backup og meta

10 Paraan upang Pakainin ang Pihikan na Bata

10 Paraan upang Pakainin ang Pihikan na Bata

10 Paraan upang Pakainin ang Pihikan na Bata

Kapag ang mga bata ay ayaw kumain, ito ay madalas na mahirap na hamon para sa mga magulang. Sa panahon ng paglaki ng mga ito, dapat matugunan nang maayos ang pagkonsumo ng nutrisyon ng mga bata sa paaralan, upang masuportahan ang kanilang development. Bago magalit  o mag-aalala, matuto mula sa aming mga kapaki-pakinabang na tip sa kung paano haharapin ang pihikan na bata.

Bakit Nagiging Pihikan ang Bata sa Pagkain

Normal na yugto na pinagdaraanan ng maraming bata ang pagiging pihikan kumain sa panahon ng development mula 6 hanggang 9 na taon gulang.

Kadalasang pangunahing dahilan kung bakit ayaw kumain ng bata ay dahil sa mayroon silang “takot” sa bagong pagkain. Ang takot ay maaaring dahil sa amoy, hugis, hitsura, texture, o lasa ng bago at hindi pamilyar na pagkain. At ang pag-aalala na ito ang lumilikha ng pihikan na bata.

Sa kasamaang palad, ang pag-uugaling ito ay nagpapaliit sa iba’t ibang klase ng pagkain sa diet ng isang bata. Ito ay nakakaapekto sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sa nutrisyon.

Isa pang dahilan sa pihikan na bata sa pagkain ay maaaring dahil sa mga pagbabago sa gana na kadalasang nangyayari sa edad na ito.

Sa ilang mga kaso, ang pagtanggi ng iyong anak na kumain ay maaari ding maging senyales na siya ay may sakit.

Paano Pangasiwaan ang Pihikan na Bata sa Pagkain?

Maaaring mag-iba ang pamamaraan kung paano makayanan ang pakikitungo sa batang ayaw kumain.

Ang pakikipag-usap ay maaaring unang gawin ng ina sa mga anak. Maaari nilang tanungin kung ano ang nararamdaman ng bata at ang kanilang mga reklamo tungkol sa pagkain. Dapat ding bigyang-pansin ng mga magulang kung anong mga uri ng pagkain ang hindi gusto ng kanilang anak. Kasama na rin kung ano ang kanilang mga paborito.

Sa pangkalahatan, narito ang mga tip na makatutulong sa iyong pakainin ang pihikan na bata:

1. Magbigay ng Pagkain sa Mas Maliit na Bahagi Ngunit Mas Madalas

Mas nagpapahirap sa sitwasyon ang pagbibigay sa bata ng malalaking bahagi ng pagkain kapag nahihirapan silang kumain. Sa halip na maghain ng pagkain sa malalaking bahagi, subukang maglagay sa mas maliliit na bahagi ngunit mas madalas.

Kung regular na gagawin, ang pamamaraang ito ay maaaring makatulong sa pag-regulate ng iskedyul ng pagkain ng iyong anak upang sa paglipas ng panahon, ang problema ng kahirapan sa pagkain ay masosolusyunan

2. Regular na Oras na Paghahain para sa Bata

Ayon sa Mayo Clinic, iminumungkahi na pakainin mo ang anak ayon sa iskedyul. Dapat na sanay ang mga bata na kumain ng tatlong pangunahing pagkain at dalawang meryenda sa pagitan ng mga pangunahing pagkain. Kasabay nito, nagtuturo din ito sa mga bata tungkol sa mga routine at habito.

Kung ang iyong anak ay masyadong pagod, maaari niyang piliin na matulog at tumanggi na kumain. Sa halip, magbigay ng kaunting merienda o gatas bago matulog ang bata.

Hilingin sa lahat na nag-aalaga sa iyong anak na sundin ang routine at habito na ito.

3. Ihain nang Kaaya-aya ang Pagkain

Kung sa lahat ng oras na binibigyan mo ang iyong anak ng pagkain na may karaniwan o hindi kasiya-siyang itsura, sumubok ng mga bagong paraan sa paghain ng parehong pagkain. Halimbawa, subukang hubugin ang kanin sa mga hugis hayop. Maaari kang bumuo sa mga karot ng puno, at mga pipino sa mga tuktok ng puno o damo.

Maging malikhain sa paghahanap ng mga kawili-wiling set-up at itsura para sa plato ng iyong anak.

Maaari ding gamitin ang pamamaraang ito kung ang bata ay may sakit at apektado ang gana kumain.

4. Pagkain na may iba’t ibang lasa

Kapag naghahain ng meryenda sa hapon at gabi, maaari kang mag-alok ng malalasang pagkain at matatamis na prutas.

Minsan, ayaw kumain ng mga pihikan na bata dahil nagsasawa sila sa lasa ng pagkain at gustong sumubok ng mga bagong lasa.

Kung mas marami ang pagkakaiba-iba sa diet ng bata, mas maraming sustansya ang kanilang natatanggap. 

Gayunpaman, mahalagang hindi kailanman mangangako ng matamis na pagkain para sa mga batang pihikan bilang pabuya. Ang mga magulang ay kadalasang nag-aalok ng mga matamis bilang gantimpala kung ang bata ay natapos na ang kanilang pagkain o kung ang bata ay kumakain ng kanilang mga gulay. Mababawasan lamang nito ang interes ng bata sa pagkain na kanilang kinakain.

5. Bigyan sila ng kanilang Paboritong Pagkain

Kapag ang anak ay may sakit at ayaw kumain, maaari mong pasiglahin ang gana nito sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kanilang mga paboritong pagkain. Maaaring magpakilala ng bagong pagkain sa pamamagitan ng paghahalo ng kanilang paboritong ulam sa iba pang uri ng pagkain upang ang diet ng iyong anak ay mas iba-iba.

6. Iwasang Uminon kung Kumakain

Maraming bata ang madalas umiinom sa gitna ng pagkain. Pero kung tutuusin, ang sobrang pag-inom ay maaaring malamanan ang tiyan ng bata kaya kaunti lang ang kanilang kinakain. Upang maiwasan ito, dapat mong limitahan ang dami ng tubig na maaaring inumin ng mga bata habang kumakain.

Kung ang iyong anak ay nauuhaw, painumin siya bago kumain, at subukang iwasan ang pagpapainom sa kanila ng labis hanggang sa maubos ang kanilang pagkain.

7. Magpakilala ng mga Bagong Pagkain

Minsan, hindi kakainin ng mga pihikang bata ang pagkain dahil hindi sila pamilyar sa pagkaing inihahanda mo.

Kung gusto mong magpakilala ng bagong pagkain, subukang gawin ito nang paunti-unti. Ihain muna ang isang maliit na halaga at pagkatapos ay magpatuloy sa isang mas malaking bahagi sa ibang araw, pagkatapos na matikman ito ng bata.

Ang kaagad na pagbibigay ng bagong pagkain sa malalaking bahagi ay maaaring mag-atubiling kumain ang mga bata. Lalo na kung hindi nila gusto ang hitsura, texture, o aroma.

8. Isama ang Pihikan na Bata sa Paghahanda ng Pagkain

Ang mga kawili-wiling aktibidad na may kaugnayan sa pagkain ay maaaring maging isang magandang paraan upang matulungan ang pihikan na bata. Halimbawa, maaari mong anyayahan ang iyong anak na maglaro ng mga set ng pagluluto o anyayahan silang maghanda ng pagkain nang magkasama. Bukod sa pagiging masaya, ang mga pamamaraang ito ay nakatutulong din sa iyo na ipakilala ang mundo ng pagkain sa iyong anak.

Sa grocery, maaari mong hayang mamili ang iyong anak ng mga bagay sa listahan o hayaan silang pumili ng pagkain na gusto nila. Sa bahay, maaari mo ring anyayahan ang iyong anak na tumulong sa paghahanda ng pagkain sa hapag-kainan.

Maaaring makatulong ang mga aktibidad na tulad nito upang hikayatin ang positibong development ng gawi sa pagkain ng isang bata. Sa ganitong paraan, maaari din silang matuto tungkol sa iba’t ibang uri ng pagkain, at maaari silang maging interesado sa bagong pagkain.

9. Gawing Positibio ang Bawat Hapag

Isa pang paraan upang pakainin ang pihikang bata ay ang pag-imbita ng ilan sa kanilang mga kaibigan sa bahay upang kumain nang sama-sama. Kadalasan, kapag kumakain kasama ang mga kaibigan, mas nasasabik ang mga bata, lalo na kung ang mga kaibigan ay makakaubos ng kanilang pagkain.

Ilayo ang iyong anak sa telebisyon, mga alagang hayop, at mga laruan habang kumakain upang matulungan silang mag-concentrate sa kanilang ginagawa. Bukod dito, huwag pagalitan o pilitin ang bata na kumain dahil maaaring mawala ang kanilang gana.

Hayaang kumain ang bata gamit ang kanilang mga kamay kung ito ang gusto nila. Nagbibigay ito sa kanila ng pagkakataong matuto ng iba’t ibang texture ng pagkain.

10. Maging Magandang Halimbawa

Ang pagpapakita ng magandang halimbawa para sa mga bata ay maaaring maging paraan para sa pagiging pihikan sa pagkain nito.

Madalas ginagaya ng mga bata ang mga kilos ng mga nakapaligid sa kanila. Kaya bago hilingin sa mga bata na sumubok ng bagong pagkain o tapusin ang pagkaing inihahanda mo, magpakita muna ng halimbawa.

May mga pagkakataon na ikaw o ang iyong kapareha ay maaaring umiwas sa ilang uri ng pagkain. Kapag nangyari ito, huwag magtaka kung gagayahin din ng iyong anak ang mga gawi na ito. Iwasang magpakita ng ganitong saloobin sa harap ng iyong anak.

Isa pang paraan upang harapin ang pihikang bata sa pagkain ay sabihin sa iyong anak kung paano mo nasisiyahan ang pagkain. Ang trick na ito ay maaaring magbigay ng inspirasyon sa mga bata na maging mas interesado sa pagsubok ng mga bagong pagkain.

Panghuli, siguraduhing sabihin sa iyong anak kung gaano ka kasaya na makita silang kumakain nang maayos. Ang mga bata ay positibong tumutugon sa paghihikayat at suporta, at ito ay magpapasigla sa kanila na matapos ang kanilang mga pagkain.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng bata rito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How to cope with feeding a fussy toddler, https://www.babycentre.co.uk/a1008600/how-to-cope-with-feeding-a-fussy-toddler, Accessed January 12, 2022

Food refusal in children: A review of the literature, http://researchgate.net/publication/41428352_Food_refusal_in_children_A_review_of_the_literature, Accessed January 12, 2022

Children’s nutrition: 10 tips for picky eaters, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/childrens-health/in-depth/childrens-health/art-20044948, Accessed January 12, 2022

10 Tips for Parents of Picky Eaters, https://www.healthychildren.org/English/ages-stages/toddler/nutrition/Pages/Picky-Eaters.aspx, Accessed January 12, 2022

Food refusal, https://www.childfeedingguide.co.uk/tips/common-feeding-pitfalls/food-refusal/, Accessed January 12, 2022

When Your Toddler Doesn’t Want To Eat, https://familydoctor.org/when-your-toddler-doesnt-want-to-eat/, Accessed January 12, 2022

WHY IS MY CHILD SUDDENLY NOT EATING? https://healthcare.utah.edu/the-scope/shows.php?shows=0_xs2o10ra, Accessed January 12, 2022

Kasalukuyang Version

03/27/2023

Isinulat ni Vincent Sales

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Parents, Narito Ang Ilang Tips Ngayong Summer Na!

RSV o Respiratory Synctial Virus: Alamin Kung Ano Ang Sakit na Ito


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Vincent Sales · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement