy.

  1. Lagnat

Gaya ng ipinaliwanag sa itaas na ang sanhi ng pagtatae sa mga sanggol ay kadalasang dahil sa bacterial, viral, at parasitic na impeksyon.

Ang impeksyong ito ay nangyayari dahil ang mga sanggol ay may ugaling magsubo ng maruruming kamay o laruan sa kanilang bibig.

Kapag nakapasok na ang iyong mga kamay sa iyong bibig, maaaring mahawa ng mikrobyo ang iyong digestive tract.

Lagnat ang isa sa mga palatandaan na ipinapakita ng sanggol. Ang ang immune system ng katawan ay lumalaban sa mga impeksyon na nagdudulot ng pagtatae.

Ang pagtaas ng temperatura ng katawan na mas mataas sa 38.9–40 ℃ ay maaaring magpataas ng panganib ng isang bata na ma-dehydrate.

  1. Malakas ang tunog ng tiyan ng sanggol

Isa sa katangian ng diarrhea ng sanggol na mabilis makilala ay ang tunog ng kanyang tiyan. Sa normal na kondisyon, ang malusog na sanggol ay minsa’y gumagawa ng maingay na tunog mula sa kanyang tiyan. 

Ang pag-tunog ng tiyan ng isang sanggol ay isang normal na reaksyon na nagmumula sa mga galaw ng bituka habang tinutunaw ang pagkain.

Gayunpaman, ang mga tunog ng tiyan na hindi regular at mas malakas kaysa karaniwan ay maaaring  tanda ng pagtatae ng sanggol. Ang kundisyong ito ay nangyayari dahil sa infected na mga bituka ng sanggol.

Ang isa pang digestive problem na maaaring maranasan ng mga sanggol ay ang matigas na tiyan dahil sa bloating, pagduduwal, at pagsusuka.

Maaari mo ring makita ang iyong baby na walang gana kapag siya ay nagtatae.

  1. Mabusisi o Fussy

Hindi makapagsasabi ng kanyang nararamdaman ang iyong sanggol. Maaari lang siyang umiyak kung hindi kumportable. Gayundin kung siya ay may diarrhea ng sanggol.

Gayunpaman, makinig nang mabuti sa pattern ng kanyang pag-iyak. Ang tunog ng isang sanggol na umiiyak dahil siya ay gutom o inaantok ay ibang-iba sa isang sanggol na umiiyak dahil sa sakit.

Maaaring makaramdam ng sakit ang sanggol kung bigla siyang umiyak ng malakas. Sa kabilang banda, ang isang sanggol na may sakit ay maaari ring umiyak nang mahina sa mahinang boses dahil sa kawalan ng lakas.

Sa pangkalahatan, kung siya ay tila mahina at masyadong maselan o fussy kaysa karaniwan, ito ay maaaring isang senyales na may dinaramdam, isa na ang diarrhea.

Key Takeaways

Iyan ang limang karaniwang katangian na ipinapakita ng mga sanggol kapag sila ay nagtatae. Gayunpaman, hindi lahat ng mga sanggol na may pagtatae ay magpapakita ng parehong mga palatandaan.
Maaaring may iba pang mga palatandaan na hindi nabanggit sa itaas ayon sa mga kondisyon ng kalusugan.
Bukod dito, mayroon ding mga palatandaan o sintomas ng diarrhea ng sanggol na maaaring magmukhang may iba pang mga problema sa kalusugan. Kung hindi ka sigurado, dapat mo itong dalhin kaagad sa doktor para sa karagdagang pagsusuri.
 

Matuto pa tungkol sa Child Health dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

07/08/2023

Isinulat ni Kristel Lagorza

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Parents, Narito Ang Ilang Tips Ngayong Summer Na!

RSV o Respiratory Synctial Virus: Alamin Kung Ano Ang Sakit na Ito


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Kristel Lagorza · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement