Ano ang IQ?
Mahalaga ba ang EQ? Bago natin pag-usapan ang IQ vs. EQ, tingnan muna natin ang IQ. Ang IQ o intelligence quotient ay isang standardized score na nagsusuri ng mental na abilidad ng isang tao. Nalalaman ito pagkatapos kumuha ng serye ng mga pagsusulit. Maraming valid IQ o intelligence test na available. Dalawa sa kilalang-kilalang pagsusulit ang Stanford-Binet at Cattell test.
Hindi tulad ng tipikal na pagsusulit sa paaralan, hindi kinakatawan ng IQ score ang bilang ng tamang sagot. Sa halip, nakabatay ang IQ score sa average scores ng malaking populasyon (halimbawa, ng isang bansa). Ibig sabihin, ang IQ score na 100 ang average o pinakakaraniwang score. Mula roon, ang score na lubhang mataas o mababa sa 100 ang magiging high o low IQ.
Sa pagkuha ng IQ test, asahang makikita rito ang iba’t ibang area of cognition. Maaaring kabilang dito ang:
- Abstract thinking
- Problem-solving
- Inductive reasoning
- Quantitative reasoning
- Visual-spatial processing
- Pattern recognition
- Memory and recall
Ano ang EQ? – Ang Kahalagahan ng EQ vs. IQ
Ngayong nakatuon ang lahat sa IQ, nakakalimutan nating may higit sa isang paraan kung paano magiging matalino.
Ang emotional quotient, o EQ ay tumutukoy sa kakayahang gamitin at pamahalaan ang mga emosyon. Ang kahalagahan ng paglinang ng EQ vs. IQ ay hindi simple. Ang mga taong may abilidad na tukuyin at pamahalaan ang kanilang mga damdamin ay nakadedebelop ng mas magandang coping mechanism at nababawasan ang kanilang stress level. Ang hindi kinakailangan o sobrang stress noong kabataan ay may negatibong mga epekto sa utak at pag-unlad ng katawan.
Kung walang magandang EQ, maaaring maging balisa, kulang sa tiwala sa sarili, at may mahinang memorya at konsentrasyon ang isang bata. Habang nag-aambag ang memorya at iba pang mental na kakayahan sa IQ, madaling makita ngayon na may epekto ang EQ sa IQ.
Mahalaga ba ang EQ at IQ upang maging matagumpay sa buhay?
Likas na kagustuhan ng mga magulang na magtuon ng atensiyon sa mga bagay na mas makatutulong upang magtagumpay ang kanilang mga anak. Sa katotohanan, hindi dapat ito usapin ng pagpili sa pagitan ng IQ vs. EQ, kundi ang parehong pagpapaunlad sa mga ito. Dahil pareho itong kailangan, ang IQ at EQ ay kabilang sa pagpoproseso ng naiisip, alaala, at pagpapasya.
Ayon sa mga mananaliksik, ang tagumpay sa trabaho o buhay ay nangangailangan ng 80% EQ at 20% lamang ng IQ. Habang maipagmamalaki ang genius-level na IQ score, mas maraming may ari ng kompanya ang mas pinipili ang EQ kaysa sa IQ skills pagdating sa trabaho. Ito ay dahil ang mga emotionally intelligent na amo at empleyado ay mas inobatibo, mas engaged at produktibo. Higit lalo itong mahalaga para sa mga millennials at Gen Zs, dahil mas gusto nilang manatili sa kapaligirang magagawa nilang makibahagi at nakikita nila ang kahalagahan kung bakit nila ginagawa ang kanilang trabaho.
Nais mo bang mapaunlad ang IQ ng iyong anak? Pagyamanin ang kanilang emotional intelligence. Ipinakita ng mga pag-aaral na ang EQ level ay kasukat ng IQ level. Ibig sabihin, maraming intellectually gifted na mga bata ay emotionally intelligent din. Dahil ang EQ ay tumutulong sa healthy coping strategies, maaari nitong mailabas ang buong potensiyal ng IQ vs. EQ, o IQ lamang.
IQ vs. EQ – Ano ang mas mahalaga?
Sa pagitan ng IQ vs. EQ, mayroon bang malinaw na panalo? Wala, dahil pareho silang mahalagang bahagi ng pag-unlad ng isip, lalo na para sa mga bata.
Ang magandang nutrisyon at maagang mental stimulation ay nakatutulong upang umunlad ang key areas ng utak upang maging mas matalino at emotionally mature. Tandaang ang magandang EQ ay nagpapaunlad ng IQ at tinutulungan ang iyong anak na magtagumpay sa hinaharap.
Matuto pa tungkol sa pagpapaunlad ng IQ at EQ dito.
[embed-health-tool-vaccination-tool]