backup og meta

Ano Ang Kawasaki Disease, At Paano Ito Magagamot?

Ano Ang Kawasaki Disease, At Paano Ito Magagamot?

Bilang magulang, maaaring narinig mo na ang Kawasaki disease, lalo ngayon na may usap-usapang posibleng may kaugnayan ito sa COVID-19. Sa artikulong ito, alamin kung ano ang kawasaki disease, ang mga sintomas nito sa  bata, at iba pa.

Ano Ang Kawasaki Disease?

Ang Kawasaki disease ay tumutukoy sa bihirang sakit na pangunahing nakaaapekto sa mga batang nasa edad lima pababa. Bagama’t karaniwan ito sa mga bata, maaari din nitong maapektuhan ang mga nasa hanggang 13 taong gulang. Una itong inilarawan ni Tomisaku Kawasaki, isang Japanese Pediatrician, bilang uri ng vasculitis sa Japan noong 1967.

Nagiging sanhi ng ilan sa mga karaniwang sintomas ng sakit na ito ang pamamaga sa ugat na daluyan ng dugo. Kabilang sa mga klinikal na senyales at sintomas ang lagnat, rashes, at pamamaga ng parehong kamay at paa. Bagama’t ang mga sintomas na ito ay kusang nawawala, maaari din itong humantong sa mga malulubhang komplikasyon kung walang angkop na pagsusuri at gamutan.

Ang Kawasaki disease ay minsan maaaring makapinsala ng walls ng coronary arteries, na maaaring magresulta sa aneurysm, pamamaga ng puso, at problema sa valve ng puso. Dagdag pa rito, maaari ding maapektuhan nito ang iba’t ibang bahagi ng katawan ng tao tulad ng nervous system, immune system, at maging ang digestive system. 

Tinatawag din ang sakit na ito bilang Kawasaki syndrome o mucocutaneous lymph node syndrome.

Ano Ang Kawasaki Disease? Ilan Sa Mga Sintomas Nito

Ang batang may Kawasaki disease ay maaaring magkaroon ng mataas na lagnat (mas mataas sa 39°C) sa loob ng 5 araw o higit pa, at maging ang 4 o higit pa sa mga sumusunod na sintomas:

  • Rash sa pangunahing bahagi ng katawan o sa ari
  • Namamagang lymph glands sa leeg
  • Tuyo, namumula, at biyak na labi
  • Maga, malubak, at mapulang dila (“strawberry tongue”)
  • Pamumula sa loob ng bibig at likod ng lalamunan (o anomang pamamaga o iritasyon sa paligid ng bibig, labi, at lalamunan)
  • Magang kamay at paa
  • Pula, nagdurugong mata (maaaring irritated)

Mahalagang tandaan na ang mga nabanggit na sintomas ay maaaring hindi sunod-sunod na maranasan. Ang mga batang may mas mababa sa apat na mga  senyales at sintomas ay maaaring may tinatawag na hindi kumpletong uri ng Kawasaki disease. Sila ay may tyansang magkaroon ng coronary artery injury.

Samantala, ang pangalawang yugto ng kondisyong ito ay kadalasang nangyayari makalipas ang dalawang linggo ng pagkakaroon ng lagnat. Ang iba pang mga senyales at sintomas na maaaring maranasan ay:

  • Pagbabalat ng kamay at paa
  • Pananakit ng tiyan
  • Pagtatae
  • Pagiging iritable
  • Pananakit ng kasukasuan
  • Pagsusuka

Maliban sa mga pisikal na pagsusuri ng mga sintomas na ito, maaaring magsagawa ang doktor ng iba pang tests upang makatulong sa diagnosis. Ilan sa mga test na ito ay:

  • Echocardiogram upang masuri ang puso
  • Test sa dugo at ihi upang malaman ang mga posibleng kondisyon (hal. Tigdas, scarlet fever, rocky mountain spotted fever, juvenile rheumatoid arthritis)

Ano Ang Kawasaki Disease? Ano Ang Posibleng Kaugnayan Nito Sa COVID-19?

Naglabas ng pahayag noong April 27, 2020 ang United Kingdom tungkol sa bilang ng mga batang may malubhang sakit. Ipinakita nila ang mga senyales ng Kawasaki disease at Kawasaki disease shock syndrome.

Nasundan ito ng maraming mga kaso mula sa Europe at United States. Ang mga na-diagnose na may multisystem inflammatory syndrome in children (MIS-C) ay natuklasang nagtataglay ng virus na nagiging sanhi ng COVID-19. Dagdag pa, ilan sa mga ito ay may mga protina sa kanilang katawan na nagpapahiwatig na sila ay naging infected noon pa.

Maaaring magaya ng Kawasaki disease ang mga sintomas ng MIS-C, na nakikita sa mga batang may COVID-19. May mataas na posibilidad na ang mga batang nakararanas ng mga sintomas na ito ay maaaring positibo rin sa COVID-19.

Ano Ang Kawasaki Disease? Paano Ito Gamutin?

Ang batang na-diagnose ng Kawasaki disease ay tatanggap ng gamutan sa ospital at obserbahan ng doktor. Karaniwang mananatili sila sa ospital sa loob ng dalawa hanggang limang araw.

Ang pagbibigay ng Intravenous gamma globulin (IVIG) infusions sa pamamagitan ng IV ng bata at mataas na dosage ng aspirin kada anim na oras ay bahagi ng gamutan.

Makatutulong ang mga gamot na ito upang mabawasan ang pamamaga sa mga ugat na daluyan ng dugo. Ang antibodies ng IVIG ay nakatutulong na labanan ang mga impeksyon. Nababawasan din nito ang maaaring pagkakaroon ng coronary aneurysms, gayunpaman, maaaring hindi ito maalis ng IVIG

Maaaring ipagpatuloy ng iyong anak ang pag-inom ng aspirin matapos makalabas sa ospital hanggang sa ang mga senyales ng pamamaga at lagnat mawala.

Key Takeaways

Sa kabila ng ilang pagkakapareho sa MIS-C, ang Kawasaki disease ay bihirang kondisyon na maaaring magamot at makontrol. Agad na kumonsulta sa doktor kung ang iyong anak ay kinakikitaan ng anomang mga senyales at sintomas.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Bata dito.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

About Kawasaki Disease, https://www.cdc.gov/kawasaki/about.html, Accessed March 7, 2022

COVID-19 and Kawasaki Disease: What Parents Need to Know, https://www.nationwidechildrens.org/family-resources-education/700childrens/2020/05/covid-19-and-kawasaki-disease-what-parents-need-to-know, Accessed March 7, 2022

Kawasaki Disease, https://kidshealth.org/en/parents/kawasaki.html#:~:text=Kawasaki%20disease%20is%20an%20illness,younger%20than%205%20years%20old, Accessed March 7, 2022

Kawasaki Disease, https://www.cincinnatichildrens.org/health/k/kawasaki, Accessed March 7, 2022

Kawasaki Disease, https://medlineplus.gov/kawasakidisease.html, Accessed March 7, 2022

Kawasaki Disease, https://www.healthychildren.org/English/health-issues/conditions/heart/Pages/Kawasaki-Disease.aspx, Accessed March 7, 2022

Kawasaki disease, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/kawasaki-disease/symptoms-causes/syc-20354598, Accessed March 7, 2022

Kasalukuyang Version

10/17/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Parents, Narito Ang Ilang Tips Ngayong Summer Na!

RSV o Respiratory Synctial Virus: Alamin Kung Ano Ang Sakit na Ito


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement