backup og meta

Bakuna sa Bulutong: Mga Dapat Malaman Bago Ibigay sa Iyong Anak

Bakuna sa Bulutong: Mga Dapat Malaman Bago Ibigay sa Iyong Anak

Makikita sa baby book ng iyong anak ang listahan ng vaccination shots ang bakuna sa bulutong o chickenpox vaccine. Paano mo malalaman kung kailangan ito ng iyong anak? At ano ang dapat mong malaman bago ang pagpapabakuna nito?

Viral ba ang Chickenpox?

Ang varicella-zoster virus ang dahilan kaya nagkakaroon ng bulutong-tubig. Ito ay rashes na makati at nakakairita na may maliliit na paltos na puno ng likido. Ito ay lubhang nakakahawang sakit. Ang sinumang hindi pa nagkakaroon ng bulutong-tubig o hindi pa nabakunahan nito ay nasa panganib na mahawahan.

Karaniwan, ang mga may bulutong-tubig ay dumadaan sa tatlong stages. Una, ang mga papules, na mukhang pink na pantal o pulang bukol, ay maaaring lumabas pagkatapos ng ilang araw at maging maliliit na paltos na puno ng likido. Susunod, ang mga vesicles na ito na nabubuo ay kadalasang nagpuputok at tumutulo. Panghuli, sa huling yugto, ang mga langib ay nabubuo sa ibabaw ng mga pumutok na paltos at natutuyo upang bumuo ng mga crust. Ang pagpapagaling ay tumatagal ng ilang araw.

Sa kabila ng pagiging mild disease, ang bulutong-tubig ay maaaring humantong minsan sa mga komplikasyon gaya ng (ngunit hindi limitado sa) mga sumusunod:

  • Pulmonya
  • Dehydration
  • Toxic shock syndrome
  • Shingles
  • Encephalitis
  • Sepsis (bacterial infections sa balat, malambot na tisyu, buto, kasukasuan, o maging sa daluyan ng dugo)
  • Reye’s syndrome (sa mga bata at tinedyer na umiinom ng aspirin upang gamutin ang bulutong-tubig)
  • Dahil sa mga komplikasyong ito, sa mga bihirang kaso, ito ay maaaring humantong sa kamatayan.

Bakit Kailangan ng Iyong Anak ang Bakuna sa Bulutong

Pinakakaraniwan sa mga bata ang bulutong-tubig dahil ito ay isang lubhang nakakahawa at communicable disease. Ang varicella-zoster virus (VZV) ay maaaring maipasa airborne mula sa tao patungo sa tao sa pamamagitan ng pag-ubo, pagbahin, gayundin ng direktang kontak.

Nakakahawa ang virus 1-2 araw bago lumitaw ang pantal at hanggang sa magkaroon ng crusted ang mga vesicle, kadalasan 3-7 araw pagkatapos ng simula ng pantal. Ang mga bata ay karaniwang nakikipaglaro sa ibang mga bata na maaaring maglagay sa kanila sa mas malaking panganib na mahawaan ng sakit.

Ang immunization shots, tulad ng bakuna sa bulutong, ay maaaring makatulong na maiwasan ang pagkalat ng impeksyon. Makakatulong din ito sa mga bata na maiwasan ang mga malalang komplikasyon mula sa bulutong-tubig at maiwasan ang mga ito sa pagkakaroon ng shingles. Ang mga batang nabakunahan na nagkakaroon ng bulutong-tubig (o “breakthrough na bulutong-tubig”) ay karaniwang may mas banayad na kaso. Mayroon silang mas kaunting mga sugat, mas mababang lagnat, at maaari pang gumaling nang mas mabilis.

Ano ang Angkop na Dosage at Iskedyul ng Bakuna sa Bulutong para sa mga Bata?

Inirerekomenda ng Centers for Disease Control and Prevention na ang mga bata, kabataan, at mga nasa hustong gulang na hindi pa nagkaroon ng bulutong o nabakunahan ay dapat tumanggap ng dalawang dose ng bakuna sa bulutong. Ang unang dose ay dapat ibigay sa mga bata sa pagitan ng edad na 12 at 15 buwan, at ang pangalawang dose (o ang booster shot) ay dapat ibigay sa pagitan ng edad na 4 at 6. 

Ang ilang mga pediatrician at doktor ay maaaring magmungkahi ng pagkakaroon nito kasama ng pagbabakuna sa MMR, ngunit ito ay kung ang bata ay higit sa 4 na taong gulang. Ito ay dahil ipinakita ng mga pag-aaral na kapag ang bakuna sa MMR-V ay ibinigay sa mga batang wala pang 4 taong gulang, may mas mataas na tyansang ang bata ay maaaring magkaroon ng mga seizure pagkatapos matanggap ang bakuna. Ang ganitong uri ng bakuna ay nagbibigay din ng kaligtasan sa sakit at proteksyon laban sa tigdas, beke, at rubella.

Mayroon bang Mga Side Effects ng Bakuna sa Bulutong?

Bagama’t kilalang mabisa at ligtas ang mga bakuna sa bulutong-tubig, lahat ng gamot at medications ay maaaring magdulot ng mga potensyal na epekto. Ang mild chickenpox rash ay maaaring lumitaw 0 hanggang 42 araw pagkatapos ng bakuna sa varicella.

Ang isang tao ay maaaring makaranas ng ilang mga side effect na karaniwan sa anumang bakuna. Kabilang dito ang:

  • pananakit, pamumula, at pamamaga sa lugar ng iniksyon
  • Lagnat

Kailan Mo Kailangang Isaalang-alang ang Pagkaantala ng Pagbabakuna?

May mga kaso kung saan maaaring iantala ng mga dokror ang pagbabakuna. Kadalasan, ito ay kapag ang isang bata ay nakakaranas ng mga sumusunod:

  • Matinding masamang reaksyon mula sa nakaraang bakuna laban sa varicella
  • Mga allergy sa mga bahagi ng bakuna, tulad ng gelatin at antibiotic neomycin
  • Iba pang mga sakit sa immune system (i.e., cancer)
  • Iba pang mga gamot o steroid
  • Ang mga buntis ay hindi inirerekomenda na magkaroon ng bakuna dahil sa mga underlying effect nito at mga reaksyon.

Key Takeaway

Sa pangkalahatan, dapat magkaroon ang lahat ng bakuna sa bulutong-tubig upang labanan ang impeksyon. Ngunit bago magpabakuna, mahalagang kumunsulta sa iyong doktor. Ang bakuna sa bulutong ay ligtas, ngunit palaging magandang alamin ang mga posibleng reaksyon at epekto na maaaring maranasan ng iyong anak.

Matuto pa tungkol sa Child Health dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Your Child’s Immunizations: Chickenpox Vaccine, https://kidshealth.org/en/parents/varicella-vaccine.html Accessed October 12, 2021

Chickenpox, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/chickenpox/symptoms-causes/syc-20351282 Accessed October 12, 2021

Chickenpox – immunisation, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/chickenpox-immunisation Accessed October 12, 2021

Ask the Experts – Varicella (chickenpox), https://www.immunize.org/askexperts/experts_var.asp Accessed October 12, 2021

Chickenpox Vaccination: What Everyone Should Know, https://www.cdc.gov/vaccines/vpd/varicella/public/index.html Accessed October 12, 2021

 

Kasalukuyang Version

05/30/2024

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Parents, Narito Ang Ilang Tips Ngayong Summer Na!

RSV o Respiratory Synctial Virus: Alamin Kung Ano Ang Sakit na Ito


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement