backup og meta

Ano ang mga Kahihinatnan ng Pagiging Pihikan Kumain sa Bata

Ano ang mga Kahihinatnan ng Pagiging Pihikan Kumain sa Bata

Ang pihikan kumain na bata ay nagpapahirap sa mga magulang. Nais ng bawat magulang na matanggap ng kanilang anak ang tamang nutrisyon para sa kanilang paglaki at development, ngunit kung minsan, hindi nakikipagtulungan ang kanilang anak. Bakit nagiging pihikan kumain ang mga bata? Ano ang mga kahihinatnan para sa mga bata na patuloy na tumatanggi na kumain? Mas malapitan nating tingnan ang mga sagot dito.

Bakit nagiging Pihikan Kumain ang mga Bata?

Mayroong ilang mga dahilan kung bakit nagiging pihikan kumain ang mga bata. Kadalasan, ito ay normal na bahagi ng kanilang development. Maraming bata ang sensitibo sa panlasa, amoy at texture. Para sa ibang mga bata, ang pagiging pihikan kumakain ay maaaring bahagi ng kanilang development sa personalidad habang kanilang binubuo ang kanilang pagiging independent. Maaari ding tinutularan nila ang pag-uugali ng kanilang magulang sa pagkain. Sa ibang pagkakataon, ang mga pihikan kumain ay may pinanggagalingan na mga kondisyon sa kalusugan.

Narito ang ilang kondisyon na nagiging sanhi ng pagiging pihikan kumain ng mga bata

1. Diarrhea

Kung ang gana sa pagkain ng anak ay karaniwang mabuti ngunit bigla siyang nahihirapang kumain, maaaring mayroon silang viral na infection o bacterial infection.

Bigyang-pansin kung ang bata ay madalas na pumunta sa banyo at umiinda ng pananakit ng tiyan.

Kung ang bata ay may mga problema sa panunaw, ang pinakamalamang na sanhi ng kahirapan ng bata sa pagkain ay pagtatae, at ito ay karaniwang sakit sa mga bata.

2. Constipation

Ang paninigas ng dumi ay isang kondisyon kung saan ang pagdumi ng bata ay nagiging mahirap. Kapag ang bata ay constipated, ang dalas ng pagdumi ay maaari maging madalang. Sa katunayan, ang mga batang may constipation ay maaari lamang dumumi ng mga 3 beses sa isang linggo.

Kung may ganitong kondisyon ang bata, posibleng tumanggi silang kumain. Maaari din silang mag-atubiling sumubok ng mga bagong uri ng pagkain.

pihikan kumain

3. Eosinophilic Esophagitis

Isang kondisyon ang eosinophilic esophagitis. Ito ay kung ang mga white blood cell (eosinophils), na dapat na mag-alis ng mga allergy, ay naipon sa esophagus. Ito ay maaaring ma-trigger ng mga allergens

Karamihan sa mga bata na may esophagitis ay kadalasang allergic sa ilang uri ng pagkain, tulad ng gatas, mani, o itlog.

Nagdudulot ang esophagitis ng mga sintomas tulad ng pamamaga ng lalamunan. Nagdudulot ito ng pananakit kung lumulunok ng pagkain at kadalasang nagreresulta sa pagiging pihikan kumain na bata.

4. Intolerance sa Pagkain

Nangyayari ang intolerance sa pagkain kung ang katawan ay walang kakayahan na tumunaw ng ilang mga sangkap sa pagkain o inumin. Mahalagang maunawaan na ang kondisyong ito ay iba sa isang allergy sa pagkain, na sanhi ng reaksyon ng immune system.

Ang kawalan ng kakayahan ng katawan na tumunaw ng pagkain ay nagdudulot ng iba’t ibang sintomas. Kabilang dito ang pananakit ng tiyan at pagduwal. At dahil sa mga sintomas na ito, maaaring tumanggi ang isang bata na kumain.

Ang ilang pagkain na maaaring maging sanhi ng intolerance ay kinabibilangan ng mga sangkap na lactose, wheat, at gluten.

5. Sakit sa Atay at Bato

Nakakaapekto ang iba’t ibang sakit sa function ng bato, atay, at iba pang mga organ at ito ay maaaring magpahirap sa bata na kumain.

Kung pinaghihinalaan na ang iyong anak ay may kondisyong pangkalusugan na nagdudulot ng maselan na pag-uugali sa pagkain, kumunsulta sa doktor upang malaman ang eksaktong dahilan.

pihikan kumain

Ano ang Dapat Iwasang Gawin sa Pihikan Kumain na Bata?

