Ang isang bata na may intellectual disability (ID) ay maaaring makaranas ng mga hamon sa maraming aspeto ng kanilang buhay habang lumalaki. Narito ang 5 mahahalagang kaalaman tungkol sa intellectual disability ng mga bata.
[embed-health-tool-child-growth-chart]
1. Ang epekto ng intellectual disability ay nag-iiba sa mga bata
Isa sa pinakamahalagang kaalaman tungkol sa intellectual disability ay ang mga epekto nito ay nag-iiba sa bawat bata. Ang mga sintomas ay depende sa sanhi; gayundin, ang mga estratehiya sa pamamahala ay talagang nakakaimpluwensya sa lawak ng mga epekto.
Para sa mas malalim na pagtingin sa mga posibleng palatandaan at sintomas ng intellectual disability sa bata, tingnan ang gabay na ito:
Pagkatapos ng kapanganakan, maaaring magpakita ang ilang bata ng:
- Hindi pangkaraniwang hugis ng mga kamay o paa
- Mga kakaibang facial features, hal., hindi pangkaraniwang malaki o maliit na ulo
Habang lumalaki, ang mga batang may ID ay nagpapakita ng mga pisikal na palatandaan tulad ng:
- Hindi nakakakain at hindi lumalaki gaya ng inaasahan
- Hirap na maabot ang ilang mga pagbabago tulad ng paggulong, paggapang, pag-upo, pagtayo, at paglalakad
- Panghihina, seizure, pagod, pagsusuka
- Ihi na may hindi pangkaraniwang amoy
Minsan, ang mga sintomas ay makikita lamang kapag sila ay pumasok na sa paaralan, tulad ng:
- Hirap sa paggamit ng mga salita o pagbuo ng mga pangungusap
- Nahihirapan na makipag-kaibigan o sa iba pang social challenges
- Senyales ng aggression o init ng ulo, lalo na kapag frustrated
- Senyales ng pagkabalisa at depresyon
- Hirap na makasabay sa mga aralin kumpara sa mga kaklase
2. Mas mahusay na inilalarawan ng “ID” sa mga bata ang saklaw at realidad ng developmental condition
Dati, ginagamit ng mga tao ang “mental retardation” para tukuyin ang mga sintomas na unang nabanggit. Ngayon, ang karamihan ng mga institusyong pangkalusugan sa buong mundo ay hindi na ginagamit ang terminong ito.
Sa halip, ginagamit na ngayon ang intellectual disability (o kapansanan sa pagkatuto). Itinatampok ng mga eksperto na mas mahusay na ipinapaliwanag ng ID ang saklaw at katotohanan ng pagkakaroon ng intellectual challenges.
3. Ang mga IQ test ay hindi lamang ang paraan upang masuri ang isang ID
Iniisip ng maraming tao na ang tanging paraan upang masuri ang intellectual disability ay sa pamamagitan ng Intelligence Quotients (IQ) tests. Ngunit, sinusukat lamang ng IQ tests ang katalinuhan o kakayahan ng isang tao na gumamit ng impormasyon upang sagutin ang mga tanong at gumawa ng mga prediction.
Kung titingnan muli ang mga posibleng senyales at sintomas ng intellectual disability, mapapansin mo na ang epekto nito ay higit pa sa mga hamon sa pag-iisip at talino. Ayon sa mga report, ang isang taong may ID ay may limitasyon sa kanilang intelektwal na paggana at development (pagpaplano, pangangatwiran, paghuhusga, atbp.) at adaptive na pag-uugali.
Kaya naman, bukod sa pagsuri sa kanilang IQ, kailangan ding suriin ng mga eksperto ang kanilang adaptive na pag-uugali. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng pagsuri kung paano ginagawa ng bata ang kanyang daily activities. Halimbawa nito ang pagsunod sa rules, paggamit ng pera, pag-solve ng social problems, at pag-aalaga sa kanilang sarili.
4. Maraming dahilan ang intellectual disability
Ang isa pa sa mahahalagang kaalaman tungkol sa intellectual disability ay maaaring magresulta ito sa maraming dahilan.
Marami sa mga dahilang ito ay nangyayari bago ipanganak ang sanggol habang ang utak niya ay nade-develop pa. Kasama sa mga halimbawa ang:
- Chromosomal na kondisyon tulad ng Down syndrome
- Mga problema sa panahon ng pagbubuntis, tulad ng malnutrisyon, substance abuse, at ilang mga matitinding impeksyon.
- Mga minanang kondisyon sa lahi tulad ng Tay Sachs disease (isang neurodegenerative disorder)
Maari ring magkaroon ng ID ang mga sanggol na nakaranas ng problema sa panahon ng kapanganakan. Ito ay tulad ng kakulangan ng oxygen at malubhang prematurity.
Posible rin bang magkaroon ng intellectual disability ang isang sanggol pagkatapos niyang ipanganak? Sinasabi ng mga eksperto na posible ito. Ang panganib ng ID ay tumataas sa:
- Lead poisoning
- Tumor sa utak
- Impeksyon sa utak
- Head injury
- Pang-aabuso at pagpapabaya
5. Mayroong ilang mga paraan upang pamahalaan ang intellectual disability
Ang pamamahala ng intellectual disability sa bata ay nakasalalay sa sanhi, kanilang mga sintomas at pangangailangan.
Kasama sa mga layunin na siguraduhing ang bata ay nasa pinakamabuting kalusugan, kaya dapat na unahin ang anumang alalahanin sa kalusugan. Ang isa pang layunin ay mapahusay ang kanilang pagganap ng mga gawain. Dahil dito, karaniwang nakikipagtulungan ang mga magulang sa healthcare team, na maaaring kabilang ang:
- Doctors o pediatricians
- Psychologists o counselors
- Speech, physical, and occupational therapists
- Nutritionists
- Special education teachers
Key Takeaways
Tulad ng anumang kondisyon, ang maagang pagsusuri at intervention ay nagpapataas ng pagkakataon ng magagandang resulta. Gayundin ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa intellectual disability sa bata.
Kung pinaghihinalaan mo na ang iyong anak ay may intellectual disability, dalhin siya sa doktor upang masuri ang mga sintomas at maisagawa ang mga kinakailangang mga test.
Matuto pa tungkol sa Behavioral and Developmental Disorders dito.
[embed-health-tool-bmr]