Magtanong sa mga eksperto sa kalusugan ng bata at sasabihin nila sa iyo ang kahalagahan ng pagpupuri sa mga bata kapag karapat-dapat sila. Ngunit, alam mo ba na may mga bagay na dapat tandaan kapag pinupuri ang mga bata? Ano ang mga implikasyon ng empty praises? Higit sa lahat, paano purihin ang bata na katiyakan na ginagawa mo ito sa paraan na nakatutulong sa kanilang pag-unlad? Ang mga sagot at higit pa sa artikulong ito.
Hindi Sapat ang Isang Papuri lamang
Ang papuri ay kapag sinabi mo o ipinakita sa mga bata na nagustuhan mo ang kanilang ginawa o kung paano sila kumilos. Ang isang simple, “great job” o “awesome work” ay ilang halimbawa ng papuri.
Sinasabi ng mga eksperto na ang pagpupuri sa mga bata ay hindi lamang nagpapalakas ng kanilang kumpiyansa, ngunit nakatutulong din ito sa kanila na magkaroon ng pansariling pakiramdam.
Ngunit hindi sapat ang papuri lamang. Sinasabi ng mga ulat na dapat isaalang-alang ang kalidad, konteksto, at intensyon ng papuri.
Isipin ang isang marathon kung saan ang mga bata na unang nakatapos at mas nagsumikap kaysa sa iba ay nakatanggap ng parehong medalya gaya ng lahat ng iba na pumasok sa marathon. Maaaring ipahiwatig nito sa kanila ang mensahe na hindi nila kailangang magtrabaho nang husto para makatanggap ng award. Ang pagpapakita lamang ng sarili, aktong pag sali at pag-eehersisyo ng may pinakakonting pag sisikap ay sapat na. Kung gayon, paano purihin ang bata nang wasto?
Paano Purihin ang Bata? Mga Bagay na Dapat Bigyan-Pansin
Sobrang pagpupuri
Habang pinapayuhan ang mga nasa hustong gulang na maging bukas sa pagbibigay ng pagpupuri, hindi inirerekomenda ng mga eksperto ang pagbibigay ng walang laman na papuri (empty praises) kung saan ang mga bata ay tumatanggap ng A+ para sa mga C- work na kanilang ginawa.
Ang aming halimbawa sa itaas tungkol sa marathon ay maaaring ituring na isang paraan ng labis na papuri. Kapag ginantimpalaan mo ang mga bata sa simpleng pagpapakita lamang, maaaring hindi nila matukoy ang kahalagahan ng pagsusumikap.
Ang walang laman na papuri ay maaaring mangahulugan din na madalas mong pinupuri ang bata sa pinakamaliit na bagay. Ito ay maaaring maging “praise addicts” kung saan sila ay gumagawa ng mga bagay dahil gusto nilang purihin kaysa sa tunay na saya o saysay ng gawa.
Pagpupuri sa mga bagay na wala sa kanilang kontrol
Ang isa pang dapat bantayan ay ang pagpupuri sa mga bata sa mga bagay na hindi nila kontrolado. Ang pagsasabi sa kanila ng “napakaganda mo” at “ang ganda ng boses mo,” ay hindi masama kung iisipin. Ngunit ang pagpuri sa kanila para sa mga bagay na iyon lamang ay hindi nakatutulong na magkaroon sila ng motibasyon.
Paano Purihin ang Bata? Mga Tips Kung Paano Mo Ito Maaaring Gawin
Kung gusto mong sulitin ang mga papuri na ibinibigay mo sa iyong mga anak, isaisip ang mga sumusunod na tips patungkol sa paano purihin ang bata:
Maging tiyak
Para saan nga ba ang iyong anak ay tumatanggap ng papuri? Sa halip na sabihin ang “great job sa restaurant ngayon,” sabihin sa kanila sa halip “salamat sa matiyagang paghihintay para matapos akong makipag-usap sa aking kaibigan.”
Manatiling tapat
Malalaman ng mga bata kapag hindi ka tapat sa iyong mga papuri. Kung sasabihin mo sa kanila na “Ikaw ang pinakamahusay na manlalaro sa larangan,” kapag ang isa pang kaklase ay malinaw na mas mahusay, maaari nilang isipin na hindi mo sila pinapansin o hindi ka naniniwala na maaari silang gumawa ng mas mahusay.
Purihin ang pagsisikap at tumuon sa pag-unlad
Subukang maigi na huwag ikumpara ang iyong mga anak sa iba. Sa halip, tumuon sa kung paano sila gumanap at pagkatapos ay tulungan silang pag-isipan kung ano ang nararamdaman nila tungkol sa kanilang sariling tagumpay.
Sa aming halimbawa ng marathon, hindi naman masama para sa lahat na makatanggap ng medalya. Ngunit, maaaring makatulong kung purihin mo ang iyong anak sa pamamagitan ng pagsasabi ng, “Congratulations on finishing the race, what do you feel about it? Sa tingin mo ba ito ang iyong pinakamahusay na pagsisikap?”
Syempre, tumutok din sa pag-unlad. Kung bumuti ang kanilang sulat-kamay, sabihin sa kanila. “Ang iyong pagsusumikap ay nagbubunga dahil gumanda at umayos na ang iyong sulat-kamay!”
Higit sa papuri, ipakita ang pagpapahalaga
Paano purihin ang bata? Bukod sa pagpupuri sa mga bata, ipakita sa kanila na pinahahalagahan mo ang kanilang pagsisikap, dahil ito ay positibong nakaapekto sa kanila
“Salamat sa pagtulong mo sa akin sa garden. Dahil diyan may libreng oras ako at matutulungan ko ang lola mo sa mga labahing damit.”
Key Takeaways
Ang pagpupuri sa mga bata ay isang mahusay na paraan upang palakasin ang kanilang kumpiyansa at pakiramdam ng sarili. Ngunit tandaan na may mga bagay na dapat bantayan, tulad ng labis na papuri, pagiging hindi tapat, pagkukumpara sa kanila sa iba, at pagtutok sa mga bagay na hindi nila kontrolado.
Alamin ang iba pa tungkol sa Behavioral at Developmental Disorders dito.