Minsan nakakadismaya na makita ang mga ugali ng mga bata na mahirap pakainin. Gayunpaman, dapat mong iwasan ang paggawa ng mga aksyon na maaaring magpalala sa sitwasyon.

1. Huwag Pilitin ang Pihikan Kumain

Huwag pilitin ang iyong anak na tapusin ang pagkain o sumubok ng bagong ulam kung hindi pa sila handa. Ang pamimilit ay maaaring maging mas mahirap para sa bata na kainin ang pagkaing inihanda. Sa halip, subukang manatiling positibo tungkol sa mga pagsisikap ng iyong anak. Halimbawa, purihin ang iyong anak kapag kumakain sila nang regular at nasa oras.

2. Huwag Pilitin ang Pihikan Kumain na Ubusin ang Pagkain sa Plato

Matapos mabusog ang iyong anak, huwag pilitin na tapusin ang natitira sa kanilang plato. Kung mas pinipilit ang bata na tapusin ang kanilang pagkain, mas mahirap para sa bata na kumain.

Magandang ideya na bigyan ang iyong anak ng makatwirang bahagi ng pagkain, hindi sobra o kulang. O maaari mong subukang magbigay ng mas maliliit na bahagi ng pagkain nang mas madalas.

Ano ang mga Pangmatagalang Epekto ng pagiging Pihikan Kumain ng Bata

Kung ang pihikan na kumain na pag-uugali ng anak ay nangyayari nang isa o dalawang beses, o bihira, maaaring hindi ito problema. Gayunpaman, huwag isawalang-bahala kung ang iyong anak ay nahihirapang kumain sa mahabang panahon.

Ang mga pang-araw-araw na pagkain ay pangunahing pinagmumulan ng enerhiya ng isang bata, at nagbibigay ito sa bata ng mga nutrisyon na kailangan ng bata sa pang-araw-araw. Natural lamang, sa mga batang nahihirapang kumain na hindi matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sa nutrisyon. At ito ay maaaring nakakaapekto sa cognitive at physical development ng bata sa kalaunan.

Sa paglipas ng panahon, ang mga negatibong gawi sa pagkain na ito ay maaaring hadlangan ang paglaki at development ng bata. Sa una, ang bata na nahihirapang kumain ay maaari lamang maapektuhan ang kanilang timbang. Unti-unti, maaari din itong makaapekto sa taas o tangkad ng bata hanggang sa tuluyang mauwi sa isang sub-optimal na nutritional status.

Sa huli, posibleng magkaroon ng problema sa nutrisyon at magdulot ng malnutrisyon sa mga bata.

Huwag patagalin ang pag-alam ng sanhi ng mga karamdaman sa pagkain sa mga bata. Kumunsulta sa doktor para sa tamang paggamot.

Maaaring magbigay ang doktor ng mga bitamina para sa bata. Anuman ang nakakasagabal sa proseso ng pagkain ng isang bata ay kailangang matukoy sa lalong madaling panahon. Sa ganoong paraan, agad na mahahanap ang puno’t dulo, matutugunan din, at makukuha ng bata ang lahat ng nutrisyon na kailangan nila.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Bata rito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How to cope with feeding a fussy toddler, https://www.babycentre.co.uk/a1008600/how-to-cope-with-feeding-a-fussy-toddler, Accessed January 12, 2022

Food refusal in children: A review of the literature, http://researchgate.net/publication/41428352_Food_refusal_in_children_A_review_of_the_literature, Accessed January 12, 2022

Children’s nutrition: 10 tips for picky eaters, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/childrens-health/in-depth/childrens-health/art-20044948, Accessed January 12, 2022

10 Tips for Parents of Picky Eaters, https://www.healthychildren.org/English/ages-stages/toddler/nutrition/Pages/Picky-Eaters.aspx, Accessed January 12, 2022

Food refusal, https://www.childfeedingguide.co.uk/tips/common-feeding-pitfalls/food-refusal/, Accessed January 12, 2022

When Your Toddler Doesn’t Want To Eat, https://familydoctor.org/when-your-toddler-doesnt-want-to-eat/, Accessed January 12, 2022

WHY IS MY CHILD SUDDENLY NOT EATING? https://healthcare.utah.edu/the-scope/shows.php?shows=0_xs2o10ra, Accessed January 12, 2022

Kasalukuyang Version

03/27/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Parents, Narito Ang Ilang Tips Ngayong Summer Na!

RSV o Respiratory Synctial Virus: Alamin Kung Ano Ang Sakit na Ito


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement