Bakuna – bagaman nauunawaan ng mga magulang na mahalaga ang mga ito upang maiwasan ang maraming mapanganib na mga sakit sa mga bata, marami pa rin ang mga agam-agam at tanong tungkol dito. Kailan makapagpapabakuna ng partikular na bakuna ang aking anak? Paano kung hindi naturukan ng isang dose… uulit ba sila sa umpisa? Sa artikulo na ito, tatalakayin natin ang kumpletong bakuna ng bata sa ilalim ng Expanded Program on Immunization.
Ang Expanded Program on Immunization
Ang Expanded Program on Immunization (EPI) ay isang pambansang estratehiya upang masiguro na ang mga nanay, sanggol, at mga bata ay may access sa nirekomenda .
Nagsimula ang EPI noong 1976. Sa umpisa, ang kabilang lamang na mga bakuna ay yaong para maiwasan ang diphtheria, poliomyelitis, tuberculosis, tetanus, tigdas, at pertussis. Ngayon, ang programa ay labis na lumawak, at patuloy na nagliligtas ng libo-libong buhay sa Pilipinas kada taon.
Sa ilalim, ililista natin ang kumpletong bakuna ng bata sa EPI, kailan nila ito dapat na matanggap, at ilang mga katotohanan na dapat mong malaman tungkol dito.
Bacillus Calmette-Guerin (BGC)
Ang sanggol ay kadalasan na nakatatanggap ng isang dose ng BGC matapos na maisilang. Ipinangalan mula sa mga doktor na nakadiskubre nito, si Albert Calmette at Camille Guérin, ang bakunang ito ay makatutulong na protektahan ang iyong anak mula sa tuberculosis.
Ang tuberculosis ay isang nakahahawang bacterial infection na pangunahing nakaaapekto sa mga baga; ngunit maaari ring maapektuhan ang ibang parte ng katawan. Ipinakita ng pag-aaral na ang isang shot ng BGC ay maaaring magbigay ng proteksyon mula sa extrapulmuray TB hanggang 15 na taon.
Hepatitis B
Sa ilalim ng Expanded Program on Immunization, ang bata ay makatatanggap ng apat na doses ng Hepatitis B na bakuna. Isa matapos na maipanganak kasama ng BGC, at ang tatlo pa ay sa pagitan ng Pentavalent vaccine shots, na tatalakayin natin sa susunod na seksyon.
Ang Hepatitis B ay isang viral infection na pangunahing inaatake ang atay. Maaaring magkaroon nito ang isang tao kung ang kontaminadong fluid ng katawan (tulad ng dugo at semen) ay nakapasok sa katawan.
Tandaan na ang Hepa-B infection ay nagpapataas ng banta na magkaroon ng liver cancer ang isang tao. Kaya’t nagiging mas mahalaga ang bakuna.
Pentavalent
Mula sa pangalan nito, ang Pentavalent na bakuna ay maaaring magbigay ng proteksyon mula sa 5 sumusunod na mga sakit:
- Diphtheria: ang malalang bacterial infection na maaaring humantong sa problema sa respiratory system, heart failure, paralysis, at maging ang pagkamatay.
- Pertussis: isang nakahahawang respiratory na sakit na kilala bilang whooping cough.
- Tetanus: isang seryosong bacterial infection na maaaring maging sanhi ng muscle contractions, at mas malala, paralysis.
- Hepatitis B: ang pentavalent na bakuna ay mayroon ding pangalawa hanggang pangatlong dose para sa Hepatitis B na bakuna.
- Influenza B: sa huli, mayroon din nitong HIB na bakuna na maproprotektahan ang iyong anak mula sa influenza type b infections na nagreresulta sa impeksyon sa tenga, pneumonia, at cellulitis
Ang sanggol ay makatatanggap ng Pentavalent na bakuna nang tatlong beses, sa 6 na linggo, 10 linggo, at 14 na linggo. Ang isa pang dose ay maaaring ibigay mula 12 hanggang 18 na buwang edad.
Mahalang Tandaan
Tandaan na ang immunization schedule ay maaaring magbago depende sa kung anong makita ng doktor na kondisyon at pangangailangan sa kalusugan ng iyong anak.
