backup og meta

Epekto Ng Screen Time Sa Child Development, Ano Nga Ba?

Epekto Ng Screen Time Sa Child Development, Ano Nga Ba?

Isiniwalat ng ilang pag-aaral na nakasasama sa kalusugan at development ng preschoolers ang maagang exposure sa gadgets gaya ng smartphones, tablets, at video game consoles. Inilista ng artikulong ito ang ilan sa mga epekto ng screen time sa brain development ng bata.

Epekto Ng Screen Time #1: Binabawasan Nito Ang Early Experiences Ng Bata

Mahalaga ang yugto ng preschool age dahil ito ang panahong nangyayari ang kapansin-pansing paglaki ng utak ng bata at pagdagdag nng function nito.

Bukod pa sa bilang ng brain cells, mahalaga rin sa kanyang brain development ang koneksyon ng mga brain cells sa isa’t isa (synapses). Lumalawak ang synapses bilang tugon sa maagang mga karanasan ng bata. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ng mga toddler at preschooler na mag-explore ng kanyang kapaligiran. Kailangan nilang lumibot, makipag-ugnayan sa mga tao, at gamitin ang kanilang mga pandama.

Ang exposure ng preschoolers sa mga gadget gaya ng smartphones ay may maliit lamang na nagagawa upang paganahing mabuti ang kanilang sensory experiences, kahit pa ang layunin sa paggamit nito ay para matuto.

Epekto Ng Screen Time #2: Nauuwi Ito Sa Pangit Na Performance Sa Screening Test

Upang malaman ang mga epekto ng screen time sa brain development ng bata, nagsagawa ng cohort study (research na may follow up) ang ilang mananaliksik na may 2,441 pares ng nanay at anak.

Nang umabot na sa edad 24, 36, at 60 months ang mga bata, kinuha ng mga investigator ang kanilang screen time details. Pagkatapos, tinanong ang kanilang mga nanay na kompletuhin ang Ages and Stages Questionnaire, Third Edition (ASQ-3).

Ang ASQ-3 ay malaganap na ginagamit bilang parent-reported developmental screening measure. Mayroon itong 30 tanong na tumutukoy sa progress ng isang bata sa personal-social domains, problem solving, at communication skills.

Ipinapakita ng pag-aaral na ang maaga at sobrang exposure sa screen time habang nasa 24 buwang gulang pa lang ang bata ay nauuwi sa pangit na resulta ng development sa ika-36 na buwan. Gayundin, ang sobrang screen time sa ika-36 na buwan ay nakababawas sa developmental outcomes sa ika-60 buwan ng bata.

Epekto Ng Screen Time #3: Problema Sa Pagtulog At Behavioral Difficulties

Sa isang pag-aaral kabilang ang 367 preschoolers na may neurodevelopmental disorders (NDDs) tulad ng autism, learning disorders, at language delay, tiningnan ng mga mananaliksik ang koneksyon sa pagitan ng screen time ng bata, sleep habits, at emotional at behavioral difficulties (EBDs).

Mula sa reported data ng caregiver, napag-alaman ng mga investigator na:

  • 52% ng mga preschooler ang nagkaroon ng kanilang unang screen time exposure mula 18 months o mas bata pa.
  • Halos lahat ng mga kalahok ay lumagpas sa inirerekomendang screen time na isang oras kada araw.
  • 7% ng mga preschoolers ang may at least 1 device sa kanilang tulugan.

Sa sleep habits naman ng mga bata at EBDs, lumabas sa pag-aaral na:

  • 3% ng mga bata ay may mataas na problema sa pagtulog gaya ng mababang sleep quality.
  • 9% ay may clinically-elevated emotional at behavioral difficulties.

Binigyang diin ng mga mananaliksik na nagsagawa sila ng strict measures upang matiyak na hindi maaapektuhan ng neurodevelopmental delays ng mga bata ang resulta ng kanilang pag-aaral. Nangangahulugan ito na ang resulta ng mga problema sa pagtulog at EBDs ay dulot lamang ng screen use.

Sa huli, sinabi muli nila na bagaman ginawa nila ang pag-aaral sa mga preschooler na may NDD, pwede pa ring magamit o ilapat ang resulta nito sa pangkalahatang populasyon.

Paano Maiiwasan Ang Mga Epekto Ng Screen Time Sa Brain Development Ng Bata

Maraming magulang ang naniniwala na ang pagpapagamit ng smartphones at iba pang gadget sa preschooler ay epektibo upang aliwin sila. Gayunpaman, dahil nagdudulot ng panganib ang maagang exposure sa brain development, dapat na maging priyoridad ng mga magulang ang pagpapaliban ng paggamit ng bata ng gadget. Sa halip na bigyan sila ng gadget, tandaan ang mga sumusunod na aktibidad na magpapalakas ng kanilang brain development:

1. Magpatugtog ng ilang children’s song.

Upang mapaunlad ang kanilang sensory at motor experience, magpatugtog ng mga pambatang kanta. Hayaan ang iyong anak na umawit at sumayaw. Karamihan sa mga preschooler ay kontento na sa musika lamang, kaya’t hindi na kailangang pakitaan pa sila ng music video.

2. Hayaan silang gumuhit at magpinta.

Upang maiwasan ang mga epekto ng screen time sa brain development ng bata, bakit hindi mo bigyan ang iyong mga anak ng art materials?

Pwede kang maglaan ng lugar, sapinan ito ng dyaryo, at bigyan ang mga anak mo ng papel, crayons, at pintura. Tiyakin lamang na hindi nakalalason ang mga art materials. Magtakda rin ng rules na hindi sila pwedeng magpinta o gumuhit sa mga pader at iba pang surfaces.

Maaring maging makalat sa gamit ang pagiging creative sa art. Pero worth it naman dahil nag-po-promote ito ng brain development at pagiging malikhain sa bata.

3. Hikayatin silang bumuo.

Nagpapaunlad ng problem-solving skills at creativity ang pagbubuo ng mga bagay. Pwede kang magbigay sa iyong anak ng mga building blocks at constructor sets na pwede nyang gamitin. Piliin ang set na may malalaking piraso upang hindi nila ito malunok.

Kung walang laruan, pwede mo silang bigyan ng maliit na lugar, ilang kumot, mga upuan, clips at iba pa, at hikayatin silang bumuo ng kuta o lungga. At upang mas maging kasiya-siya, hayaan silang magtanghalian at maghapunan doon.

4. Maglaan ng oras kasama sila.

Syempre pa, ang pinakamagandang paraan upang maiwasan ang maagang screen time ay ang maglaan ng oras kasama ng iyong anak. Ang simpleng pakikipag-usap sa kanila ay nakatutulong upang umunlad ang kanilang socialization at language skills. Pwede mo rin silang pagbigyang maglaro kasama ng iba pang bata, basahan sila ng libro, o hingin ang kanilang tulong na gawin ang mga simpleng gawaing bahay.

Hindi dapat mag-alala ang mga magulang na mawalan ng options na pwedeng subukan. Maraming alternatibong aktibidad ang pwedeng ipamalit sa screen time.

Matuto pa tungkol sa Behavioral at Developmental Disorders dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Preschoolers (3-5 years of age), https://www.cdc.gov/ncbddd/childdevelopment/positiveparenting/preschoolers.html, Accessed November 13, 2020

5 Reasons Why Screen Time Is Bad for Young Children, https://mindd.org/screen-time/, Accessed November 13, 2020

Too Much Screen Time Harmful for Kids’ Development (Especially Those Under Age 5), https://health.clevelandclinic.org/too-much-screen-time-harmful-for-kids-development-especially-those-under-age-5/, Accessed November 13, 2020

Association Between Screen Time and Children’s Performance on a Developmental Screening Test, https://jamanetwork.com/journals/jamapediatrics/fullarticle/2722666?guestAccessKey=879c6c87-141e-48f8-8c95-4d684600a644, Accessed November 13, 2020

Study finds links between early screen exposure, sleep disruption and EBD in kids, https://www.sciencedaily.com/releases/2019/11/191113092608.htm, Accessed November 13, 2020

12 Healthier Alternatives to Screen Time When Kids Are Stuck at Home With No School, https://health.clevelandclinic.org/12-healthier-alternatives-to-screen-time-when-kids-are-stuck-at-home-with-no-school/, Accessed November 13, 2020

Kasalukuyang Version

03/28/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Socio-Emotional Development Ng Bata: Heto Ang Dapat Mong Malaman

Mahahalagang Teorya Sa Child Development


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement