backup og meta

Sintomas ng autism, anu-ano nga ba?

Sintomas ng autism, anu-ano nga ba?

Ang developmental milestones ay isang set ng mga functional na gawain at kasanayan na magagawa ng karamihan sa mga bata sa isang tiyak na edad. Ang pagsusuri kung naabot ng iyong sanggol ang ilang mga milestone sa partikular na aspeto (pisikal, komunikasyon, atbp.) ay makakatulong sa iyong sukatin kung may mga pagkaantala sa pag-unlad o alalahanin gaya ng autism spectrum disorder (ASD). Ano ang mga maagang sintomas ng autism na dapat bantayang mabuti ng mga magulang?

ASD, isang overview

Ang autism spectrum disorder ay isang kapansanan sa pag-unlad na maaaring maging hamon sa komunikasyon, pag-uugali, at pakikipag-socialize sa ibang tao. Sa pisikal na paraan, walang pagkakaiba sa mga taong may ASD sa iba, ngunit maaari silang matuto, makipag-ugnayan, kumilos, at makipag-usap sa ibang paraan. Ang mga paraan ng kanilang pag-iisip at paglutas ng mga problema ay maaaring likas o seriously challenged. Ang ilan sa mga na-diagnose na may autism ay maaaring kailangan ng malawak na tulong at suporta, habang ang iba ay hindi gaano.

Binibigyang-diin ng mga eksperto na ang maagang assessment, na humahantong sa maagang interbensyon, ay mahalaga sa magandang pangmatagalang resulta. Dahil dito, kritikal na dapat makita ang mga unang palatandaan ng autism.

Mga Maagang Palatandaan ng Autism sa Mas Bata

Ayon sa mga eksperto, karamihan sa mga kaso ng autism ay hindi na-diagnose hanggang makalampas ang bata ng tatlong taong gulang. Ito ay sa kabila ng katotohanan na ang mga healthcare provider ay maaaring obserbahan ang mga developmental concerns bago ang edad na iyon.

Ang mas nagpapahirap, ang mga magulang ay madalas na hindi aware sa mga early signs nito. Kaya naman hindi nila iniisip ang ASD. Ito ay hanggang sa mapansin nila na ang kanilang anak ay hindi pa nagsasalita sa edad na karamihan sa mga bata ay nagsasalita. 

Narito ang mga sintomas ng autism na makakatulong na mapansin ang ASD-related developmental clues:

Sa 12 Months 

Karamihan sa mga sanggol ay napapalingon kapag narinig nila ang kanilang pangalan. Ang isang batang may ASD ay maaaring tumugon sa iba pang mga tunog. Gayunpaman, maaaring hindi sila mag-respond sa kanilang mga pangalan kahit na tawagin mo ng ilang beses.

Sa 16 Months

Ang mga 16 na buwang gulang na baby ay maaaring gumamit ng isang salita para sa komunikasyon. Maaaring hindi ito magawa ng mga baby na may ASD.

Sa 18 Months

Karamihan sa mga bata ay nakakapag-baby-talk sa edad na 18 buwan. Kung sakaling magkaroon sila ng speech delay, magagawa nila ang mga ekspresyon ng mukha, mga galaw ng kamay, at sa pamamagitan ng pagturo sa mga bagay. 

Gayunpaman, ang mga may autism ay maaaring hindi magawa ito. Bilang karagdagan, ang kanilang pananalita ay maaaring limitado sa pag-uulit ng kanilang naririnig mula sa TV o mga tao sa kanilang paligid (echolalia). Karamihan sa mga kaso, hindi rin nila nauunawaan ang salitang kanilang ine-echo.

Sa 24 Months

Kabilang sa isa sa mga unang sintomas ng autism sa mga bata ang hindi makapagpakita ng warmth o saya. 

Halimbawa, karamihan sa mga 2 taong gulang ay maaaring magdala ng bagay o laruan upang ipakita sa kanilang mga magulang at ngumiti o tumawa kasama nila. Ang mga batang may ASD ay maaaring magdala ng isang bote ng bubbles sa kanilang ina para buksan ito, ngunit hindi sila ngingiti, tatawa, o magpapakita ng kasiyahan. Sa karamihan ng mga kaso, maaari mong mapansin na mas gusto nilang maglaro nang mag-isa.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Karagdagang Mga Maagang Sintomas ng Autism

Ang mga bata na nagpapakita ng mga sumusunod na palatandaan ay maaari ding magkaroon ng ASD:

  • Pag-iwas sa eye contact
  • Hindi ngumingiti kapag ngumingiti ka sa kanila
  • Hindi gaanong nagsasalita tulad ng mga kaedad nila 
  • Kapag nagsasalita sila, maaari nilang mapagpalit ang pronouns. Halimbawa, maaari nilang tukuyin ang sarili bilang “ikaw” at pagkatapos ay tukuyin ang iba bilang “Ako.” 
  • Magpakita ng mga stereotypic na pag-uugali tulad ng rocking, pag-indayog, pag-ikot ng kanilang mga daliri, pag-flap ng kamay, at paglalakad ng patingkayad ng matagal.
  • Magpakita ng interes sa isang bagay lamang o aktibidad
  • Pagiging sensitibo sa tunog, texture, amoy, liwanag, o touch; maaari silang magalit nang husto kapag ang mga bagay na ito ay hindi nila gusto
  • Tumitingin sa mga bagay sa mga kakaibang anggulo 
  • Nakapipinsala sa sarili na pag-uugali, gaya ng paghampas sa ulo para pakalmahin ang kanilang sarili  

Ang Mga Susunod na Hakbang

Tandaan na hindi lahat ng batang may ASD ay magpapakita ng lahat ng mga sintomas na ito. Kaya, hindi mo kailangang suriin ang lahat ng mga sintomas ng autism. Gayundin, hindi lahat ng mga baby na nagpapakita ng mga palatandaang ito ay magkakaroon ng autism – ang ilan ay maaaring magkaroon ng iba pang mga pagkaantala sa pag-unlad o mga karamdaman. 

Sinasabi ng mga eksperto na dapat magtiwala ang mga magulang sa kanilang instincts. Kung sa tingin mo ang iyong anak ay nakikipag-ugnayan, nakikipag-usap, kumikilos, at nakikihalubilo nang kakaiba, dalhin sila sa isang doktor. Tandaan: ang maagang pagtuklas ay maaaring magkaroon ng malaking pagkakaiba.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Early signs of autism in toddlers: a follow-up study in the Danish National Birth Cohort, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/23404041/, Accessed January 25, 2021

What is Autism Spectrum Disorder? https://www.cdc.gov/ncbddd/autism/facts.html, Accessed January 25, 2021

When do children usually show symptoms of autism? https://www.nichd.nih.gov/health/topics/autism/conditioninfo/symptoms-appear, Accessed January 25, 2021

Signs of autism in children, https://www.nhs.uk/conditions/autism/signs/children/, Accessed January 25, 2021

Early Signs of Autism, https://www.nationalautismcenter.org/autism/early-signs/, Accessed January 25, 2021

What are the Early Signs of Autism? https://www.healthychildren.org/English/health-issues/conditions/Autism/Pages/Early-Signs-of-Autism-Spectrum-Disorders.aspx, Accessed January 25, 2021

Self-Injury in Autism Spectrum Disorder and Intellectual Disability: Exploring the Role of Reactivity to Pain and Sensory Input,
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5704147/, Accessed January 26, 2021

Kasalukuyang Version

07/19/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Eating Disorder Ng Bata

Pagpupuri ng Bata: Mayroon Bang Tama o Maling Paraan Ba Nito?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement