backup og meta

Anu-ano Ang Dapat Gawin Kapag Nagsisinungaling Ang Anak?

Anu-ano Ang Dapat Gawin Kapag Nagsisinungaling Ang Anak?

Ang pagiging matapat ang isang bagay na madalas nating ituro sa ating mga anak. Kaya masakit at nakakagalit sa’tin na mga magulang marinig na nagsisinungaling ang ating anak. Pero ano nga ba ang dapat gawin kapag nagsisinungaling ang anak? Paano natin sila pwedeng turuan na magsabi ng katotohanan at iwasan ang pagsisinungaling?

Para malaman ang mga kasagutan sa tanong na ito, patuloy na basahin ang artikulong ito at alamin muna ang mga dahilan ng pagsisinungaling ng bata.

Bakit Nagsisinungaling Ang Bata?

Pwedeng magsinungaling ang bata sa iba’t ibang dahilan, at narito ang mga sumusunod na sanhi:

  1. Nagsisinungaling sila dahil umiiwas silang maparusahan

Maraming bata ang pinipiling magsinungaling dahil natatakot sila sa kaparusahan ng pagsasabi nang totoo. Maaaring natatakot sila na mapagalitan, mahusgahan, mapahamak, at masaktan dahil sa pagsasabi ng totoo, kaya pinipili na lang nila magsinungaling.

  1. Pagsisinungaling para makita pa ang maraming posibilidad

Ang exploratory lies ang tawag sa pagsisinungaling para makita ang iba pang pwedeng mangyari sa pagsisinungaling. Madalas ginagawa ito ng ating mga anak dahil sa curiosity at kasiyahan.

  1. Pagkuha ng atensyon

Ang lantarang kasinungalingan o blatant lies ay isang uri ng pagsisinungaling na ginagawa para makakuha ng atensyon. May mga tao kasi na akala nila na sa pagsisinungaling sila mapapansin. 

  1. Nagsisinungaling para maging magalang o polite

Sa ilang mga sitwasyong panlipunan, dahil sa pagtuturo natin sa ating mga anak na maging magalang ay nauuwi sila sa pagsisinungaling minsan para magawa ito. Kadalasan ang uri ng pagsisinungaling na ito ay tinatawag na “white lies”. Halimbawa, kapag ang bata ay binili ng gamit sa paaralan at hindi nila ito gusto, madalas ang ginagawa nila ay nagsisinungaling at nagpapanggap sila na gusto nila ito. Minsan naman nagsisinungaling sila dahil ayaw nilang makasakit ng damdamin ng ibang tao.

  1. Nagsisinungaling sila para protektahan ang ibang tao

Altruistic lies ang tawag sa ganitong uri ng pagsisinungaling. Madalas na ginagawa ito ng isang bata para protektahan ang mahal sa buhay. Kaya hindi sila nagsasabi ng mga katotohanan na sa palagay nila ay ikapapahamak ng mga taong pinahahalagahan niya — o kaya naman ito ang nakita nilang paraan upang matulungan sila.

  1. Pagsisinungaling para makapagyabang

Whopper lies naman ang tawag sa uri ng pagsisinungaling na ito. Ito ay ginagawa madalas para maipakita na malakas silang tao, o para makakuha ng mataas na status at pagtingin mula sa iba. Ginagawa rin ito minsan ng ating mga anak upang maisalba ang kanilang self-esteem at ng ibang tao.

  1. Nakakapagsinungaling sila dahil nalilito sila sa imahinasyon at realidad

Nagaganap ang intentional lie kapag ang isang bata ay gumawa ng maling pahayag na may layuning gumawa ng false beliefs sa iba. Bukod pa rito, minsan ang mga anak ay nagkakamali sa pagtingin o pagkilatis ng fantasy at pangyayari sa totoong buhay, kaya hindi nila alam na nagsisinungaling na sila sa ilang mga bagay.

,Kaya naman kapag nagsisinungaling ang mga anak tungkol sa isang bagay, mahalagang malaman kung nalilito lang ba sila tungkol sa mga pantasya o sinusubukan talaga nila magtago ng mga lihim at magsinungaling.

5 Dapat Gawin Kapag Nagsisinungaling Ang Anak

Ang pagsisinungaling ng anak ay hindi maiiwasan kung minsan, kahit na lagi natin sila tinuturuan na maging matapat. Imbes na sisihin ang mga sarili bilang magulang, o pagbuhatan sila ng kamay, narito ang ilang mga bagay na dapat gawin kapag nagsisinungaling ang anak:

  1. Tanungin ang dahilan ng pagsisinungaling

Iba-iba ang sanhi ng pagsisinungaling ng anak, at ang pag-alam sa dahilan ng kanilang kasinungalingan ay makakatulong para mas maunawaan at maturuan sila ng kahalagahan ng pagsasabi nang totoo. Minsan kasi pang-unawa ang kailangan ng anak para maunawaan din nila ang kahalagahan ng iyong itinuturo.

  1. Kausapin sila nang maayos

Mahalaga na makausap ng maayos ang anak, dahil kung kakausapin sila ng galit ay baka mas lalo silang magsinungaling o matakot magsabi ng totoo. Mas mainam kung kausapin mo sila ng masinsinan at may sensiridad upang mas maunawaan nila na hindi palaging tama ang pagsisinungaling lalo na kung nakakasakit ng tao.

  1. Huwag daanin sa dahas, pananakot, at pamamalo

Pwede kasing maging dahilan ito para lalong matutong magsinungaling ang iyong anak. Ang takot na mapahiya at masaktan ng magulang ang isa sa maaaring maging malaking factor bakit sila nagsisinungaling. Maaari rin ito maging sanhi ng paglilihim nila ng mas malalaking problema na mayroon sila.

  1. Pagpapaunawa sa kanila ng kahalagahan ng pagsasabi ng katotohanan

Maaari mong sabihin sa iyong anak na ang pagsasabi ng katotohanan ay pwedeng makapagsalba ng buhay sa ilang mga sitwasyon o maging solusyon sa mga problema. Ang pagsasabi ng mga bagay na ito sa iyong anak ay maaaring makapag-motivate sa kanila na magsabi ng totoo, lalo sa mga panahon na lubhang kinakailangan.

  1. Ipaliwanag ang masamang epekto ng pagsisinungaling

Ang ilan sa ating mga anak ay patuloy na nagsisinungaling dahil hindi nila alam ang bigat ng mga pwedeng kahihinatnan ng pagsisinungaling. Maaari kang magbigay ng ilang mga sitwasyon na nagpapakita ng masamang epekto ng pagsisinungaling upang maunawaan nila ang kahalagahan ng pagsasabi nang totoo. 

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Lies: Why Children Lie And What To Do, https://raisingchildren.net.au/preschoolers/behaviour/common-concerns/lies Accessed February 3, 2023

Why Kids Lie and What Parents Can Do About It, https://childmind.org/article/why-kids-lie/ Accessed February 3, 2023

7 Reasons Why Children Lie And The Best Ways To Deal With It, https://www.parentingforbrain.com/why-do-kids-lie/ Accessed February 3, 2023

How To Deal With Lying In Children And Teens, https://www.empoweringparents.com/article/how-to-deal-with-lying-in-children-and-teens/ Accessed February 3, 2023

How To Handle Your Child’s Lying At Every Age, https://health.clevelandclinic.org/how-to-handle-your-childs-lying-at-every-age/ Accessed February 3, 2023

 

Kasalukuyang Version

05/22/2024

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata Bilang Magulang?

5 Sakit Na Maaari Makuha Ng Iyong Anak Kapag Naulanan Sila!


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement