backup og meta

Behavioral Disorder Ng Bata: Mga Karaniwang Disorders Na Dapat Alam Ng Magulang

Behavioral Disorder Ng Bata: Mga Karaniwang Disorders Na Dapat Alam Ng Magulang

Karamihan sa mga bata ay nagpapakita ng behavioral issue isang beses sa isang pagkakataon. Kadalasan, hindi nila sinusunod ang tuntunin, nagmamaktol, o sobrang nagiging aktibo. Sa paglaki nila, naipapahayag na nila ang kanilang nararamdaman at nauunawaan na ang mga tuntunin. Mula rito ang kanilang pag-uugali ay nagiging maayos din. Kung ang mga isyu ay nangyayari pa rin o lumalala, maaaring ang iyong anak ay may kondisyon sa pag-uugali. Nasa ibaba ang karaniwang behavioral disorder ng bata.

Ano ang ilan sa mga karaniwang behavioral disorders ng bata?

behavioral disorder ng bata

Attention-Deficit/Hyperactivity Disorder

Kilala rin sa tawag na ADHD, ang Attention-Deficit/Hyperactivity Disorder ay isang kondisyon kung saan ang bata ay hindi maayos ang atensyon, sobrang aktibo, o pareho.

Depende sa kung anong mas “dominante” na ugali, ang doktor ay maaaring iuri ang kanilang mga sintomas bilang predominantly inattentive, predominantly hyperactive, o pinagsama. Gayunpaman, ang ADHD ay dinamiko, kaya’t ang iyong anak ay maaaring mayroong porma na kombinasyon at maging predominantly inattentive.

Conduct Disorder

Ang isang bata o teenager na nagpapakita ng conduct disorder (CD) ay mayroong iba’t ibang sintomas. Kabilang na dito ang aggression sa mga tao, hayop, hindi sumusunod sa awtoridad, at may tendensiya na magsinungaling, magnakaw, o maging marahas.

Binigyang-diin ng mga eksperto na kung ang bata ay may CD, ang kanilang pag-uugali ay higit sa pagiging rebelde; minsan, sila ay kumikilos upang sirain ang mga ari-arian o makasakit ng mga tao.

Ang nakalilitong parte tungkol sa conduct disorder ay kalimitang nakikita ang mga bata bilang makukulit o teens na kailangan ng disciplinary sanctions kaysa sa mental na kalusugan na interbensyon.

Oppositional Defiant Disorder

Kung ang bata ay may oppositional defiant disorder (ODD), maaari silang magpakita ng paulit-ulit at palagiang patterns ng pagiging iritable, galit, at hindi pagsunod sa kanilang mga magulang at iba pang authoritative figures, tulad ng mga guro. Karagdagan, kalimitin silang makikipag-argumento sa matatanda at magpapakita ng pagiging mapaghiganti kung hindi nila makukuha ang kanilang gusto.

Tulad sa kaso ng CD, ang mga tao ay may tendensiya na isipin ang ang batang may ODD na may labis na lakas ng loob. Kaya’t hahantong ito sa paggamit ng hindi akmang interbensyon.

Mahalaga:

Maliban dito sa tatlong karaniwang behavioral disorder sa bata, ang isang bata ay maaaring maranasan ang ibang developmental na alalahanin na maaaring makaimpluwensya sa kanilang pag-uugali.

Halimbawa ng mga developmental na kondisyon ay:

Autism Spectrum Disorder

Ang autism spectrum disorder (ASD) ay isang developmental na kondisyon na nagreresulta ng hamon sa mga bata sa kanilang pag-uugali, social, at pakikipag-ugnayan.

Sa pisikal, walang makikita sa bata na naiiba sa kanyang mga kalaro. Ngunit kalaunan, mapapansin ng mga magulang na ang kanilang bulinggit ay natututo, nag-uugali, nakikipag-interaksyon at ugnayan na kakaiba mula sa ibang mga bata.

Ang mga sintomas ng ASD ay iba-iba mula sa iba’t ibang tao. Ang ilan ay kinakailangan ng mas maraming suporta at ang iba ay kaunti lang.

Dyslexia

Marami sa atin na pamilyar sa dyslexia bilang hamon sa pagkatuto. Sa kondisyong ito, nagkakaroon ang bata ng problema kaugnay sa pagsasalita hanggang sa titik at salita. Ito ay nagreresulta sa pagbasa, pagsulat, at hirap sa pagbaybay.

Dahil ang mga bata ay may isyu sa pagkatuto, may tendensiya sila na iwasan ang tiyak na mga gawain nang magkakasama. At maaaring umiwas habang nagtatalakay o may gawain na kinakailangan ng mental effort sa mahabang panahon.

Sa kabila ng mga hamon na ito, tandaan na ang dyslexia ay hindi nakaaapekto sa talino ng isang bata. Sa pamamagitan ng akmang interbensyon at suporta, maaari silang maging matagumpay sa paaralan.

Social (Pragmatic) Communication Disorder

Ang social (pragmatic) communication disorder (SCD) ay bagong neurodevelopmental na kondisyon. Isasama natin ito sa listahan dahil naapektuhan nito ang kapasidad sa komunikasyon at social skills na pag-uugali nila.

Ang isang batang may SCD ay karaniwang may problema sa paggamit ng berbal at ‘di-berbal na komunikasyon. Nahihirapan sila sa layunin na pakikipag-ugnayan sa kapwa. Maaaring mahirapan sila na ipakilala ang kanilang mga sarili sa harap ng maraming tao. Nahihirapan din sila na baguhin ang kanilang wika base sa katangian ng taong kanilang kinakausap.

Key Takeaways

Mayroong isang bagay na karaniwan sa pagitan ng behavioral at developmental na kondisyon sa mga bata. Ito ay ang katotohanan na ang maagang diagnosis at interbensyon ay magreresulta sa mas maayos na outcomes.
Gayunpaman, ang pagpansin sa ilang mga senyales ay hindi awtomatiko na ibig sabihin na ang bata ay may behavioral o developmental na kondisyon. Tandaan na ang ilan sa mga sintomas ay karaniwan sa mga lumalaking bata.
Kung ikaw ay nangangamba tungkol sa pag-uugali ng iyong anak at kanyang development, lalo na kung ang kanilang mga sintomas ay nakasasagabal na sa kanilang pagkatuto at interpersonal relationships, dalhin sila sa doktor para sa maayos na pagtukoy at akmang lunas.

Matuto pa tungkol sa Behavioral at Developmental Disorders dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Oppositional defiant disorder (ODD), https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/oppositional-defiant-disorder/symptoms-causes/syc-20375831, Accessed January 29, 2021

Behavioral Disorders, https://www.mentalhealth.gov/what-to-look-for/behavioral-disorders, Accessed January 29, 2021

Mental Health & Behavioral Disorders, https://childrensnational.org/visit/conditions-and-treatments/mental-health-behavioral-disorders, Accessed January 29, 2021

Behavioural disorders in children, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/behavioural-disorders-in-children, Accessed January 29, 2021

What is Autism Spectrum Disorder? https://www.cdc.gov/ncbddd/autism/facts.html, Accessed January 29, 2021

WHAT IS SOCIAL (PRAGMATIC) COMMUNICATION DISORDER? https://manhattanpsychologygroup.com/what-is-social-pragmatic-communication-disorder/#:~:text=Social%20(Pragmatic)%20Communication%20Disorder%20(,appropriate%20for%20the%20social%20context., Accessed January 29, 2021

Behavioural and emotional disorders in childhood: A brief overview for paediatricians, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5803568/, Accessed January 29, 2021

Kasalukuyang Version

07/26/2024

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Sanhi Ng Autism, Ano Nga Ba? Alamin Dito Ang Kasagutan

Ano Ang ADHD? Mahalagang Impormasyon Para Sa Mga Magulang


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement