Binago ng COVID-19 ang pamumuhay ng bawat pamilya sa buong mundo. Partikular dito ang mga bata na labis na naapektuhan. Hindi pisikal na makapasok sa paaralan o makabisita sa kapamilya at kaibigan. Ang mundo ng mga bata ay lumiit at sila ay nakulong sa kanilang tahanan. Ang hamon sa mga magulang ay ang pagpapanatili ng “”holistic development”” sa panahon ng bagong normal sa edukasyon. Ano ang “”holistic development”” at ano ang mga benepisyo nito sa iyong anak?
Ano ang holistic development at bakit ito mahalaga?
Ang “holistic development” ng isang bata ay binubuo ng kanilang pisikal, emosyonal, sosyal at sikolohikal na aspeto ng kanilang sarili. Sa ibang salita, nagbibigay ito ng kahalagahan sa edukasyon at kabuuang pag-unlad ng bata, hindi lamang sa aspetong akademiko.
Isang benepisyo ng “holistic development” sa mga bata ay ang pagtaas ng tiwala at kamalayan sa kanyang sarili. Mula rito, umiinam ang kalusugan at ang kanyang kakayahan; napapabuti ang pakikipag-ugnayan sa iba at ang kanyang kakayahan sa lohikal na pag-iisip; at mas napapaganda ang kanyang sosyo-emosyonal at mataas na pag-iisip. Ang batang nabibigyang tuon ang knyang “holistic development” ay magkakaroon din ng mahusay na EQ (emotional quotient) na kung balanse sa kakayahang mag-isip (IQ) ay makakatulong sa matagumpay na buhay ng bata.
Sa pagtanda ng bata sa bahay ngayong panahon, paano pangangalagaan ng mga magulang ang kaaya-ayang kapaligiran para sa “holistic development” ng bata?
Paano suportahan ang physical development ng bata sa bahay
- Malaki ang epekto ng pandemya sa pisikal na kaunlaran at kalusugan kabilang ang bumababa na lebel ng mga pisikal na aktibidad at ng pagkagambala ng tulog dahil sa buong araw sa bahay. Ang panonood ng TV o mga bidyo ay maaaring panatilihing abala ang bata. Ngunit ibig sabihin din nito ay hindi gumagalaw masyado ang bata sa mahahabang panahon.Maaari mong suportahan ang pisikal na kaunlaran ng bata sa bahay sa pagsunod sa mga ito:
Ideyal sa mga bata ang magkaroon ng tatlong oras na pisikal na aktibidad sa iba’t ibang antas buong araw. Habang ito ay hindi posible na maisagawa sa bahay, ang mahalaga ay magkaroon sila ng paggalaw. Patugtugin ang kanilang paboritong kanta at hikayating sumayaw. Magtago ng isang bagay sa ligtas na lugar para sa “treasure hunt”. At kung wala ng pagpipilian bukod sa pagpapagamit sa kanila ng gadget upang sila ay maging abala, subukang papanoorin sila ng bidyo na magpapagalaw sa kanila. Ang mas matanda na bata ay maaaring hikayatin sa pag-eehersisyo sa bahay. Halimbawa jumping jacks, at skipping. Kung sila ay natututo sa online, dapat silang paalalahanan na magkaroon ng regular na paghinto sa paggamit ng gadget.
- Ang iyong anak ay dapat na may sapat na tulog. Kailangan ng 10-14 na oras ng tulog kada araw ng mga bata. Ang mga batang nasa edad anim hanggang labing dalawa, ay kailangan ng siyam hanggang labing dalawang oras na tulog. Ang mga teenager ay kailangan ng walo hanggang labing tatlong oras ng tulog.
- Mahalaga ang magandang nutrisyon para sa pisikal na pag-unlad kabilang ang pagpapalakas ng resistensya. Iwasan ang mga fast food at sitsirya hangga’t maaari at hikayatin ang bata na uminom ng wastong dami ng tubig araw-araw.
Paano suportahan ang intellectual development
Ang pagtuturo ay hindi lamang nangyayari sa silid-aralan o sa screen. Maraming paraan na kasiya-siya at malikhain ang maaaring gawin ng mga magulang upang makatulong sa intelektwal na pag-unlad ng bata habang nasa bahay.
- Mahalagang bahagi ng intelektwal at “holistic development” ng bata ang mataas na pag-iisip. Ang magandang paraan upang palaguin ang kakayahang ito ay ang pagbabasa kasama sila. Habang ikaw ay nagbabasa o matapos ang kwento, tanungin ang bata ng tanong na kung saan ay kailangan nilang mag isip para sa sagot. Halimbawa “Bakit mo iniisip na malungkot ang tauhan?” o “Paano mo tatapusin ang kwento?”
- Bigyan ang bata ng STEAM (Science, Tech, Engineering, Arts, Maths) na laruan tulad ng building blocks, puzzle, at mga arts and craft na mga aktibidad. Mahihikayat ng mga ito ang pag-iisip ng solusyon sa problema, pagiging malikhain, pag-unlad ng fine motor skill, kamalayang spatial, pasensya, at pokus.
- Ang agham at matematika ay maaaring mapasaya at maituro gamit ang araw-araw na mga aktibidad tulad ng pagtatanim o pagbilang sa mga hakbang, prutas, o anumang makikita sa bahay.
Paano suportahan ang kanilang emotional development
Ang EQ (emotional quotient) ay higit na mahalaga kaysa sa IQ (Intelligence quotient) dahil ito ay nagtatakda ng tagumpay sa buhay. Sukatan ang EQ ng emotional intelligence (EI) ng isang tao. Ito ay ang kakayahang kumilala, umunawa, at pangasiwaan ang emosyon ng iba at ng sarili. Ang mataas na kakayahan ng EQ ay tumutulong sa pagpapalakas ng katangian ng bata tulad ng pagiging kalmado, paghaba ng pasensya, pagkakaroon ng empathy, pagkakaroon ng kabatiran, pagtaas ng konsentrasyon, at kumpiyansa. Maaari mong pagyamanin ang emosyonal na pag-unlad ng bata sa bahay sa pagsunod sa mga hakbang na ito:
- Magkaroon ng kamalayan sa emosyon ng bata: sa pag-unawa kung bakit ang bata ay nagdadabog. Maaari mong maiwasan o maayos nang mabuti ang emosyong ito.
- Makipag-ugnayan sa iyong anak kung sila’y may pinagdaraanang matinding emosyon: Ipagdiwang ang kasiyahan ng bata at aliwin sila kung sila ay nalulungkot. Mahalaga ang pagpapatibay ng ugnayan at pagtuturo sa iyong anak na sila ay ligtas sa pagpapakita ng kanilang nararamdaman sa’yo.
- Pahalagahan ang nararamdaman ng iyong anak: Huwag balewalain ang emosyon ng mga ito. Sa halip, makinig sa paglalabas ng kanilang nararamdaman at ipakita na sila ay iyong naiintindihan. Sabihin sa kanila ang kanilang nararamdaman upang matuto ang bata kung ano ito at kung paano nila ito nararamdaman.
- Tulungan ang iyong anak sa paglutas ng problema: Ang kabiguan ay maaaring humantong sa paglalabas ng galit ng bata. Turuan silang humanap ng solusyon sa mga problemang ito upang maiwasan ang sumpong.
Paano suportahan ang social development
Sa pananatili sa bahay habang pandemya, ang mga bata ay likas na pinagkaitan ng kanilang sosyal na pakikipag-ugnayan sa kaibigan mula sa paaralan, kapit-bahay, at mga pinsan. Maaaring gumamit ng teknolohiya upang magpatuloy sa pakikipag-ugnayan at suportahan ang proseso ng sosyal na pag-unlad ng bata.
- Maglaan ng oras para sa anak na makipag-ugnayan sa mga mahal sa buhay tulad ng lolo at lola, mga pinsan, at kaibigan. Ito ay maaaring sa maisagawa sa video call o regular na tawag.
- Tulungan ang iyong anak na makipag-ugnayan sa mga kaibigan at kamag-anak sa makalumang pamamaraan- pagsulat ng liham at kard. Ang gawaing ito ay makatutulong sa pag-unlad ng literacy at pagsulat. Kung ang iyong anak ay hindi pa nakakapagsulat, maaari silang magpinta o arts and crafts na maaaring ipadala sa mga mahal sa buhay.
Matuto pa tungkol sa pag-unlad ng EQ ng bata rito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.