Pneumococcal conjugate vaccine (PCV)
Ang PCV ay nakatutulong na maprotektahan ang iyong anak laban sa posibleng nakamamatay na pneumococcal infections, tulad ng pneumonia at meningitis. Karagdagan, ang PCV ay nagbibigay din ng proteksyon laban sa pneumococcal-related na impeksyon sa tenga, sinus infections, at bacteremia (blood infection).
Sa ilalim ng Expanded Program on Immunization, ang bata ay nakatatanggap ng PCV kasabay ng pentavalent na bakuna. Ang isa pang dose ay ituturok kung ang iyong anak ay nasa 12 hanggang 15 na buwang edad.
Oral polio vaccine (OPV) and the inactivated polio vaccine
Ang OPV at IPV ay nagbibigay proteksyon laban sa poliomyelitis, isang potensyal na nakapanghihina na viral infection.
Ang OPV ay ibinibigay kasama ng pentavalent at pneumococcal conjugate vaccines. Sa mga bakuna, ito ang pinaka madaling ibigay dahil ang mga sanggol ay kinakailangan lamang ng kaunting patak nito upang mabakunahan.
Ang IPV ay nangangailangan ng pagturok. Ang mga bata ay matatanggap ito sa 14 na linggo kasama ng Pentavalent Vaccine upang maging Hexavalent (6-in1) na Bakuna.
MMR
Ang MMR ay bakuna na nagbibigay proteksyon mula sa:
- Mumps: kilala rin sa tawag na beke; isang viral infection na nakaaapekto ng salivary glands; maaari itong humantong sa maraming komplikasyon tulad ng pamamaga ng ovaries, testes, pancreas at utak.
- Measles: kilala rin sa tawag na tigdas, ito ay labis na nakahahawa na viral infection na nagiging sanhi lang ng lagnat at rash ngunit maaaring magresulta rin ng komplikasyon tulad ng ear infection, diarrhea at conjunctivitis.
- Rubella: isa rin itong nakahahawang viral infection na nagiging sanhi ng rashes, lagnat, at mas prominente, paglaki at paglambot ng likod ng leeg.
Sa ilalim ng DOH immunization schedule, natatanggap ito ng mga bata nang dalawang beses. Ang una ay kung sila ay nasa edad na siyam na buwan at ang sumunod ay nasa 12 na buwan.
Tandaan
Tandaan na ang mga nabanggit na kumpletong bakuna ng bata ay kabilang sa DOH Expanded Program on Immunization para sa mga bata na 0-12 na mga buwan. Gayunpaman, ang Philippine Pediatric Society, kasama ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines, ay nirerekomenda ang karagdagang mga bakuna.
Sila ay maaaring makatanggap ng kumpletong bakuna ng bata bago mag isang taon, o matapos — sa ka-agahan or kahulihan ng kanyang pagiging bata:
- Rotavirus, na nagproprotekta sa mga bata mula sa virus na nagiging sanhi ng diarrheal diseases tulad ng gastroenteritis
- JE na bakuna, na nagbibigay ng proteksyon laban sa Japanese Encephalitis
- Hepatitis A na bakuna
- Varicella vaccine, na nakatutulong magprotekta mula sa bulutong
- HPV vaccine, na nagproprotekta mula sa human papillomavirus infection (isang banta mula sa cervical cancer)
Sa kadalasang kaso, kung ang iyong anak ay hindi naturukan ng dose, hindi mo kailangan umulit sa umpisa. Kausapin ang iyong doktor tungkol sa mga bakunang ibinakuna na sa iyong bata.
Sa huli, tandaan na ang immunization routine ay iba-iba depende sa kondisyon ng iyong anak o sa gagamiting bakuna. Ang pinaka mainam na gawin ay dalhin ang iyong anak sa doktor. Maaari ka nilang tulungan para sa tamang bakuna para sa iyong anak at magtakda ng immunization schedule.
Panatilihin ang pagsubaybay sa immunization schedule ng iyong anak sa pamamagitan ng aming vaccination tool!
Narito ang ilan pang kaalaman sa Pagiging Magulang.